LAM (03)

21 3 0
                                    

***

Since medyo nabo-bored na ako sa pagtangla sa kabuuan ng kwarto ng my loves ko...sinubukan kong pakiramdaman ang labas nito kung wala na ba talaga ang EXO at ng masigurado ko ay dahan-dahan akong lumabas at nabighani sa ganda ng Condo Unit na tinutuluyan ko.

"Wow. Halata mong artista talaga ang nakatira."

May napakalaking T.V, sosyal na sofa, mamahaling pure glass na mini-table at naka-air con pa ang buong unit. Nang mapadako ako sa kusina...mas lalo akong namangha sa mga nakita ko. Dalawang high-tech na ref, glass-type din ang mga cabinet. Yung stove, electric siya tapos ang mga utensils, ang gagara. Tapos ang lababo...pang mayaman. Dalawa siya. Hindi ko alam kung para san yung isa pero Wow...may Sensor siya. Automatic na bumubukas kapag itinapat mo ang kamay mo at automatic din na namamatay. Yung dining table din nila...ang ganda. Syempre glass type din. May labing limang upuan. Napakalaking dining table. Tas yung banyo...may bath tub. May shower at ang sossy ng toilet bowl. Bale...may apat na banyo na pare-pareho lang yung design. Tapos dito sa condo unit may siyam na room. Syempre...tigi-tigisa sila kaya naman napakalaki talaga nitong unit nila. Okay na sana lahat kaya lang...ang dumi at ang kalat. Siguro nanuod muna sila ng T.V bago umalis. Tapos sa kamadali, hindi na nagawang linisan ang pinagkainan.

Dahil wala rin naman akong gagawin...minabuti ko ng maggeneral cleaning sa buong unit. Sanay na sanay ako sa gantong gawain dahil nga panganay ako sa tatlong magkakapatid...ako ang may practicum degree sa mga gawaing bahay.

Niligpit ko muna ang mga nakakalat na balat ng chichirya, glass na may juice pa, utensils at plato na nasa sala at nilagay ito sa lababo. Kumuwa rin ako ng malinis na basahan para punasan ang mini-table. After that...sinimulan ko ng hugasan ang mga plato at ng matapos ako ay vinacuum at minap ko na rin ang buong unit. Iniscrub ko naman ang tiles ng banyo at pinalitan ang air freshiner na wala ng laman at inayos ang mga personal na gamit na nasa loob ng cabinet dito sa banyo. Tooth paste, tooth brush, shampoo, conditioner, soap, etc. Pinalitan ko na rin ang mga tuwalya na nakasabit since marami namang tuwalya na nakatago sa isa sa mga cabinet na nasa kusina at nilagay ang maruming tuwalya sa isang basket at dinala sa laundry area na meron din sila. Nang matapos ko ng linisin ang  buong unit...naglagay na rin ako ng air freshiner sa sala, kusina at sa laundry. Nilabhan ko na rin ang mga tuwalya since ayokong makakita ng tambak na tubal. Medyo naiirita kasi ako kapag ganun. Nakakapagtaka lang kasi parang...first time magamit itong washing machine nila ee kagara nga nito kasi automatic titiklupin mo na lang ang mga damit dahil tuyong-tuyo na siya paglabas niya.

"Haay sa wakas." Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko na mapaupo sa sofa ng maramdaman ko na ang pagod sa dami ng ginawa ko. Anong oras kaya dadating ang mga yun? Dapat nasa loob na ako ng kwarto. Nakakahiya kapag naabutan nila ako dito. Baka sabihin nila...feel at home ako.

kruuuuuuuck.

"Ooops." Oo nga pala. Kahapon pa ako hindi kumakain. Naku...pasensiya na my tummy...pati ikaw naapektuhan sa pag-iisip ko. Sige na...ito na...lalafangs na.

Sinubukan kong maghanap ng pwedeng kainin sa ref nila na napaka gara kaya lang...

"Hindi ko alam dito kung alin ang pwedeng kainin." Ano ba yan? Bakit kasi walang English translation ang mga pagkain dito? Tapos puro pa instant.. masama kaya sa kalusugan yun. Maraming preservatives added.

Napabuntong hininga na lang ako at napaupo sa isa sa mga upuan sa dining at napaub-ob. Wala bang pwedeng kainin na matino? Yung parang Filipino Style. Haaa-teka...parang may nakita akong noodles dun aa. Makapagsopas na lang kaya tutal malamig naman.

Life After MagicWhere stories live. Discover now