***
After akong yakapin ni Xiumin Oppa.. nagpaalam na siya sa akin na tutulog na daw siya. Tumango ako sa kanya at after niyang makalabas.. nanatili akong nakatulala.
"Niyakap ako ni Xiumin my love so sweet." Parang sira na sabi ko sa sarili ko.
Feeling ko magha-hyperventilate ako ngayon dahil sa sobrang kilig na nararamdaman. Since hindi ako yung klase ng babae na kapag kinilig ay tahimik lang.. nagtatalon ako with matching walang sound na sigaw. Alam nyo yun.. yung ganun. Yung sigaw na walang tunog. Basta ganun. Haha Mabuti na lang kamo at payat lang ako kaya hindi ramdam ang pagtalon ko.
Matapos kong pakalmahin ang sarili ko.. naupo ako sa kama at pinakiramdaman ang tibok ng puso ko.
"Grabe naman. Bakit ang bilis-bilis mo pa rin? Tama na. Aatakihin na ako sayo ee. Haaay." Idiniretso ko na ng higa ang upper part ng katawan ko sa kama at sinubukang ipikit ang mga mata. Baka sakaling dalawin na ako ng antok.. madaling araw na kasi hindi pa rin ako natutulog.
45 minutes later..
"Aist. Ayoko na. Grabe na ito. Hindi talaga ako makatulog."
Iritable akong tumayo at balak ko ngayong lumabas para uminom ng gatas na baka sakaling makatulong sa akin para makatulog.
Nang makakuwa ako ng gatas.. balak ko na sana nung bumalik sa kwarto ng maaninag ko si Xiumin Oppa na mahimbing na natutulog sa couch.
Gusto ko na sanang bumalik sa kwarto para magsimulang bumilang ng tupa pero natetempt ako na lapitan at tingnan kung paano matulog si Xiumin Oppa. Gusto kong makita kung anong itsura niya kapag tulog. Di ba sabi nila.. mas gumaganda daw o kaya gumagwapo ang isang tao kapag tulog since peaceful yung aura nito. Naku-curious tuloy ako sa itsura ni Xiumin Oppa ngayon.
"Ano ba Ericka? Bumalik ka na sa kwarto bili." Pero dahil matigas ang ulo ko.. nanaig pa rin ang kagustuhan ko na lapitan si Xiumin my loves.
Tahimik akong naglakad palapit sa kanya at ng nasa may tapat na niya ako.. hindi ko mapigilang mapatitig sa itsura niya.
Grabe.. totoo nga ang sinasabi nila. Sobrang gwapo ni Xiumin my loves ngayon. Sobrang peaceful niyang tingnan. Ang sarap niyang titigan.
Hindi ko na namalayan na naupo na pala ako sa carpet ng tiles habang nananatiling nakatingin sa natutulog na si Xiumin my loves.
"Ay teka.." Inayos ko muna yung nalaglag niyang kumot since mukhang nilalamig na siya atsaka ako bumalik sa panunuod sa kanya. "Baka magkapulmonya ka sa sobrang lamig dito. Hindi ka dapat magkasakit no. Haaaay. Xiumin Oppa.. bakit ba ang gwapo-gwapo mo? Nakaka-mesmerized ka alam mo ba yun? Mapa-tulog ka man o hindi.. ang sarap-sarap mong titigan. Alam mo ba.. ako ang number 0.00000000001 Fan mo. Ikaw ang nag-iisang bias ko at walang makakapalit sayo. Ikaw kasi.. inangkin mo na yung puso ko. Itinali mo na sayo. Alam mo ba.. dati sa Pictures at videos lang kita nakikita pero ngayon heto ka oh.. mahimbing na natutulog habang pinapanuod ko. Sa Pilipinas.. ikaw ang dahilan ko para gumsing tuwing umaga. Palagi kong tinitingnan yung Picture mo na naka-frame at nakasabit sa kwarto ko. Naeenergized ako sa twing nakikita kita. Umpisa palang ang araw ko pero binubuo mo na agad ito. Alam mo hanggang ngayon.. hindi pa rin ako makapaniwala na kasama na kita ngayon. Na hindi na lang sa panaginip kita nakakasama kundi sa personal na. Hindi ko masasabi na isang bangungungot ang nangyaring ito sa akin kasi kahit na.. nahiwalay ako sa pamilya ko, nakilala ko naman kayo. Nakilala ko ang tunay na KAYO. Masaya ako kasi kahit na ilang araw mo akong hindi pinapansin.. nakikita pa rin kita. Nagagawa ko pa ring masilayan ang maganda mong ngiti at mga mata. Kahit na hindi ako yung nginingitian mo o tinitingnan.. okay lang sakin at masaya pa rin ako. Hindi ko masasabi na paghanga lang ito Xiumin Oppa.. dahil simula ng makilala kita.. inangkin mo na ang puso ko. Alam kong sa tingin ng iba, wala akong karapatan dahil ordinaryong babae lang ako pero.. pero may karapatan naman ako hindi ba? May karapatan naman ako na mahalin ka kasi nga di ba sabi ko.. Everyone has the right to love. Hindi naman ako naghahangad ng kapalit. Hindi ko rin hinahangad na mahalin mo rin ako. Basta ang sa akin.. masaya ako basta masaya ka. Susuportahan kita sa lahat dahil Mahal na Mahal Kita." Mabuti na lang talaga at tulog itong si Xiumin Oppa pero kahit gising naman siya.. still.. hindi niya pa rin ako maiintindihan.
YOU ARE READING
Life After Magic
FanficThis is a 15 chapter story with an epilogue that narrates the story of a girl who has this strong feelings for a K-Pop Group that she admires for 5 year long. Kaya sa mga kagaya ko na admirer ng isang sikat na korean boy band.. halina't basahin ang...