LAM (05)

28 3 0
                                    

***

*Yawn*

Ang ganda ng panaginip ko aa. Kinantahan daw ako ni Xiumin my loves ng Sing For You tapos nagkwentuhan pa kami tapos nag-site seeing pa daw kami tapos- TEKA.. SHEEEZ. HINDI PANAGINIP YUN AA. TOTOONG NANGYARI YUN PERO-

"Paano ako napunta sa kwarto niya? Ano bang nangyari?"

Pinilit kong alalahanin ang nangyari hanggang sa sumakit na ang ulo ko dahil kahit anong gawin ko ay hindi ko talaga ito maalala. Wala akong natatandaan. Bakit ganun?

Aist.. Ano ba kasing nangyari? Nakakahiya kay Xiumin my love.. tinulugan ko siya. Ee kasi naman.. parang lullaby yung boses niya sa ganda.

Naisipan kong lumabas ng kwarto para maghilamos since kagigising ko nga lang- kaya pinakiramdaman ko muna kung nasa labas sila at ng mapagtanto ko na walang tao.. dire-diretso na ako sa banyo.

Siguro may shooting sila o guesting kaya wala sila ngayon dito. Ganun naman talaga dito sa Korea once na nag-comeback ang isang grupo. Sobrang daming appearance, guesting at interview. Palagi pang naga-out of the country. Oh di ba ,nakakapagod?!  Well.. advantage para sa akin yun. Para makagalaw ako ng ayos. Nahihiya pa rin kasi ako sa kanila. Kailangan palagi finesse ang kilos ko.

Yung paghihilamos na naisip kong gawin kanina ay diniretso ko na sa paliligo. Pakiramdam ko kasi ang lagkit ko pa rin kahit kagabi lang ako naligo. Siguro ganun talaga kapag babae. Maselan sa katawan.

After naman nun.. nagdecide ako na labhan muna ang underwear ko na ilang araw ko ng hindi pinapalitan. SPELL Y-U-C-K. Ee wala naman akong magagawa.. yun lang ang underwear na meron ako. Isinabay ko na rin ang damit na pinahiram ni D.O Oppa at yung pajama at oversized t-shirt ko na sobrang dumi na rin. Kaya ang ending ko ngayon.. nakatapis lang ako. Walang kahit anong saplot sa katawan kundi tuwalyang nakabalot. Okay lang naman since ako lang ang tao dito sa condo. Mamaya na lang ako magbibihis kapag tapos na ako sa paglalaba.

Nung makaramdam ako ng pagkabagot sa paghihintay na matapos ang washing machine sa whole procedure.. pumunta ako sa sala nila para buksan ang DVD player ata ito. Hindi ako sure kasi iba ang itsura. Mabuti na lang may English Translation ang mga button kaya naintindihan ko naman kung para saan sila.

Nakita ko yung bago nilang album na nakapatong sa ibabaw nito kaya ayun na lang ang nilagay ko. At nung nagplay na ito..

"YES. DIAMOND." Yan yung favorite ko dito sa album nila remember. Gustong-gusto ko talaga ito dahil dun sa part na parang arabic tune. Ang ganda kasing pakinggan.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko na mapasayaw habang sinasabayan ang masiglang rhythm ng kanta. Para akong ewan na umiindak habang naglalakad papunta sa laundry area.

"Shining. Shining. Just like a Diamond. Brighting. Brighting. You're like a Diamond."

Para talaga akong ewan. Paulit-ulit lang na yan yung kinakanta ko. Ee pano? Yan lang naman ang naiintindihan ko duon at nakakatuwa kasi talaga ang part na yan hahaha.

*Ting*

Ayun. Tapos na rin sa wakas. Kinukuwa ko na yung damit ko sa Dryer habang nagkekekembot pa rin at tuwang-tuwang inaamoy ito.

"Yes naman. Ambango na niya. Hindi na tutong ang pundiyo mo Panty kow." Siguro kung may makakakita sa akin ngayon.. aakalain niya, nababaliw na ako. Kausapin ba naman daw ang panty at bra. Ewan ko na lang.

Life After MagicWhere stories live. Discover now