Chapter 3 - Boss Joel

103K 1.7K 160
                                    

Lumipas ang araw at walang Caleb o Kuya Zandro naniningil ng utang ko. Malamang nakalimutan na nila ko. Malamang nagbibiro lang si Caleb na sisingilin niya ko ng utang.


Hello? Napaka yaman kaya ng parents niya! Saka, sino ba naman ako sa isang Caleb Weston?


"Cassie, pinapatawag ka ni Boss Joel, regarding ata dun sa leave request mo," sabi ng kasama kong waitress na si Queenie.

"Ahhh oo. Uuwi kami ni Tita Juana sa Bohol. Sana payagan ako ni Boss Joel."

"Pwede ba ko sumama?" excited na tanong ni Queenie. Alam ko na gustong gusto niya magbakasyon sa Bohol.

"Pag pinayagan ka ni boss, sumama ka. Mag swimming tayo sa chocolate hills!"

"Umakyat ka na nga! Wala ka kwenta kausap! Basta sasama ko kapag approved din leave ko ah?"

"Oo nga! Babalitaan kita. Alam ko naman na matagal mo pa pangarap pumunta sa Bohol. Papakain kita sa Tarsier!"


Pag akyat ko sa office ni Boss Joel, isang lalakeng naka cap at shades ang nasa loob ng opisina niya at nakaupo sa swivel chair. Naka white shirt at pants lang pero ang ilong, labi, kutis at body built ay kay...


"Caleb?"


"Cassie..." bati niya without any smile. Tinanggal niya ang cap at shades niya.


Shit, mas gwapo si Caleb sa malapitan at pag maliwanag. Madilim kasi nung una kami nagkita.


"Uhmm Caleb, what are you doing here?"

"Naniningil ng utang."

"Yeah right. May utang nga pala ko sayo. Magkano ba ang total ng utang ko?"

"One hundred thousand pesos," he said sabay flashed ng kanyang gorgeous and devilish smile. Muntik na kong himatayin dahil sa smile niya, pero biglang nag sink sa utak ko ang sinabi niya.

"One hundred thousand? Niloloko mo ba ko?" gulat kong tanong sa kanya. Kulang na lang lumabas mata ko sa eye socket ko na parang sa cartoons.

"Cassie, mataas ang interest rate ko since ilan araw na ang nakalipas."

"Seryoso?"


I'm a big fan of Caleb pero gusto ko siya sakalin sa mga oras na to. Di makatulog sa utang? Mahirap ba siya? Tsk!


"I'm damn serious, Cassie. Unless you're going to pay me the full amount of your debt, I will be forced to file charges against you," sabi ni Caleb na unti unti lumalapit sa akin.

"Kakasuhan mo ko?" tanong ko na unti unti naman umaatras palayo sa kanya.

"That's damn right..." bulong niya nang nakalapit siya sa akin. Our noses are almost touching.


Anong kaso ko? Estafa? Sana pinagsamantalahan ko na lang si Caleb. Eh di sana natuwa pa ko sa rape charges na isasampa niya sa akin.


"Then, I will see you in court!" chin up kong sagot.


Bwiset na lalaki. Palibhasa sikat at mayaman! Lakas mag power trip!


"Feisty. I like you, Cassie..."


Pero di na ko naka sagot pa dahil walang paalam na hinalikan na ni Caleb ang mga labi ko. Not harsh but not gentle, something in between. Something na parang... perfect!

I should​ be celebrating as Caleb is my first kiss, sobrang idol ko siya noon pa pero naging blanko lahat ng iniisip ko dahil sa halik na yun.


Bakit niya ginagawa ito? Pinaglalaruan ba niya ko sa mga kamay niya? Ganito siguro kapag mayaman, laruan lang sa kanila ang mga mahirap na tulad ko.


I pushed him away at isang malakas na sampal ang dumampi sa mukha ni Caleb. Siguro nga madaming babae na papayag na makipag one night stand sa kanya, pero ibahin niya ko.


Not me, Caleb. I am not easy to get! Not yet!


Idol ko nga siya dahil talented siya, pero hindi to the point na isusuko ko ang pagkababae ko sa kanya. 

F2 - The Official F Buddy | Caleb and CassieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon