Chapter 26 - Fish

76.4K 1.2K 38
                                    

That night, hinatid ako ni Kuya Zandro sa Tagaytay at dala ko na din ang napaka daming gamit ni Caleb.

"Sigurado ka ba na okay ka lang mag-isa dyan?" tanong ni Kuya Zandro habang binababa namin ang mga wardrobe ni Caleb pagdating namin sa Tagaytay

"Kuya Zandro, wag mo ko takutin ah?"

"Wala naman multo dyan. Mas matakot ka kay Caleb kaysa sa multo," natatawa niyang joke sa akin na parang may double meaning.

"Sanay na ko sa monster, also known as Caleb Weston. Sanay na ko sa attitude problem niya at sa mga mala menopausal tantrums niya."

"I doubt na uuwi ngayong gabi si Caleb. Madalas umaga na uuwi yun kapag kasama niya si Calix at Cassian. Tawagan mo lang ako kapag kailangan mo ng tulong."

Nang makaalis si Kuya Zandro, umakyat na ko sa kwarto para matulog pero wala pang isang minuto, may bumusina na sa harap ng gate. Nagmamadali as if walang bukas.

May nakalimutan ba si Kuya Zandro?

Umuwi ba agad si Caleb?

Mabilis akong bumaba at nakita ko ang isang babae na bumaba sa silver na kotse. Hindi ako maaring magkamali, this Allison Webber, ang ex girlfriend ni Caleb.

Anong ginagawa ng impaktang babaeng to dito?

"Where's Caleb? I want to see him!" sigaw ni Allison na medyo lasing na.

"Ms. Webber, wala po si Caleb dito. Umalis kasama yung mga kapatid niya."

"Tinatago mo si Caleb, palabasin mo siya! Caleb! Caleb Weston! Get out now! Can you fucking hear me!"

Naghuhurumentado si Allison at pinagbabato ang gate ng bag at shoes niya. Wala kaming choice nung driver niya kundi kalmahin siya.

"Ms. Allison, wala po talaga si Caleb dito. Nasa Manila po siya hanggang sa ngayon. Kung gusto mo, itetext ko siya na andito ka. Pwede mo siya hintayin dito sa labas," mapang-asar kong sabi.

She knows Caleb well at alam niya na walang pakialam ang lalakeng yun kahit maghintay siya ng buong magdamag dito sa labas.

"Ano ka ba niya? Bakit ka nandito sa bahay niya?"

Fuck buddy po niya ko. Di ba obvious andito ko sa bahay niya?

"Personal assistant po ako ni Caleb. Ang ganda ganda niyo talaga Ms. Allison sa personal. No wonder, nagustuhan ka ni Sir Caleb. Ang ganda mo sa TV pero sobrang ang ganda mo pala sa personal," change topic ko para kumalma ang dragonesa sa harap ko.

"Really? Uhmmm, medyo haggard na nga ako kasi galing ako sa bar."

Ay naniwala nga, gullible. Mukha ka kayang lasing na pokpok.

"Ms. Allison, fresh na fresh ka pa din parang fish."

"What?"

"I mean kahit tipsy ka, ang fresh mo pa din. Sayang, di ka nakita ni Sir Caleb. You look stunning with your mini skirt. Kaso baka bukas pa po siya umuwi."

"Ah ganun ba? Sige, I will just call him."

Nang makaalis si Allison, saka lang ako nakahinga ng maluwag. Scandalous pala si reigning Miss World Philippines. Sinasayang niya ang ganda at talino niya kay Caleb. Sabagay, kahit sinong babae ay mahuhulog sa kanya.

Teka, bakit ba siya sumugod dito sa bahay? Buntis kaya siya at si Caleb ang ama?

Tsk! Malaking problema ito...

F2 - The Official F Buddy | Caleb and CassieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon