Chapter 32 - Surprise

73.4K 1.1K 34
                                    

Wala pa akong isang oras sa pool party ni Hans at biglang tumatawag na si Caleb.

"Hey Caleb. Galit ka pa ba sa akin? Sorry na, bati na tayo! Pretty please?" excited na tanong ko sa kanya sa phone.

How I wish na kasama ko siya. I missed him and all I can think about is him. Alam ko nagtatampo siya kasi late ko na nasabi na aalis ako.

"Where the fuck are you?" galit na tanong niya sa phone. Mataas ang boses niya so that answers my question. Galit nga siya talaga sa akin

"Hello to you too Caleb. Di ba nasa Laguna ako for a birthday party? Nagpaalam ako kay Tita Juana, pumayag naman siya---"

"I am asking you Cassie, nasaan ka? Nasa loob ka ba ng resort ngayon?" inis na tanong niya as he cut me off.

"Oo nga. Wag ka na magalit Caleb. Uuwi na din naman ako mamaya. Promise, pwede tayo mag SOP later. Dumaan lang ako saglit---"

"Are you drunk? Lumabas ka, andito ko sa parking lot ng resort. Bilisan mo, pinapainit mo mga ulo ko."

Andito si Caleb sa Pilipinas? Di ba next week pa uwi niya?

Yung puso ko biglang tumibok ng napaka bilis, parang kong batang excited. Feeling ko nga, nauna na yung puso ko na tumakbo papunta sa parking lot para salubungin si Caleb. Mabilis akong lumabas ng resort kahit nahihilo ko. Natanaw ko na agad ang kotse ni Caleb. Naka black cap at shades siya, his usual not so effective disguise.

Mukhang hindi din niya kasama si Kuya Zandro. Pumasok agad ako sa kotse at gusto ko siya halikan pero tinaasan lang niya ako ng kilay.

"I thought next week ka pa uuwi. Bakit ka andito? At paano mo nalaman tong resort?"

"Your Tita Juana told me where you are when I called her on the phone. Magpaalam ka na sa birthday celebrant, we are leaving," he said with no emotions.

"Pero kadadating ko pa lang, isang oras pa lang ako---"

"I said, we are leaving. Anong part dun ang hindi mo maintindihan?"

"Galit ka ba? Bakit mo ko tinataasan ng boses?" I said as I pouted my lips.

Sinubukan ko din haplusin ang chest ni Caleb sa isang malandi na way. Sobrang saya ko na andito siya ngayon, andito na ang lalaking kinasasabikan ko na makita. Kung wala lang makakakita sa amin, I want to pull him to the backseat and make love to him. 

Kaso hindi ako sinagot ni Caleb at tinaasan lang uli ako ng kilay as if pinapalabas na ako ng kotse.

Isang buwan kami hindi nagkita, tapos ngayon galit? Di man lang ba niya ko namissed?

F2 - The Official F Buddy | Caleb and CassieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon