Mahaba haba na din ang kwentuhan naming apat at mukhang lasing na talaga si Calix at Caleb.
"Cassie, di ka ba nahihirapan kay Kuya Caleb?" tanong ni Calissa. Kaming dalawa na lang ang medyo matino dahil yung dalawa niyang kapatid ay nasa almost lifeless state na.
"Your brother? Sanay na ako sa kanya."
"Alam mo naman siguro na may attitude si kuya, pagpasensyahan mo na. I like you at sana hindi ka mag resign any time soon."
"Ako may attitude? Tsk! Ang bait ko kaya," biglang sagot ni Caleb.
Mukhang lasing na lasing na dahil nakasandal na sa balikat ni Calix. Si Calix naman ay humihilik na at naka indian sit sa stairs ng pool. Kala ko pa naman tulog na si Caleb, nakikinig pala ng usapan namin ni Calissa.
"Attitude yan si Kuya Caleb lalo na sa mga babae. Suplado antipatiko bwiset pero mabait na kapatid at anak. You have to understand, he's a Weston at may dugong Zamora Torres. Celebrity pa siya. Women are throwing themselves on his feet. Hindi niya alam kung ginagamit lang ba siya ng mga ito."
"Tsk, babae? Pain in the ass. Wala silang ibang gusto kundi pakasalan ang yaman ko," sagot ni Caleb na nakapikit pa din at biglang sumubsob sa pool ang mukha. Obvious na hindi na kaya ang sarili sa kalasingan.
"Huy, okay ka lang?" sabay lapit ko kay Caleb at inalalayan siya na sumandal sa gilid ng pool.
"I am fine, Cassie..." mahinang sabi ni Caleb na bigla akong niyakap.
Ang buong katawan naman niya ay nakadagan sa akin at ulo niya ay nakapatong sa balikat ko. My eyes widened ng dahan dahan akong hinalikan ni Caleb sa leeg kahit andoon si Calissa.
"Caleb, I think you need to rest."
"No, I want to hug you, Cassie. I want you Cassie," mahinang sabi ni Caleb na di pa din tumitigil sa kalokohan niya.
"Ha? Ahh eh, lasing ka lang Caleb. Halika na, umahon ka na dyan sa pool."
"Cassie, kaya mo ba dalhin si Kuya Caleb sa second floor? Tatawagin ko lang si Kuya Jerry, yung driver namin para buhatin si Calix paakyat sa room niya."
"Kaya ko sarili ko. Di naman ako lasing. Ako lashing? Tsk! Come on Cassie. Don't worry, I won't fuck you tonight. We can do that some other time."
Gusto ko maglaho sa mga oras na yun sa sinabi ni Caleb. Napangiti lang si Calissa as if may idea na siya na may nangyayari sa amin ng kuya niya.
BINABASA MO ANG
F2 - The Official F Buddy | Caleb and Cassie
Romance[WARNING: R-18 - RATED SPG] [COMPLETED] Caleb Weston is a talented singer, dancer and songwriter. A rising star in the world of show business. I'm a big fan Caleb and my world changed when he asked me to be his Official F Buddy... Language: English...