Chapter 2

13.8K 293 8
                                    

Haha. Please continue reading my story. =)) And please do comment too! :D Thanks!!!

----------------------------------------

Tinignan niya ulit ako. Inirapan ko lang ulit siya. Nakita kong tapos na sila kumain. “Sa wakas aalis na din”. Pero ba’t ganun umalis na yung dalawa siya nakaupo pa din?!

8:30 na. Uuwi na ko sa boarding house na inuupahan ko. Madalas akong tinatarayan ng mga kasama kong babae dun pero andun naman si Julia na kakampi ko, ate ko yun dun eh. Pero teka…

“Kath!”

“Andito pa din siya.” Bulong ko.

DANIEL’S POV

Oo madaming naghahabol sakin. Gwapo ko ba naman eh. Haha. Yabang lang. Pero ewan ko ba. Masisira bad boy image ko dito sa babaeng to. Hindi man lang ako kinakausap tapos hinintay ko pa matapos sa trabaho. Gentleman na pala ko ngayon. Bago yun ah.

“Kath!” sigaw ko.

“Hatid na kita pauwi.” Hindi pa rin siya nagsasalita.

“Tara na sa kotse.” Ayaw pa din akong pansinin.

“Pipi ka ba ha? Nagiging pipi ka ba pag ako na kumakausap sayo?!” Dagdag ko.

Tinignan niya ako ng masama. Ewan ko ba pero pag sa tuwing titignan niya ako ng ganun natatakot ako. Ano ba dapat kong gawin para pansinin ako neto… Hmm, di ko namalayan nasa gitna na pala ko ng daan. Bumusina ng malakas yung jeep pero di padin ako gumagalaw.

“Daniel! Ano ba!” May humila sakin ng malakas.

Napangiti ako ng marealize kong si Kath pala yun.

“Kath.” Tanging nasabi ko.

“Magpapakamatay ka ba?!”

ConstantlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon