Chapter 6

10.6K 195 8
                                    

DANIEL'S POV

Nahabol ko si kath andun siya sa may isle sa audience seat may kausap na madre tapos si Julia. Teka, sino yung lalaki? ... Parang si.... KUYA?!

"Kuya!" Sigaw ko.

"Oh! Tinawagan na ko ni Diego ah." Sagot ni Kuya Vhong.

"Kapatid mo po si Daniel?" Tanong ni Kath.

"Oo. Haha. Bakit? Inaaway ka ba neto?" Sabay akbay sakin.

"OPO! Lagi po!" Sumbong naman nya kagad.

"Hoy hindi ah! Maka-lagi naman to."

"Ah. Pagpasensyahan mo na. Ganyan talaga yan pag gusto niya isang tao. Aawayin muna niya."

"Tumigil ka nga kuya. Eh ba't mo ba sila ksama?"

"Cool small world kasi eh. Kakilala ko pala si Sister."

"Daniel right? Aalagaan mo si kath ah. May tiwala na ko sa'yo, lalo na ngayon kapatid ka pala ni Vhong." Ngumiti sakin si Sister. Ang bata pa niya para magmadre. Ang ganda pa! Hindi naman ata to Madre eh. Dyosa to! Dyosa! Kung di lang siguro siya madre na-inlove na si Kuya sa kanya.

"Sister Anne! Tumigil ka nga po. -___- So pano po tayo niyan? Ililibre pa daw po kasi kami ni Sir eh." Kath.

"Anne??! Kapangalan mo po yung e..." Tinakpan ni kuya bibig ko. Ugh. Bastos talaga to. -__-

"Ah. Wala siyang sinasabe." Kuya.

"Anong wala?!... Aray." Pano kinurot ako eh. Ibig sabihin tumahimik na ko. Takot din ako dito kahit papano eh.

"So wala kami kasama pauwi?" Andito nga pala si Julia. HAHA. Sama ko lang.

"Hatid na lang muna namin kayo." Alok ni kuya.

"Edi sama na lang po kayo samin." Ako.

"Naku, Daniel hindi na pwede si Sister gabi na masyado kaya nga sa boarding house na siya matutulog ngayon eh." sabi sakin ni Kath

"Palitan mo na lang kaya damit mo Sister. Magpanggap ka munang hindi ka Madre." Loko to si Julia oh. Hahaha.

"Diyos ko po, patawarin niyo po tong batang to. Hindi niya alam ang kanyang sinasabi." Sign of the cross. "Ano ka ba Julia."

"Mauna na lang kayo Daniel. Ako na lang maghahatid kay Sister. Julia sama ka na sa kanila sabihin mo sa stage manager nila sagot ko pagkaen mo baka isipin pa nun hindi ka naman niya kilala eh." Kuya.

"Eh pano ka kuya?" Tanong ko. Naks. Umiiral pagka gentleman ni utol.

"Susunod na lang ako. O eto pantaxi. Gamitin na namin ni Anne.... Sister Anne yung kotsemahirap na baka kung ano pa isipin ng iba. Madre tapos may kasamang lalaki."

"Sure ka kuya ha. Sige, text mo na lang ako."

"Uh, Kuya Vhong kayo na po bahala kay Sister ah. love ko yan!" Kath.

"Oo naman!" Nginitian siya ni Kuya. Naks. Close na sila. Nanay at Tatay ko na lang. Haha. Tapos diretso simbahan na! Saya!

"Hoy!" Kath

"Daniel!" Sigaw din ni Julia

"Oh?" Napasarap pala pag-iimagine ko.

ConstantlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon