KATH'S POV
December 25 - 12:05 AM
Okay eto kaen kaen din. Noche Buena with my boardmates and Miss Chin. Except kay Julia umuwi kasi siya sa probinsya nila eh. And to my surprise binati nila ako.
"Merry Christmas Girl!" Sue. Okay I was speechless. Baka mamaya pinaglololoko nanaman ako netong mga to.
"Gulat ka noh? Haha. Pasko na dapat bagong buhay na kami." Aria
"Onga so friends?" Kiray. She even held out her hand.
"Friends." I smiled and took her hand.
Patulog na sana ako eh. Magisa lang ako ngayon sa kwarto. Biglang nag-ring phone ko.
"Kathryn! Merry Christmas! Kamusta ka dyan? Sorry ah magisa ka lang ngayon dyan. Okay ka lang ba? Hindi ka ba nila inaway? Ano handa niyo? Nabusog ka ba? Hindi ba nagsungit si Miss?" Tuloy tuloy na tanong ni Julia.
"Di ba tumawag ka para makausap ako? Baka naman pwedeng hinay hinay lang sa tanong?"
"Haha. Sira ka talaga. Uy bago mag New Year punta ka dito samin. Gusto ka makilala nila Tatay."
"Sure. Haha. Sama ko ba si Diego?"
"Ayos yan. Basta isasama mo din si Daniel."
"Ha? Bakit? Ano role niya?"
"Hellooo? Friends ko kayo eh. Sama mo na lang the whole barkada. Pero warningan mo na sila na hindi malaki bahay namin. Mahirap lang kami."
"Ano ka ba. Oo sige sasabihin ko po. Haha. osige sleep na ko. Istorbo ka eh. Patulog na ko eh."
"Haha. Osige. Goodnight! Merry Christmas!"
"Merry Christmas din sainyo! Sweetdreams!"
Call ended.
Kaso hindi padin talaga ako makakatulog. Andaming text. Tunog ng tunog phone ko. Babasahin ko na nga lang.
From: Khalil
Merry christmas Kath! Sana matupad wish mo. Tsaka ko na ibibigay gift ko sa'yo pag nagkita na tayo ha.
Reply:
Yeah sure. Thanks! Merry christmas din! Wag ka mageexpect ng gift galing sakin ah. Hahaha.
From: Diego
Uy! Merry Christmas! Sayang di kayo magkasama ng Julia KO. Anw, may gift ako sa kanya. Kelan ko kaya maibibigay? Help!