Okay 2 chapters in one day. Yaaaaaaayyyy! Anlamig eh. Wala magawa! Kaya update update din!
Constantly
Chapter 18
---------------------------
"Hi Misssssh."
Kruu. Kruu. Shit! May lasing na humarang sakin. Hawak pa nya bote ng alak.
"Wag kang lalapit sakin!" Sigaw ko.
Unti unti akong naglalakad patalikod at biglang takbo! Takbo ako ng takbo and guess what?
"Halikaaa ditoooh. Maguusap lang naman tayo ehhh." Naabutan ako ng lasing nato. Leche!
Hinawakan niya ko sa braso. Pilit kong tinatanggal pagkakahawak niya.
"Bitawan mo ko! Bitaw!" Sigaw ko habang hinahampas hampas ko pa siya ng bag ko. Pero lalo lang humigpit hawak niya sa braso ko.
"Tulong! Tulungan niyo ko!"
"Ano ba! Wag ka ngaaang mahingay!" Amoy ko na ung alak sa kanya. Huhu.
"Bitawan mo ko sabi eh!"
"Pano pag hayoko?"
"Aaaaaaaaahhhhhh! Tulong Tulong!" Patuloy padin ako sa paghahampas sa kanya at pagpupumiglas sa tindi ng pagkakahawak niya sa braso ko.
Lord! Help me! Magpadala po kayo ng guardian angel dito oh! -.- Huhu! Gusto ko pa mabuhay Lord!
"May kamukha ka." May biglang nagsalita pero hindi ko makita parang nakatago siya sa poste. Boses lalaki. Parang kilala ko.
Pero wala akong oras para mag-isip! Kailangan ko makawala dito sa lasing na to!
"Sino? Akhoo? Gwapo ba yaaan?" Sagot netong bwiset na to.