Classroom

18 1 0
                                    

“Oy te, nagreview kana?” sabi ni Jason.

“Review?”

“Oo! Sa Pyscho!” sagot ni Jason.

“Hindi ko alam. Wala akong alam! Ano yun?”

“Sus. Walang alam tapos highest!” ani ni Charina.

“Halika ka na nga tuturuan kita! Kawawa ka naman Bhe!” sabi ni Christian.

Hindi ko alam kung kutya ba yun dahil President’s Lister siya pero sige nalang, deadma nalang dahil hindi talaga ako nakapagreview, wala akong alam. May hangover pako kagabi- hangover sa kwentong nakakatakot sa dorm naming, tipong 3am na nagtatakutan pa kami. Isusulat ko sa questionnaire mamaya 1.Kama 2.Ilaw 3.White Lady 4.Batang nangingiliti ng paa at marami pa. Lutang pa talaga ako, kaya nakatitig lang ako kay Christian, tinititigan ang buka ng bibig niya. Ang pagpapaliwanag niya, ang pagtatanong niya, at hindi ko namalayan… may malamig na dumampi sa palda ko at tumagos ito sa hita ko.

“HAHAHAHAHAHAHAHHAHAHAHAHAHAH! Yung laway mo! HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!” Sigaw ni Christian.

“Yuck, Bhe! HAHAHAHAHAHHAHAHAHAHAHA!”  tili ni Diana.

Imbes mahiya, natawa rin ako. Kadiri kasi ee.Laughtrip sa umaga. Iwas bad vibes kasi alam kong babagsak talaga ako sa 2nd quiz na ito!

6pm

“Bhe, babye.”

“Uyy bukas ahh!”

“Ingat kayo.”

Nasaan siya…

“Oh bat balisa ka bhe?”

“Nasaan si Christian?”

“Nasa labas!”

Lumabas ako ng room at natanaw ko siya na nakasulyap sa ulap. Nagtetext.

“Uy salamat kanina ah!” sabay inakbayan ko siya.

“saan?”

“sa pagpapakopya sa Psycho. Babawi nalang ako sayo next time!”

“Hahaha! Wala yun. Okay na sakin yung pagtulo ng laway mo kanina, napasaya moko dun!”

Sabay tingin sa cellphone niyang nagvivibrate. Ringtone niya ang Don’t Stop believing- Boyce Avenue, sabay pindot sa dimple ko sa pisngi, sabay talikod at sagot sa cellphone…

“Babe……..”

Alam ng lahat ang tungkol sa Girlfriend ni Christian na si Yvette Limbo. Kaklase niya ito nung 4th year high school sa Johnny Forward High School. Nag-aaral si Yvette sa UPD at si Christian ay dito sa Hogwarts. Kumukuha si Yvette ng AB History samantalang si Christian naman ay AB English. Going strong ang dalawa at sa katunayan, next week ay 2 years na sila. Galing noh!

Siya lang ang bukambibig nitong si Christian.

Yvette is my sunshine, my only sunshine. She makse me happy when skies are gray.♫♫♫

Pero maniwala ka man sa hindi, hindi namin alam kung anong itsura ni Yvette. Triny ko rin i-search ang FB niya pero wala talaga. Tinanong ko kay Christian kung anong FB account ni Yvette at sabi niya secret.

Minsan napag-usap-usapan ng Tropang PNR si Yvette.

Regine: “Ang galing ni Christian maghandle ng relationship nila ni Yvette noh?”

Emmi: “Oo nga ee! Tapos minsan lang sila magkita nun!”

Gab: “Minsan napapaisip ako… totoo kaya si Yvette?”

Els: “Ha? Bakit?”

Gab: “Walang FB, Walang Instagram, Walang Tumblr, Walang Twitter! Triny ko siyang isearch sa google- wala namang Yvette Limbo ee.”

Regine: “Malay mo naman ibang pangalan yun ginamit, to talaga!”

Baka tama si Gab. Baka hindi totoo si Yvette, baka imagination lang siya ni Christian. Side effect ng sobrang katalinuhan niya, baka nabaliw.

The Trails of a Broken HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon