Hold on to the feelin'

22 1 4
                                    

Pakiramdam ko napaka maka-sarili ko.

Pinagkakaitan ko ng kaligayahan at kalayaan ang sarili ko.

Kinukulong ko ang sarili ko sa anino ni Christian. Minamahal ko siya, kahit alam kong wala siyang planong tumbasan ang pagmamahal na iyon.

Nagdisisyon akong lumabas sa dormitoryo, sumakay ng tren papuntang tutuban. Nag-ikot ikot sa divisoria at bumili ng maraming chichirya. Joyride with matching food trip ako sa tren balik ng espanya. Paulit-ulit lang sa playlist ko ang

Don't stop believin' 

Hold on to the feelin' 

Streetlights people 

Yes Christian! I won’t stop loving you! I won’t stop believing! Friendzone na kung friendzone basta nandito lang ako para sayo! Magbreak man kayo ni Yvette, nandito ako para sayo.

Pero tinamad akong bumaba kaya hinayaan ko lang muna at sa Sta.Mesa nalang bumaba.

Pagbaba ko sa Sta.Mesa diretso Mang Chaa pero bago pa man ako makarating sa paroroonan, natanaw ko si Christian- may kayakap na diwata. May kayakap na engkantada. May kayakap na Diyosa. May kayakap na tala. Kayakap ang kanyang Maria Clara ni Ibarra, Beatrice ni Dante, Jane ni Tarzan, Christine ni Erik, Bessie ni Lucas, Margo ni Quentin, Hazel ni Augustus, Alaska ni Pudge, Lindsey ni Colin at Yvette ni Christian.

Kumaripas ako ng takbo pa-akyat ng Mang-Chaa, bumili agad at umupo. Naluha ako sa sakit, Panginoon sinadya mo bang dito ako sa Santa Mesa para masaksihan ko ito? Oo nga pala, Linggo ngayon at 15. Kaya pala sila magkasama, kaya pala sila magkayakap. Malamang sa malamang ay pinuntahan siya ni Yvette sa dorm nila. Ang sakit!!! Gusto ko ng mamatay.

Bruha ka Yvette! Bruha ka! Nauna ka lang kay Christian pero kung ako ang nauna niyang nakilala malamang sa malamang, kami ngayon ang magkasama! Hindi kayo! Kami! hindi kayo!

The Trails of a Broken HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon