Break

8 0 0
                                    

2nd sem

Mas mahirap pala kapag pinipigilan ang puso. Nagrerebelde gaya ng isang bata na minsan ay hindi pinayagan. Gumawa ng maling desisyon at napariwara. Maling desisyon ko ang mahalin parin si Christian sa kabila ng lahat. Alam kong napapariwara na ako, ngunit walang nakakaalam kundi ako at ang puso ko lamang.

Walang araw na hindi ko sinusulyapan ang FB ni Christian noong bakasyon, lahat ng kanta na linalagay niya sa status niya- diretso download agad. Wala akong pinalagpas mapa-Eminem pa yan o Abra. Sige lang. Ang gusto mo, gusto ko rin. Mahal kita ee.

Linapitan ako ng Angelica, Yinakap ng mahigpit. At ramdam ko ang pananabik niya sa mga kwento ko…

“Bhe, ok na ba ang puso mo? Nakamove-on kana ba?” tanong ni Angelica habang nakatitig sa mukha kong namumutla sa kaba.

“Lalo ko siyang minahal noong nawala siya, hindi ko alam kung bakit. Bakit ganun? Nakita ko na si Yvette sa FB, ang ganda niya-kahit kung ako si Christian. Hindi ko siya ipagpapalit sa isang kagaya ko. I really don’t know what to do.”

“Bhe, ikaw bahala. Basta nandto lang kami kapag kailangan mo. Oh siya, wag ka ng maingay nandiyan na si Christian.”

Paglingon ko, nandiyan na siya. Onti-onting lumalapit, namumutla ako… at tuluyang namutla pa…

“Hi Ange! Hi Bhe!”

Hi minamahal ko, kalian kayo magbre-break?

The Trails of a Broken HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon