Okay, find a partner!
Lingon! Lingon! HINDI MAARI! Ako nalang ang wala!
Sabay kalabit ka Prof. “Ma’am, wala po akong kapartner.”
“Ma’am- kami na po!” hiway ni Christian
Ayyyyyyyyyyiiiiiiieeeeeeeeeeeeee
Pati si Prof. ay napangiti.
“Kami nalang yung magkapartner! Classmates ahh!” sabay linaw ni Christian.
Graded Recitation sabi ni ma’am pero ang setting ay bubunot kayo sa fish bowl. Ang bubunot ang magiging editor at ang isa ang siyang magcoconstruct ng poem.
Within 15minutes lang daw ito.
“Ako ng bubunot.”
“Okay. I believe in you.” Sabi ni Christian.
“You believe in me?”
“Yes.” Sagot niya.
He believes in me. Christian believes in me.
Nakahiga na ako sa kama pero dilat parin ang aking mga mata sabay ng mainit na pakiramdam sa aking dibdib. Sinubukan kong pumikit. Pero lumulutang parin sa aking isipan ang pakiramdam na may naniniwala sa akin. Assumera kana! Matulog kana girl! Te, may girlfriend siya! Hindi maari yun!
He believes in me. Christian believes in me.
Hindi ko na kaya!
IGGM KO ITO!
“Goodmornyt ^____^, Hindi makatulog eee!
…..Tecs me?
#believes♥♥♥
#poetry:’’)
giem”
Hindi niya naman mapapansin yun diba? I mean, hindi lang naman siya ang nagsabi sakin ng salitang believe diba? And our lesson this past few weeks are all about poetry.
Duh, wag siyang assuming!