Hapon na at medyo makulimlim, wala pang Prof. at 45 minutes na siyang late. Gusto ko ng bumalik sa dorm, magtago sa kumot at mamaluktot.
“Bhe, may gusto sana akong malaman. Pwede ba?” tanong ni Angelica.
Si Angelica ang isa sa mga Secret Holder ng room, pwede siyang maging Pari. Mangumpisal ka sa kanya ng lahat ng kasalanan mo at siguradong hindi lalabas sa klase yun. Pakiramdam ko lahat na ata ng tao sa room ay nangumpisal na sa kanya. Nang kahihiyan nila, pagsisisi, panghihinayang, galit sa mundo at kung ano-ano pang espiritu ang bumabalot sa katauhan mo, idulog mo yan kay Angelica at itataboy niya yan!
“ano yun, Ange?”
“Umamin ka sana sakin.”
“ano yun, Ange?”
Anong aaminin ko? Hindi ako buntis! Ano to?
“May gusto ka sa kanya noh?”
“Ange, sana maintindihan mo ako. Alam kong mali yung nararamdaman ko, pero cool-off naman sila ngayon ee. Sandigan niya ako and he even believes in me. No one does believe in me like the way he does. He needs me especially now.”
“Bhe hindi na sila cool-off ni Yvette. Nagka-tampuhan lang sila dati at tatlong buwan na ang nakalipas, ok na sila ni Yvette Bhe!”
“Ok na ba talaga sila?”
“Oo Bhe.”
“Ok.”
“Bhe, matalino ka. Gawin mo ang tama.”