Last Night

5 0 0
                                    

Dalawa palang kaming nasa room.

“Oh ang aga mo ata?” tanong ni Werner

“First trip…. Werner, pwede ba akong magtanong?”

“Oh sure!” sagot ni Werner

“Paano mo malalaman na may gusto sayo ang isang tao?”

“He’s nice to you.” Sabi ni Werner

Hindi pa lumilipas ang limang minuto ay dumating na si Christian, napatayo ako. Linapitan ko siya, kumakabog ang dibdib ko. Anong meron? Bakit ganito?

“Chri..Christian…”

“Hi bhe!”

“Sorry.”

“For what?”

“Last night?”

“Last night??”

“Hindi ako nakapagreply sayo kasi nakatulog nako. I’ll treat you nalang! FEWA!”

“Sige! Sino ba namang hindi tatanggi sa FEWA!”

Sabay kaming nagluch, kwentuhan. Kwentuhan. Kwentuhan. Kwentuhan patungkol kay Yvette.

“Nag-away nga kami kagabi ee. Paano kasi hindi niya man lang sinabi sakin na uuwi siya ng Naga. Nalaman ko nalang nung nag-GM siya. Wala bakong karapatang magalit bhe?” nakita ko ang pagkapit ni Christian sa Spork (Spoon na Fork) habang nagsasalaysay. Matindi nga siguro ang tampo niya kay Yvette at kailangan niya ako. Kailangan niya ng makakausap, masasandalan, ng taong makakaintindi sa kanya.

“Bhe, baka may dahilan din si Yvette. Intindihin mo nalang siya Christian.”

“At ano ang dahilan Bhe?”

The Trails of a Broken HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon