So do I

13 1 0
                                    

Kinabukasan, sa klase...

Hindi ito maari! 

BAGSAK AKO! sa Tatlong Major subject? srsly? oo bagsak ako? di nga? dinaig ko pa yung hindi pumapasok na si Crizia! 

Si Crizia- yung kaklase naming tiga-Novaliches na kung hindi late- hindi na talaga pumapasok at susulpot lang pag may quiz, exam at graded recitation pero lahat uno. Sa katunayan, Dean's Lister pa siya sa lagay na yun at Scholar ni Herbert. 

Pero ano nalang sasabihin ko sa mga magulang ko?

Tay, Nay... Magsusummer po ako... Tatlong Subject po... </3

Angelica:

"Bhe, totoo ba to? Hindi ako makapaniwalang bagsak ka."

"Ange.. kasi... bagsak talaga ako sa lahat ng quiz niya. Pati Midterm at Finals hindi ko napasa."

Yinaya ako ni Angelica sa labas, para magpahangin saglit. 12:30 palang naman at 3:00pm pa ang susunod naming klase. Umupo kami sa hindi kalauyan, hawak-hawak niya ang aking kamay,iniimagine ko na sana si Christian ang may hawak sakin ngayon. Pero, oo nga pala- sino nga naman ako para hawakan niya.

"Bhelinda, anong nangyayari sayo? Bakit laging mugto ang mata mo, puyat ka at laging tulala. Hindi naman sa pagiging chismosa pero nagaalala na talaga ako sayo. Hindi ka dapat magkaganyan."

"Kahapon, nagfood trip ako sa tren at nagjoyride papuntang santa mesa para sana bumili ng milk tea. Nakita ko si Christian, magkayakap sila ni Yvette na mukhang papaalis na. Tumakbo ako agad at bumili, umupo at umiyak. Noong sinabi mo sakin gawin ko ang tama, ginawa ko naman e. Umamin ako sa kanya na mahal ko siya kasi yun ang alam kong tama. Riniject niya ako dahil kay Yvette. Dahil sa babaeng lagi siyang pinapahirapan, sinasaktan, at kinakawawa! Pero ako, nandito ako para sa kanya at hindi niya ako makita dahil sa Yvette na yan!"

"Tapos?" 

"Ilang buwan kaming nagkakachat ni Christian. Text, Skype, tawanan, tawagan nga namin Bhe."

"Bhelinda kasi pangalan mo, may pagkaJejemon kasi may H. Tyka Bhe, ikaw lang ang tumatawag rin ng bhe kay Christian! Oh sige magkwento kapa."

Oo nga noh? Hays! im so pathetic.

"Nakakainis Ange! Dapat kasi nawala nalang yang babaeng yan! Alam mo ba buong gabi kong iniistalk yang babaeng yan sa FB! Oo na! Maganda siya, anong laban ng pango na kagaya ko sa porselanang balat mayaman na babaeng yun. Napakabait ni Christian. Hindi deserving yang Yvette na yan para sa kanya."

"So do you."

"What?"

"So do you.. naririnig mo ba ang sarili mo?"

Hindi na ako nakapagsalita. At hindi ko na alam ang mga susunod.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 22, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Trails of a Broken HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon