AN: Ito'y mga kathang isip lamang ng manunulat. Pasensya na sa wrong grammar and typos.
__________________________Ika-labing anim ng Hunyo taong 1955
Alas tres ng umagaGinagalang na Orasiana,
"Masayang-masaya ako dahil nakita kong muli si Lailanie sa tagpuan namin. Alam kong nagagalak ka sa aking pagsunod sa mga bilin mo na hindi dapat magsayang ng oras dahil napaka-importante nito.
Palagi kong tatandaan na bawat oras na binibigay mo sa akin ay aking bibigyang halaga.
Hinihiling ko sana na mabigyan mo uli ng isang oras na makatagpo ang aking pinakamamahal na si Lailanie sa makalawa. Gusto ko sanang makasama siya sa araw ng kaniyang kaarawan.
Hihintayin ko ang iyong sagot bukas ng gabi para ako'y makapaghanda pa kung sakali mang ako'y iyong payagan.
Maraming maraming salamat Orasiana.
Gumagalang,
Andres
Tinupi ni Andres ang kanyang sulat para kay Orasiana at inilagay sa harap ng malaking orasan na nakapaloob sa malaking kahon na may takip na salamin.
Sadyang hindi mawari ni Andres kung ano ang kanyang gagawin kung wala si Orasiana. Sa kaparusahang ipinataw sa kanya ay nagsimula siyang mawalan ng pag-asa noon. Nahirapan siyang tanggapin ang katotohanang totoo ang mga nangyayari sa kaniya.
Marami silang nakatira sa malaking bahay, may iba na sumusunod sa patakaran ni Orasiana at may iba ding sadyang nagmamatigas. Iyon ang dahilan kung bakit mas natatagalan ang kanilang pagkawalay sa kanilang mga mahal sa buhay. May iba na dahil sa katigasan ng ulo at hindi na pinalad na makabalik pa sa kanilang mga pamilya at tuluyan nang naglaho sa mundo.
Malungkot man at mahirap noong una ay nagawa din nilang intindihin ang mga pangyayari. Sa araw-araw na pagbabalik-tanaw nila sa mga nagawa nilang pagkakamali noon ay nagkaroon sila ng rason para kumbinsihin ang kanilang mga sarili na tama lang ang nangyayari sa kanila ngayon.
Nangungulila man sila sa kung anong klaseng buhay na iniwan nila ay binigyan pa din sila ni Orasiana ng sapat na panahon para gawin kung ano ang nararapat.
Tulad ng iba ay naintindihan na ni Andres ang sitwasyon na mayroon siya ngayon. Unti-unti niyang naintindihan ang layunin ni Orasiana sa lahat ng mga ginagawa niya.
Kahit wala siyang maalala tungkol sa naging buhay niya ay minabuti pa rin ni Andres na gawin ang lahat nang makakaya niya para magkaroon ng sagot ang mga tanong niya. Ginagawa niya ang lahat para makabalik sa buhay na iniwan niya at para makapiling ang pamilyang kasama sa naburang alaala nang patawan siya ng kaparusahan.
Masaya siyang lumabas sa sikretong kwartong iyon at nagpunta sa kanyang silid upang ituloy ang naudlot niyang tulog.
Bukas ng gabi ay malalaman niya ang sagot ni Orasiana.
Humiga siya na dala-dala ang isang matamis na ngiti sa labi habang baon ang larawan nang nakangiting kasintahan sa kanyang memorya.
Isang napakatamis na ngiting masisilayan na naman niya sa makalawa kung pahihintulutan siya ni Orasiana.
Ngunit paano kung hindi?
Paano kung hindi ibigay ni Orasiana ang kanyang hiling?
Hindi maari! lihim na wika niya sa kaniyang sarili
Kukumbinsihin niya si Orasiana na pagbigyan siya. Nakapangako na siya kay Lailanie na darating siya sa araw na iyon sa kanilang tagpuan. Alam niyang hindi ipagkakait ni Orasiana sa kanya ang kanyang kasiyahan.
Nakatulog siyang masaya at determinado na ibibigay ni Orasiana ang kanyang kahilingan dahil ni minsan ay hindi pa siya sumuway rito.
Nasasabik na siyang makita ang pinakamamahal na si Lailanie sa araw mismo ng ika-labing-walong kaarawan nito.
BINABASA MO ANG
Orasiana
FantasyDumating ka na ba sa puntong gusto mong pigilin ang oras makasama lang siya nang mas matagal? Eh 'yong puntong gusto mong ikutin ang kamay ng orasan para lang maibalik ang mga panahong nasayang. Ano ang kaya mong isugal makasama lang ang pinakamamah...