3 - Paghihintay

172 71 95
                                    

Ika-labing pito ng Hunyo taong 1955
Alas otso ng gabi

Hindi mapakali si Andres habang paroo't parito sa paglalakad sa loob ng kwarto niya.

Hinihintay niya ang sagot ni Orasiana sa kanyang hiling.

"Nag-iisip pa kaya siya kung papayagan niya ako?" Tanong ni Andres sa kaniyang sarili.

Nagsisimula na siyang balutin ng pangamba at kalungkutan. Iniisip pa lang niya ang kalungkutan sa mga mata ng kasintahan ay di na niya maatim na makita iyon.

Gustuhin man niyang lumabas at puntahan si Orasiana ay hindi niya magawa. Hindi niya hawak ang oras at hindi niya magagawa ang kahit na anumang naisin niya.

May kanya-kanya silang oras na pwedeng makalabas sa bawat silid nila. At hindi nila pwedeng suwayin ang batas ni Orasiana.

Naparusahan na sila noong mga panahong nagpakasasa sila sa oras na akala nila ay pwede nilang aksayahin at ito na ang kinahinatnan nila.

Bawat isa sa kanila at may anim na oras na makalabas sa kanilang mga silid at maglibot sa buong kabahayan at sa paligid nito. Ngunit hindi sila maaring lumampas sa bakod ng mahiwagang bahay na iyon nang walang pahintulot ni Orasiana.

Oras na suwayin nila ito ay habang buhay na silang mawawalan ng pagkakataong makabalik at malayang mamuhay sa tunay nilang mundo.

Tumigil ang panahon nila mula ng maparusahan siya at uusad lamang ito kung makakagawa sila ng kabutihan gamit ang isang oras sa labas ng bakod na binigay ni Orasiana sa kanila.

Isa si Andres sa nabigyan ng pagkakataong makalabas ng mahiwagang bakod sa loob ng isang oras sa pahintulot ni Orasiana.

Iyon ay bilang gantimpala sa pagsisising nakita niya dahil sa mga nagawang kasalanan at sa pagsisimulang muli sa pamamagitan ng pagbibigay halaga sa bawat oras na binigay sa kanila.

Isang oras para gumawa ng mabuti sa kapwa kahit saang lugar man sila pwedeng mapadpad sa bawat pagkakataong ibigay ni Orasiana. Iba't-ibang lugar sa iba't-ibang panahon ang pwede nilang mapuntahan at kailangan nilang gawin ang dapat sa loob ng isang oras para umusad sila pabalik sa totoong panahon na kinabibilangan nila.

At sa minsang pag gamit ni Andres ng isang oras na iyon ay nakita at nakilala niya si Lailanie. Ang babaeng bumihag ng kanyang puso sa unang tingin niya dito.

Alam niyang magkaiba ang panahon nilang dalawa ni Lailanie dahil isa sa napuntahan ni Andres ang panahong kinabibilangan ng dalaga.

"Hintayin mo lang ako, mahal kong Lailanie. Darating ako tulad ng pangako ko sayo, mahal ko. Alam kong pagbibigyan din ako ni Orasiana. Kaunting hintay lang." usal ni Andres sa sarili niya.

"Sana ay nananalangin ka rin ngayon, mahal ko na sana ay pagbigyan ako ni Orasiana sa aking kahilingan upang tayo at magkita at magkasamang muli kahit sa maikling oras lamang." sambit ni Andres.

Tumunog ang orasan ni Andres na nakasabit sa kanyang silid. Napangiti siya nang marinig iyon.

Iyon na ang hinihintay niyang tunog, hudyat ng kanyang kalayaan sa susunod na anim na oras. Hudyat ng kalayaang gawin ang gusto niyang gawin. Hudyat ng kalayaan niya na subukang kumbinsihin si Orasiana na pagbigyan ang kanyang hiling - para sa pinakamamahal niyang si Lailanie.

OrasianaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon