December 24, 2016
Oras: 11:00 ng GabiGumuhit sa mukha ni Andrew ang pagkalito sa tinuran ng magandang babaeng kaharap niya kanina sa restaurant. Tinawag lang naman siya sa pangalang Andres at umiyak ito ng tanungin niya kung kilala siya nito.
Nilagok niya ang laman ng kopitang hawak niya habang nakatingin sa kabuuan ng syudad mula sa glass wall ng kanyang condo unit.
Napaka-gandang pagmasdan ang buong syudad lalo na ngayong malapit nang salubungin ang araw ng Pasko.
Bumalik sa isip niya ang mukha ng babae kanina sa restaurant. Parang may kung anong kirot na naramdaman sa puso niya si Andrew nang makitang lumuha ang dalaga.
Parang piniga ang puso niya. Pamilyar sa kanya ang mukha ng babae na para bang nakita na niya ito ngunit hindi niya maalala kung saan at kailan.
"Hon!" Narinig niyang tawag ni Divine. Napalingon siya dito at sumalubong sa kanya ang matamis na ngiti ng babae.
"I'll stay for the night." Dugtong ni Divine habang ipinulupot ang mga braso sa beywang ni Andrew.
"Your family needs you tonight. It's Christmas! You should spend time with them." Wika ni Andrew na ibinalik ang tingin sa labas ng glass wall.
"They won't notice I'm missing hon. Besides ikaw ang gusto kong Christmas gift." Isang pilyong ngiti ang kasunod ng mga sinabi ni Divine.
Ngumiti lang ng tipid si Andrew. Liberated si Divine. Maganda, sexy, mayaman at matalino. Pero spoiled brat kaya gusto laging nasusunod ang mga nais nito.
Mahirap aluin kapag may tantrums lalo na kung di nasusunod ang mga gusto niya.
"Okay fine! Mauna kana sa kwarto. Susunod na ako." Pagsang-ayon ni Andrew na sinuklian ni Divine ng isang mariing halik sa labi ng binata.
Napabuntong-hininga si Andrew ng makaalis si Divine sa tabi niya. Nakakasakal na minsan ang pagiging spoiled ni Divine.
Minsan na niya itong hiniwalayan pero nauwi sa suicide attempt ang lahat. Buti nalang ay nadala agad sa hospital at naagapan.
Tuluyang inubos ni Andrew ang alak sa bitbit na kopita saka naupo sa couch. Iniisip niya parin Yong babae sa resto kanina.
"Napagkamalan niya akong kakilala niya at tinawag na Andres. Sino kaya siya?" Tanong ni Andrew sa isip niya.
Gulong-gulo ang isip niya sa pangyayaring iyon. Pagkalito ang namayani sa isip ni Andrew.
Naramdaman na niya ito dati. Noong mga panahong magising siya sa isang bagong kabanata ng buhay niya na hindi niya malaman kung paano niya sisimulan.
Hindi niya maintindihan pero may nararamdaman siyang kakaiba nang makita ang babae sa resto. Parang may lungkot siyang nakita sa mga mata nito at parang may parte ng puso niya na kumirot para sa babaeng yon.
"Bakit mo ginugulo ang isip ko? Bakit parang may mga tanong ako na hindi ko malaman kung ano? Sino ka ba at sino si Andres?" Mga tanong na ikinainis ni Andrew.
"Hon! Halika na." Tawag ni Divine mula sa pinto ng kwarto niya. Naka-nighties na ito at pumasok uli sa kwarto.
Isang ngiti ang itinugon ni Andrew sa dalaga at tumayo na para sundan ito sa loob ng kwarto niya.
Iyon ang kailangang diversion ni Andrew para makalimutan niya yong babaeng nakita niya kanina.
BINABASA MO ANG
Orasiana
FantasyDumating ka na ba sa puntong gusto mong pigilin ang oras makasama lang siya nang mas matagal? Eh 'yong puntong gusto mong ikutin ang kamay ng orasan para lang maibalik ang mga panahong nasayang. Ano ang kaya mong isugal makasama lang ang pinakamamah...