Ika-tatlumpo ng Disyembre taong 1852
Alas nwebe ng gabi"Orasiana!" dumadagundong ang boses ng kaniyang amang hari habang palapit siya nang palapit sa palasyo kung saan siya namulat at lumaki. Sigurado siyang galing na sa kaniyang silid ang kaniyang ama para tingnan kung natutulog na siya bago ito magpahinga sa sariling silid kasama ang kaniyang inang reyna.
Mabilis na inakyat ni Orasiana ang may kataasang bakod ng kanilang palasyo upang makapasok sa loob ng hindi namamalayan ng mga guwardiya lalong-lalo na ng kanyang amang hari na si Haring Segundos.
Sa sobrang liksi ni Orasiana ay mabilis siyang nakaakyat at nakatalon papunta sa loob ng bakod saka tumakbo nang napakabilis papasok sa palasyo. Hindi na niya mabilang kung ilang beses na niya itong nagawa, ang paglabas ng palasyo kahit ipinagbabawal ng kaniyang amang hari.
Tiningnan niya muna kung wala bang tao sa pasilyo ng palasyo papunta sa ipinagbabawal na silid. Nang masigurong walang mga gwardiya na palakad-lakad sa pasilyo ay ubod ng bilis siyang tumakbo papunta sa pinto ng ipinagbabawal na silid ng kaniyang ama at dahan-dahang binuksan iyon gamit ang palawit ng kaniyang kwintas na hugis kamay ng orasan.
Tumambad sa kanya ang mahiwagang orasan na maingat na nakapaloob sa isang de-salamin na kahon. Binuksan niya agad ang salamin at walang pag-aalinlangang pinihit paatras ng isang oras ang mga kamay ng orasan.
Sumilay sa labi ni Orasiana ang isang pilyang ngiti nang maramdaman ang epekto ng kaniyang ginawa at saka dali-daling lumabas ng ipinagbabawal na silid.
Tinahak niya ang pasilyo na parang walang nangyari at lumiko pakanan para magtungo sa kanyang kwarto. Lumundag siya sa kaniyang malambot na higaan ng makapasok sa sariling silid. Isang matamis na ngiti ang sumilay sa mga labi ng prinsesa habang nakahiga at nakatitig sa kisame ng kaniyang silid.
. . .
Kinaumagahan ay nagising si Orasiana dahil sa malalakas na pagkatok sa pinto ng kaniyang silid.
Pupungas-pungas na bumangon ang dalagang prinsesa at tinungo ang pinto upang pagbuksan kung sino man ang kumakatok. Isang humahangos na Silvera ang bumungad sa kaniya. Si Silvera ang kaniyang tagapag-alaga at matapat na alalay.
"Prinsesa Orasiana, nakalimutan n'yo na naman ang bilin ng inyong ama na huwag ikandado ang pintuan ninyo." bungad na wika ni Silvera.
"Anong problema Silvera at humahangos ka nang napakaaga?" tanong ni Orasiana na hindi man lang binigyang pansin ang sinabi ni Silvera tungkol sa kanyang pinto bagkus ay lumakad ito pabalik sa kanyang higaan at humiga. Sumunod naman si Silvera pagkasara ng pintuan.
"Pinapatawag ng iyong amang hari ang lahat. May kaguluhang nangyayari sa mga magsasaka at taga-pastol." pahayag na sagot ni Silvera
"Anong kaguluhan naman iyon at ang aga-aga pa?" nagtatakang tanong ni Orasiana kahit sa tono nito ay halatang hindi man lang naalarma sa mga nangyayari.
"Nabahala ang mga magsasaka dahil hinihintay nila ang tag-ulan pero hindi pa rin dumadating. Ang mga taga-pastol naman ay wala nang maipakain sa mga inaalagaang baka at kambing dahil halos nalalagas ang mga dahon ng mga punongkahoy at hindi tumutubo ang mga damo. Malaking problema ang kinakaharap ng palasyo dahil sa mabagal na pag-usad ng panahon." pag-aalalang wika ni Silvera sa mahal na prinsesa na ngayon ay nakikitaan na niya ng pagkainteres sa mga inilahad niya.
"Nasaan si Ama at Ina?" tanong ni Orasiana na bumangon mula sa pagkakahiga at ibinalabal ang bulaklaking sarong na paborito niya.
"Nasa hardin ng palasyo mahal na prinsesa. Sasamahan ko po kayo."
"Huwag na Silvera. Ihanda mo na lamang ang aking agahan at kakain ako pagbalik ko." tanggi ni Orasiana sa alalay at dali-daling lumabas ng kanyang silid upang puntahan ang mga magulang.
Tanaw niya ang mga ito na kausap ang punong tagabantay ng mahiwagang orasan. Yukong-yuko ang ulo nito na para bang humihingi ng kapatawaran sa isang malaking kasalanan na nagawa.
Ramdam ni Orasiana ang mabilis na pagtibok ng kaniyang puso. Alam niyang may kinalaman siya sa mga nangyayari at nakokonsensiya siya dahil hindi niya akalaing malaki ang naging epekto ng mga ginawa niya.
"Ama..." tawag ni Orasiana sa amang hari na agad namang lumingon sa kinatatayuan niya. Parang napako ang mga paa ni Orasiana sa kaniyang kinatatayuan nang makita ang lungkot sa mga mata ng kaniyang amang hari.
"Orasiana, prinsesa ko, mabuti at gising ka na," walang siglang sambit ng kaniyang ama. Kalungkutan din ang nababanaag niya sa mukha ng ina niyang si Reyna Minuteya.
"Ama! Ina! Patawad!" paghingi ng tawad ni Orasiana kasabay ng pangingilid ng luha sa kaniyang mga mata.
Ikinagulat iyon ng kaniyang mga magulang. Hindi nila maintindihan ang ibig ipahiwatig ng kanilang prinsesa.
Lumapit si Orasiana sa mga magulang at lumuhod sa harap ng mga ito. Isinalaysay niya ang kaniyang ginawa sa bawat paglabas niya ng palasyo na sa tingin niya ay siyang naging dahilan ng mga nangyayari ngayon sa kanilang lugar. Patuloy sa pagdaloy ang luha ni Prinsesa Orasiana dahil sa pagsisisi sa mga nagawa.
Iiling-iling na lumapit sa kaniya ang kaniyang ama at inalalayan siya patayo mula sa kaniyang pagkakaluhod.
"Tunay ngang malaking kasalanan ang nagawa mo mahal kong anak. Isang napakalaking kamalian na magpapahamak sa ating kaharian at sa ating nasasakupan." wika ng amang hari habang tinitigan niya sa mata ang kanyang prinsesa na puno ng hinanakit.
"Pero isang katapangan ang pag-amin mo ng iyong kasalanan at pagsisisi sa iyong nagawa. Ipinagmamalaki pa rin kita anak ko." wika naman ng inang reyna habang hinimas ang mapula-pulang pisngi ng anak.
Lalong naiyak at nagsisi si Prinsesa Orasiana dahil imbes na magalit ay hinangaan pa siya ng mga magulang.
"Ama! Ina! Handa po ako sa anumang kaparusahan na ipapataw ninyo sa akin. Maluwag ko pong tatanggapin," sambit ni Orasiana sa kaniyang mga magulang na kitang-kita ang pagkagulat sa mga narinig.
"Sigurado ka ba sa sinasabi mo anak?" paniniguradong tanong ni Haring Segundos sa kaniyang prinsesa.
"Opo Ama, sigurado po ako," matapang na sagot ni Orasiana
Nagkatinginan nang makahulugan ang kaniyang mga magulang.
Lalo silang pinahanga sa katapangang ipinakita ng kanilang pinakamamahal na Prinsesa Orasiana ng Kahariang Timeria.
==============(°*°)==============
I want to dedicate this prologue to TOPAegiii for making a cover for my ORASAINA. Thank you so much.You can check her account mga ka tropa and request a cover for your story.
Good luck to your cover shop bhe.
BINABASA MO ANG
Orasiana
FantasyDumating ka na ba sa puntong gusto mong pigilin ang oras makasama lang siya nang mas matagal? Eh 'yong puntong gusto mong ikutin ang kamay ng orasan para lang maibalik ang mga panahong nasayang. Ano ang kaya mong isugal makasama lang ang pinakamamah...