June 17, 2012
Oras: 8:00 ng umagaNgiting-ngiti si Lailanie habang hinihimas ang kanyang mga labi. Sino ba namang hindi magiging masaya kung ang mga labing iyon ay nadampian na nang mga labi ng kanyang pinakamamahal na si Andres.
"Sana makapunta talaga si Andres sa tagpuan namin sa kaarawan ko. Ngayon pa lang ay namimiss ko na siya." wika sa isip ni Lailanie na di mapalis ang ngiti sa mga labi nito.
Mag-iisang buwan na silang magkasintahan ni Andres ngunit patago nga lang dahil ayaw ng mga magulang niya na magnobyo siya.
Mag lalabing-walong taong gulang pa lang siya sa makalawa at iyon ang hinihintay niyang edad para pahintulutan ng ama na pumasok sa isang relasyon.
"Lailani!" narinig niyang tawag ng kanyang ina na papalapit sa kanya.
"Yes, Ma. May kailangan po kayo?" magalang na tanong ni Lailanie.
"'Nak, tumawag si Papa mo. Kina lolo't lola raw idadaos 'yong birthday mo." anunsyo ng ina sa dalaga.
"Bakit naman po? Nasabihan ko na 'yong mga kaibigan ko rito, Ma. Pwede namang dito nalang kahit maliit lang na handaan," giit ni Lailanie na may pangamba sa kanyang boses pero hindi ang mga kaibigan ang dahilan ng kaniyang pagrereklamo.
Si Andres! Paano nalang si Andres? hiyaw ng utak niya.
May usapan sila na magtatagpo sa kanilang tagpuan sa araw ng kaniyang kaarawan.
"Wala na akong magagawa, 'nak. Doon didiretso ang Papa mo galing Cebu para sa kaarawan mo. Kaya bilisan mo na riyan para makapag-ayos ka na ng mga gamit mo na dadalhin natin sa byahe." utos ng ina niya sabay pasok sa kabahayan.
"Ma, teka lang!" pigil niya sa ina. Napatda ang ina at binalingan ang anak.
"Ano 'yon 'nak? May kailangan ka bang sabihin?" tanong nito kay Lailanie.
"Baka pwede kong kausapin si Papa. Baka pwede ko siyang kumbinsihin na h-hindi na tayo umalis para sa birthday ko, Ma." halos maiyak na wika ni Lailanie pero pilit niyang pinipigil.
"Bakit ayaw mong umalis? Ano ba ang pumipigil sayo para sundin ang gusto ng iyong ama?" kunot-noong tanong ni Minerva sa anak.
Si Andres! Iyon ang isinisigaw na sagot ng puso't isip ni Lailanie ngunit hindi niya kayang bigkasin sa harap ng kaniyang ina.
"M-mas gusto ko rito Ma. Mas magiging masaya ang birthday ko kasama kayo at mga k-kaibigan ko. W-wala naman kasi akong kahit isang kaibigan sa Palawan." kinakabahan man at pilit na nilalabanan ni Lailanie ang sarili na huwag pumiyok at umiyak kahit gustong-gusto nang tumulo ng mga luha niya.
"Naiintindihan kita 'nak ngunit alam mong ayaw na yaw ng papa mo na sinusuway ang mga desisyon niya." sambit ng kanyang ina habang hinahaplos ang pisngi ng anak.
Alam niyang ilan lang sa mga rason ang binigay ni Lailanie ngunit batid niyang may mas malalim pang dahilan kung bakit ayaw nitong umalis.
"Sige na 'nak. Maghanda ka na ng mga gamit mo para maaga tayong makaalis." utos ni Minerva kay Lailanie sabay halik sa noo ng dalaga saka tuluyang tumalikod para pumasok sa loob ng bahay.
Tanaw niya ang inang papasok sa malaking bahay habang tuluyang tumulo ang kaniyang mga luha. Sobrang naghihina ang kaniyang loob sa isiping wala siyang magagawa kahit ang kaniyang ina sa kagustuhan ng kaniyang ama.
Ngunit hindi niya pwedeng talikuran si Andres ng ganun-ganun na lang. Nangako itong darating sa kanilang tagpuan sa kaniyang kaarawan.
"Kailangan kong ipaalam kay Andres ang pagbabagong ginawa ni Papa." wika ni Lailanie sa sarili saka mabilis na pumasok sa bahay nila.
Ngunit paano niya sasabihin kay Andres kung hindi niya naman ito matagpuan kahit saan?
#######
A/N: Yong nasa multimedia si Lailanie habang ngingiti-ngito sa kanilang hardin.Paano na yan guys? Di na siya magbibirthday sa kanila. Paano si Andres?
Abangan!
BINABASA MO ANG
Orasiana
FantasíaDumating ka na ba sa puntong gusto mong pigilin ang oras makasama lang siya nang mas matagal? Eh 'yong puntong gusto mong ikutin ang kamay ng orasan para lang maibalik ang mga panahong nasayang. Ano ang kaya mong isugal makasama lang ang pinakamamah...