SPG 18+
"Bakla, salamat talaga dito sa pakain mo ha. Pasensya ka na talaga." Sabi ko kay Arcee habang kumakain ng burger na inilibre niya sa akin. Nasa harap kami ng bahay nila at kanina pa ako gutom dahil walang pera ang Ate ko dahil kinuha ng magaling na asawa ng Papa ko. Wala naman kaming magawa dahil nakikitira lang naman kami. Mabuti na lang at nakakain na si Toto kanina at malamang na tulog na rin iyon. Pilit ko namang tinitiis ang gutom pero hindi ko na talaga natiis kaya pinuntahan ko na si Arcee at kinapalan ang mukha ko.
"Ano ka ba, Marse. Sino ba naman ang magtutulungan? Siyempre, sagot ka ng dyosa mong kaibigan! Dapat nga bobooking ako ngayong gabi pero alam mo namang ikaw ang uunahin ko kesa sa mga lalaki ko." Sabi niya dahilan para mapangiti ako.
"Puro ka na lang booking, kapag ikaw talaga nakakuha ng sakit sa kakatikim mo ng lalaki, ako ang unang babatok sa'yo." Sagot ko sa kanya.
"Safe ang mamshie mo, Marse! Marunong naman ako pumili tsaka kilala mo ba si Arnold? Iyong nagbabasketball sa kabilang court?" Aniya. Tumaas naman ang kilay ko sa sinabi niya.
"Iyong anak ni Aling Madring? Iyong matangkad na moreno?" Tanong ko.
"Tumpak, Marse! Natikman ko iyon noong isang gabi. Jutay ang otoko, Marse! Nawindang talaga akes nang makita ko si Zuma! Kahit pala hindi tagluan, may kabute si Arnorld." Kumunot naman ang noo ko sa pinagsasabi niya.
"Bakla, pwede ba? Hindi ko na kaya maintindihan ang mga pinagsasabi mo. Ano bang jutay at otoko 'yan? At sino namang Zuma?" Sabi ko at tsaka ako kumagat sa burger ko.
"Hindi ka pa rin ba natututo? Very slow mo talaga kahit kailan!" Inirapan ako ni Arcee.
"Sino ba kasing Zuma?"
"Si Zuma! Iyong ama ni Galema na babaeng ahas! Ahas! A-h-a-s! In short, kabute ni Arnold!" Doon ko na lang naintindihan ang gusto niyang iparating.
"Bwisit ka, bakla! Nadudumihan na ang inosente kong pag-iisip dahil sa'yo!" Sabi ko sa kanya.
"Iyon nga kasi Marse, jutay si Arnold! Tapos ang bilis pa labasan, sayang lang ang wampipti ko! Sana pala si Pedring na lang ang tinikman ko!" Aniya na para bang luging-lugi siya.
"Kung ikinain na lang sana natin 'yang pera mo, 'di sana nabusog pa tayo." Sabi ko. Nilukot ko naman ang plastik ng burger at itinapon iyon sa malapit na basurahan. Inabot naman sa akin ni Arcee ang soft drinks na pinahawak ko sa kanya at ininom iyon.
"Sa susunod si Albert na lang ang titikman ko, mukha namang dakota iyon kesa kay Arnorld. Sa tingin mo, Marse?" Aniya.
"Hoy tigilan mo ako ha at hindi ako interesado sa mga awra mo. Uuwi na ako, salamat sa pakain mo. Sa uulitin ha?" Sabi ko bago ko siya iwan.
"Bruha ka, iiwan mo na lang ako bigla pagkatapos kitang palamunin! Katulad ka rin nila! Magsama-sama kayo!" Sigaw niya pa sa akin habang papalayo ako. Natawa na lang ako kay Arcee.
Malapit lang naman ang bahay namin sa kanila kaya nilalakad ko lang. Medyo madilim lang ang eskinita kaya delikado na kung uuwi pa ako ng hating gabi.
Dumiretso agad ako sa kusina nang makarating ako sa bahay. Mabuti na lang at tulog na ang mga tao kaya walang nakapansin sa akin. Sigurado akong makakatikim ako ng sermon sa asawa ng Papa ko kapag nalaman niyang kakauwi ko lang.
Uminom muna ako ng tubig at saglit na naghimalos bago pumasok sa kwarto naming magkakapatid.
Akmang bubuksan ko na ang pinto nang may marinig akong nag-uusap sa loob. Napakunot ang noo ko sa pagtataka kaya hindi muna ako pumasok.
BINABASA MO ANG
One Summer Night
General FictionOne summer night, two souls found their comfort in a bed. #BSS7