Chapter Twenty Two

224K 5.6K 820
                                    

Kanina ko pa napapansin na tahimik at seryoso lamang si Francisco habang nagmamaneho. Para bang malalim ang iniisip niya at may palagay ako na may kinalaman si Genevie kaya kanina pa siya walang imik.

"Mommy Cami, I think Hero will be sad because we left him." Theodore told me while pouting his pinkish lips. Tinapunan ko naman siya ng ngiti at ginulo ang buhok niya.

"Hero will not be sad because he will wait for you." I told him, assuring him everything is fine.

"You think? How about you, Daddy?" Ani Theodore sabay baling ng tingin kay Francisco na hindi kumibo sa sinabi ng anak niya.

"Francisco?" He snapped back to reality when I called his name.

"I'm sorry, what did you say?" Ani Francisco.

Nagpakawala naman ako nang malalim na buntong hininga at tumitig sa kanya. "Are you okay? Bakit parang ang lalim ata ng iniisip mo?" Tanong ko sa kanya.

"It's nothing, don't mind me." He reasoned and averted his attention again back to the road. Panay rin ang pagtingin niya sa rearview mirror dahil nakasunod lamang sa amin si Genevie. 

"Daddy is weird." Theodore mumbled to himself. Ngumiti na lang ako sa sinabi niyang iyon.

Hanggang sa makarating kami sa isang restaurant ay wala pa ring kibo si Francisco. Nang bumaba kami ng sasakyan, sakto namang dumating din si Genevie at pumarada sa tabi ng sasakyan ni Francisco.

"Muntik na akong maligaw." Aniya nang makababa siya ng sasakyan. Tinapunan lang siya ni Francisco ng tingin at hindi kumibo.

"Let's go, I'm starving." Sabi niya sa amin at naunang pumasok sa loob. Nakasunod lamang ako sa kanya habang hawak ang kamay ni Theodore.

"Hindi pa rin talaga nagbabago si Francis. Masungit pa rin kapag galit." Narinig kong bulong ni Genevie sa likuran ko.

Dumiretso kami sa isang table para sa apat at naunang umupo si Francisco. Tumabi naman si Genevie sa kanya kaya si Theodore ang katabi ko.

"Mommy Cami, I want to eat chicken!" Sabi sa akin ni Theodore habang nakangiti nang maluwag.

Magsasalita na sana ako nang may lumapit na hindi pamilyar na lalaki kay Genevie. Agad na nagsalubong ang makakapal na kilay ni Francisco.

"Gen?" Gulat na sabi ng lalaki sa kanya. Matangkad ang lalaki, maputi, at masasabi kong gwapo.

"Hector!" Agad na tumayo si Genevie at niyakap ang lalaking lumapit sa kanya. Nakita kong nagtagis ang mga bagang ni Francisco nang sulyapan niya ang dalawa at para bang kumirot ang puso ko sa nasaksihan kong iyon.

Hindi ako ipinanganak kahapon para hindi mahalata ang mga ikinikilos ni Francisco. Alam ko na mayroon pa rin siyang nararamdaman para kay Genevie. He asked her to be his wife and it's not a joke. He was deeply in love with her but things didn't go smoothly. Hindi naman siya ang nang-iwan at alam kong mas masakit para sa kanya na maiwanan ng taong mahal niya. It has been a year, and I was there to help him. I offered myself for him to forget but I think that's not enough after all.

Genevie was right.

Pinipilit ko lang ang sarili ko sa buhay ni Francisco at Theodore kahit na alam kong sa huli, hindi pa rin ako ang pipiliin niya.

Sino nga ba ako para piliin ni Francisco?

"How are you? It's been a long time!" Muli akong napabaling ng tingin kay Genevie at sa lalaking kausap niya.

"I'm good, ikaw ba? Ang tagal mong nawala ah. We should catch up! I miss you a lot!" Sagot ng lalaki at tsaka humalik sa pisngi ni Genevie. Napansin kong ibinagsak ni Francisco ang hawak niya dahilan para mapatingin kami sa kanya.

One Summer NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon