Chapter Eleven

236K 6K 1.2K
                                    

Malalim na ang gabi at halos lasing na ang karamihan sa loob ng kwarto. Si Anton ang madalas na kumausap sa akin. He's easy to get along with because of his humor. What I like about him are his jokes and his smile. Dahil para bang hindi siya napapagod ngumiti.

Si Francisco naman ay hindi na nawala sa tabi ni Louise. I was just watching them and it's obvious that they were both enjoying each other's company. Wala naman akong magawa kung hindi ang panoorin lang silang dalawa na magkasama.

"Nasa Australia ako for a month, sana pagbalik ko pwede pa rin tayong makapag-usap ng ganito." Malalim ang boses na sabi ni Anton sa akin. Namumula na ang mukha niya na marahil sa alak at halatang-halata iyon lalo na't mestizo siya.

"Sure, wala namang problema." Nakangiti kong sabi sa kanya. Nilagok niya ang natitirang laman ng baso niya bago tumayo para kumuha ulit ng alak.

"Are you sure you really don't want to drink?" Tanong niya nang makabalik. Hindi ko mapigilang mapatitig sa mga mata niya dahil sa ganda ng mga iyon. Isa pa naman iyon sa mga una kong nagugustuhan sa lalaki.

"I'm fine with my juice, thank you." Sagot ko sa kanya. Hindi naman siya kumibo at tumitig lamang siya sa akin.

"What?" Natawa ako sa pagtitig niya at ganoon din siya.

"Wala lang, gusto lang kitang titigan." Sabi niya sa akin. H'wag kang bibigay, Camila! Alam mong gwapo ang lalaking iyan pero h'wag na h'wag kang bibigay! I reminded myself.

"Paano kung sabihin kong gusto kita?" Seryoso niyang sabi dahilan para manlaki ang mga mata ko.

"Hindi ka naman siguro bulag para makitang hindi naman ako ganoong kagandahan para magustuhan mo 'di ba?" Biro ko sa kanya at tsaka ako tumawa.

"Hindi rin naman ako siguro mukhang nagbibiro sa sinabi ko?" Sagot niya dahilan para matigil ako sa pagtawa.

Pakiramdam ko ay namula ang buo kong mukha sa sinabi niya pero pilit ko pa rin na pinipigilan ang sarili ko.

"B—Bakit naman? We just met, Anton. Hindi mo pa nga ako kilala, malay mo ututin pala ako. Mabaho ang hininga ko o kaya naman tatlong beses lang ako maligo sa isang Lingo." Sabi ko sa kanya.

"Are you discouraging me? Because it's still not effective." Seryoso pa rin niyang sabi. Hindi ko naman alam ang sasabihin ko sa kanya.

Una kasi sa lahat, hindi naman ako sumama kay Francisco para sa ganito. I'm here to enjoy myself and meet new people, but not for this reason.

I was about to say something when Louise and Francisco joined us.

"Hindi pa rin nagbabago itong si Francis! He's still smooth like before!" Louise said with an ear to ear smile on her face. Ngumiti lang ako sa sinabi niya at tumitig sa kanila. Sobrang lapit nila sa isa't-isa na kulang na lang ata na maglingkisan na ang dalawang 'to sa harap namin.

"Louise is still crazy, I miss her a lot." Ani Francisco habang nakangiti.

"Bakit nga ulit kayo naghiwalay?" Nawala ang ngiti sa labi ko dahil sa tanong ni Anton sa kanila.

Naging sila? Bakit hindi man lang sinabi sa akin ni Francisco na naging sila pala noong nakaraang araw?

"He had an accident before, remember? I had to give him time to recover and we both decided about it." Louise said.

"Ngayon ba may pag-asa kayong dalawa?" Tanong pa ni Anton at para bang bigla ay nahirapan akong huminga.

"Well, let's see? Hindi naman kami nagmamadali." Ani Louise.

"Are you okay?" Bulong sa akin ni Francisco. Pilit naman akong ngumiti at tumango.

"I'm fine, don't worry about me." Because I will always be fine no matter what.

One Summer NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon