Chapter Forty

342K 8.3K 2.6K
                                    

FINAL CHAPTER

Naghuhumerantado ang puso ko sa kaba nang makita kong sumusunod sa amin si Francisco. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman. May boses sa isip ko na bumubulong na tumigil ako, pero para saan? Ano pa ba ang hindi niya nasasabi? Mayroon pa ba?

Gagawin ko na ang sinabi niya, hindi pa ba siya kuntento na aalis na ako?

Maraming tanong ang pumapasok sa isip ko at alam kong si Francisco lamang ang makakasagot ng lahat ng iyon.

"Camilla..." Nag-aalala na ang boses ni Arcee. Mabilis ang takbo ng sasakyan namin at ganoon din si Francisco na ilang metro lamang ang layo sa amin.

Mariin akong pumikit at humugot nang malalim na hininga.

"Itigil mo ang sasakyan, Acree." Halos pabulong kong sabi.

"Sigurado ka ba, Camilla?" Naguguluhang tanong ni Arcee.

Tumango naman ako sa sinabi niya. "Stop the car." Desidido kong sabi.

Agad namang itinigil ni Arcee ang sasakyan sa gilid ng kalsada. Hinanap ko ang lahat ng natitira ko pang lakas at emosyon para harapin si Francisco.

Bumaba ako at tumigil din ang sasakyan niya malapit sa amin. Hindi ako nagkamaling siya iyon lalo na nang bumaba siya sa sasakyan.

Agad na nagtama ang mga mata naming dalawa. Hindi pa rin matigil ang pag-iyak ko dahil sa kakaisip sa anak ko at sa kanya.

"Aalis ka na hindi mo man lang sinasabi sa akin?" Mariin niyang sabi. Lumapit naman siya sa akin kaya nagkaroon ako ng pagkakataon na mas makita ang mukha niya.

"F-Francisco..." Pilit kong iniisip ang mga salitang sasabihin sa kanya pero nabubulag ako ng emosyon ko.

"Ganoon na lang iyon? Iiwan mo na lang kami bigla? Aalis ka na lang? Bakit? Dahil ba sa mga sinabi ko sa'yo kaya ka aalis? Ganoon ba, Camilla?"

Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kanya. Naguguluhan ako at hindi ko na alam ang gagawin ko ngayon. Nilakasan ko ang loob ko at mapait na ngumiti sa kanya.

"F-Francisco, patawarin mo ako sa mga nagawa kong mali sa'yo. A-Alam kong ako ang dahilan kung bakit nagulo ang buhay mo. Kung bakit bigla kang nabigyan ng responsibilidad na hindi naman dapat. Patawarin mo sana ako dahil iniwan ko na lang bigla sa'yo si Theodore, at hindi ko agad sinabi sa'yo ang lahat. P-Patawarin mo ako kasi kung hindi dahil sa akin, hindi ka sana nahihirapan ngayon..." Hindi ko na naman napigilan ang sarili ko at muli na naman akong bumigay.

"Iyan lang ba ng rason kung bakit mo kami iiwan? Iyan lang, Camilla? Kasi kung iyan lang, handa akong kalimutan ang lahat. Magsimula ulit tayo, bilang isang pamilya. H'wag mo lang kaming iwan..." Nangingilid na ang luha sa mga mata niya.

Umiling naman ako sa sinabi niya.

"M-Masasaktan at masaktan lang natin ang isa't-isa, Francisco. Ayokong dumating pa tayo sa punto na pati ang anak natin ay madamay pa. Tama ng hanggang dito na lang tayo..."

Lumambot naman ang mukha ni Francisco sa sinabi ko.

"Huwag ka namang magsalita ng ganyan, Camilla. H-Hindi ko kaya, hindi..." Hinawakan niya ang kamay ko nang mahigpit na para bang ayaw niya akong pakawalan at gusto niya lang ay manatili ako sa tabi niya.

"Kailangan mong kayanin para sa anak natin, para kay Theodore. Masyado nang maraming kasalanan ang nagawa ko sa inyo, at ayoko ng dagdagan pa iyon..."

"A-Ayoko, Camilla, ayokong umalis ka. Iiyak si Theodore, iiyak iyon..." Hindi na napigilan pa ni Francisco ang pag-iyak at para bang unti-unti na namang nadudurog ang puso ko dahil nakikita ko ngayong nasasaktan na naman ang mahal ko.

One Summer NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon