Chapter Eight

265K 6.2K 618
                                    

"Mommy Cami?" I slowly opened my eyes when I heard a familiar little voice. A smile automatically formed on my face when I saw Theodore waiting for me to wake up.

"Mmmn, magaling na ba ang baby ko?" I playfully buried my face on his neck which made him giggle.

"Not yet." He smiled.

"You look fine now, why not yet?" I poked his nose.

"Because I still want you to sleep beside me. No one was hugging me before until I fell asleep or if I'm sick." He pouted his pinkish lips.

"Your Daddy is not hugging you?" Kumunot ang noo ko.

"He's my Daddy, he is a boy too. Mama Freen was hugging me until I fell asleep before but she's Daddy's Mommy and I don't have my own." Bakas sa boses niya ang lungkot at nakuha ko naman ang gusto niyang sabihin sa akin.

Pakiramdam ko ay kumirot ang puso ko sa sinabi niyang iyon. Kinagat ko ang ibabang labi ko para pigilan ang sarili kong umiyak. Ayokong makita ako ni Theodore na umiiyak dahil alam kong magtatanong siya. Gustuhin ko mang punan ang papel na iniwan ng makasarili niyang ina, wala naman akong na akong karapatan. She's selfish for leaving his son. She must be in hell right now.

"Mommy Cami will still sleep beside you kahit hindi ka na sick." I raked his hair backwards. Unti-unti namang lumiwanag ang mukha niya sa sinabi ko.

"You won't leave?" His eyes widened.

"I won't." Tinapunan ko siya ng ngiti. Bigla naman siyang tumayo at nagtatatalon sa kama.

"Calm down, Theodore. Kakagaling mo lang sa sakit." I told him. Tumigil naman siya sa pagtalon at muling yumakap sa akin.

"I'm excited to tell my classmates that I have a Mommy too!" He told me.

"Before you get excited to tell your classmates about me, let's eat some food downstairs, is that okay?" I playfully pinched the bridge of his nose.

"Ayt!" He nodded. Bumaba ako sa kama at saglit na binihisan si Theodore. Tumingin din ako sa orasan na nakasabit sa pader ng kwarto niya at doon ko lang namalayan na alas singko y media na ng hapon. Buong magdamang ko kasing binantayan si Theodore hanggang sa tuluyang bumaba at mawala ang lagnat niya.

Nakatulugan ko na rin ang pagbabantay sa kanya, marahil ay dahil sa pagod at puyat. Nagigising din naman ako para tignan siya at tawagan si Arcee para tanungin siya tungkol sa meeting kanina sa kliyente namin. Si Francisco naman ay oras-oras kaming tinitignan. Siya na rin ang naghatid ng pagkain sa amin kanina.

"Mm-mn, ang bango naman ng baby ko." I told Theodore after I changed his clothes. Itinaas niya pa ang mga braso niya para ipaamoy sa akin ang kili-kili niya.

"Lurv you, Mommy Cami!" Nakangiti niyang sabi sa akin. Lumundag naman ang puso ko sa sobrang saya dahil sa sinabi niya.

"Payakap nga sa baby ko!" I told him and he excitedly jumped towards me to give me a hug.

Bumaba rin naman kami agad at nadatnan ko si Francisco na natutulog sa may sofa. Ibinaba ko saglit si Theodore para lagyan ng unan si Francisco. Nagising naman siya sa ginawa kong iyon.

"Sorry, naistorbo ko ba ang tulog mo?" Mababa ang boses kong sabi sa kanya nang magising ko siya.

Umiling naman siya at umupo mula sa pagkakahiga nang makita niya si Theodore.

"Magaling na ba ang baby boy ko?" Agad na rumehistro ang ngiti sa mukha ni Francisco. Lumapit naman si Theodore sa Daddy niya at agad siya nitong kinarga.

"I'm superman! I'm not sick anymore because Mommy Cami took care of me. She hugged me while I sleep and became strong again, Daddy!" Tuwang-tuwa na sabi ng bata.

One Summer NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon