"Nanggigigil talaga ako sa lalaking iyan, Marse! Jusko, h'wag na h'wag mong ipapaharap sa akin iyan dahil baka lumabas ang pagkalalaki ko at mabugbog ko ang haliparot na 'yan!" Galit na galit na sabi ni Arcee nang ikwento ko sa kanya ang nangyari noong nakaraan. Nagtataka kasi siya kung bakit hindi ata kami nagkikita ni Francisco kaya napilitan akong ikwento ang nangyari noong nakaraang araw.
"Hayaan mo na, ang mahalaga naman maayos akong nakauwi." Sabi ko na lang sa kanya. Mabuti na lang at hinatid ako ni Anton sa bahay kahit pa alam kong pagod din siya. Mabait si Anton, malayo sa unang impresyon ko sa kanya.
"Paano na lang kung may mangyaring masama sa'yo? Gago ang lalaking iyon, Camila! Hindi ko alam kung ano bang pumasok sa kukote mo at nagpapakalunod ka sa katangahan dahil sa kanya!" Inis na inis na sabi ni Arcee.
"Marse..."
"Hindi mo ako masisisi kung nagagalit ako ngayon! Paano kung narape ka or mamatay ka dahil sa pag-iwan niya sa'yo?! Dahil ano?! May nakita siyang mas magandang babae kung ikukumpara sa'yo?! Bakti sino ba ang nasa tabi nilang mag-ama noong mga panahong kailangan nila ng tutulong sa kanila? Hindi ba't ikaw?! He's selfish, Camila at hindi ko na gusto na bumalik ka pa sa pamamahay ng hayop na 'yon!" Halos maiyak ako sa sinabi ni Arcee sa akin.
Tama naman siya, tanga ako dahil pilit kong pinagsisiksikan ang sarili ko. Nakalimutan ko na kung ano ba talaga ang halaga ko dahil sa pagpapakalunod ko sa katangahan dahil lang sa kanya. Gusto ko lang naman ang sumaya, at alam ni Arcee kung ano ang ikakasaya ko.
"Kung hindi ko lang sana ginawa—"
"Ano ka ba?! Ayan ka na naman Marse! Sisisihin mo na naman ang sarili mo! Alam mo minsan, gusto na kitang bigwasan sa mga kadramahan mo sa buhay! Hindi ba't sabi ko sa'yo na laban lang? Jusko, lalaki lang iyan! Ang dami-daming talong sa paligid natin, halika at mamitas tayo!" Ani Arcee.
"Bakla naman eh, alam mo namang nagdadrama ako pinapatawa mo naman ako." Sabi ko sa kanya.
"Ayoko lang naman kasing makita kang malungkot, Marse." Seryoso niyang sabi. Hindi ko talaga alam ang gagawin ko kung wala si Arcee sa buhay ko.
"Bakla, ikaw na lang kaya ang patulan ko? Takpan mo na lang ng unan ang mukha ko kapag magsesex tayo." Sabi ko sa kanya.
"Bruha ka! Maghunos dili ka nga sa pinagsasabi mo! Kailan man, hindi ako tatayuan sa bilat na tulad mo! Eww!" Inirapan ako ng bakla.
"Ito naman, suggestion ko lang. Malay mo naman tumayo pa rin 'yan sa akin. Magaling naman akong hinete ng kabayo." Tumawa ako.
"Bakla, ayokong maglasunan tayong dalawa! Baka matadyakan lang kita kapag nakita pa kitang hubad tapos nasa ibabaw ko pa." Sabi niya sa akin.
"Ang hard mo sa akin ha!"
"Aba bakit? Totoo naman ang sinasabi ko. Duduraan lang kita, hindi kita titikman." Saad niya na para bang diring-diri talaga siya sa akin.
"Lalasingin na lang kita tapos gagahasain kita." Sabi ko sa kanya. Napuno naman ng tawa ko ang loob ng opisina nang makita kong halos masuka siya sa ideya ko.
"Hayop ka! Pinagnanasaan mo ba ang mura kong katawan?!" Nanlaki ang mga mata niya.
"Wow ha? Murang katawan talaga? Nasaan ang sinasabi mong mura? Baka mamaya mapamura ako kapag nakita ko 'yan ha!" Sagot ko sa kanya.
"Mabalik nga tayo sa gagong si Francisco, Marse. Ano na bang balak mo ngayon?" Tanong ni Arcee sa akin.
"Ano pa nga ba? Iiwasan ko muna siya. Ayoko munang mag-isip nang mag-isip." Huminga ako nang malalim.
"Eh ang bata? Alam mong maapektuhan iyon."
"Pinuntahan ko si Theodore kanina sa school niya, doon ko na lang siya kikitain. Kung nakita mo lang ang ngiti sa mukha niya nang makita ako, siguradong mapapangiti ka rin." Sabi ko kay Arcee at para bang biglang gumaan ang pakiramdam ko nang maisip ko si Theodore.
BINABASA MO ANG
One Summer Night
Ficțiune generalăOne summer night, two souls found their comfort in a bed. #BSS7