October 13, 2010. Isang araw bago ang ikalabing-walong kaarawan ko. Isang araw bago ako maging ganap na dalaga.
Nagising ako sa biglaang pagsakit ng aking likuran, sa bandang gulugod. Halos mamilipit ako sa sakit na unti-unti'y nanunuot sa aking mga buto't kalamnan. Isang pakiramdam na hindi ko mawari, hindi ko alam kung paano ipapaliwanag. Basta, masakit.
Ni hindi ko magawang sumigaw kung kaya't puro pagbungisngis lang ang aking nagagawa. Tumatagaktak ang pawis sa aking buong katawan at habol-habol ko ang aking paghinga.
Oh God, mamatay na ba ako ngayon? Biglang naitanong ko.
Sa sobrang hapdi at sa hindi ko na malaman kung saan babaling ay bigla akong nahulog sa papag at sa sahig namilipit. Gusto kong sumigaw at humingi ng tulong kina Tatay ngunit hindi ko maibuka ang aking bibig sa sobrang sakit na aking naradamdaman.
"Set me free and you'll be free..."
Heto na naman ang boses na ilang araw ng gumugulo sa akin. Ilang araw ko nang naririnig, kahit ipikit ko ang aking mga mata, kahit iwasan kong pakinggan siya; hindi siya mawala-wala. Mas lalo lang lumalakas ang pagtawag niya sa bawat araw na lumilipas at sa tingin ko'y nababaliw na yata talaga ako.
"Lilianna..."
Pinilit kong huwag pansinin ang tinig. Kahit nahihirapan ay kinalma ko ang sarili at hinayaang kumalma ang aking buong katawan. Nararamdaman ko pa rin ang sakit na iyon sa aking likod, ngunit dahil sa aking ginagawa'y paunti-unti na itong naiibsan.
Ilang minuto pa ang dumaan bago tuluyang humupa ang sakit. Nang makabawi'y sinubukan kong umupo kahit na nanghihina ako at humihingal.
What the hell was that?
Tumayo ako sa sahig at dahan-dahan na pumunta sa life size mirror na nasa tabi ng aking papag. Nanlaki bigla ang aking mga mata nang makitang iba ang aking hitsura.
Kulay mint blue ang aking mga mata at labi. Ang aking kulay tsokolateng buhok ay naging kasing-kulay ng langit, lumutang ito at napapaligiran ng mga kung anong kumikinang na maliliit na ilaw. Parang mga pixi dust. Humaba ang aking taenga at mas pumutla ang aking balat. Bigla akong kinabahan sa aking nakikita. Ako ba ito? Namamaligno yata ako.
Panaginip lang ito, Lianna. Panaginip lang. Pangungumbisi ko sa aking sarili.
Muli na naman kumirot ang aking likod ngunit hindi na iyon kasing-sakit ng kanina. Tumalikod naman ako sa salamin upang tignan kung namumula ba ang parte ng gulugod ko na iyon dahil doon talaga sobra ang sakit, ngunit gano'n na lang ang pagkabigla kong muli nang makita ko na parang may mga tinta na gumalaw at pumuporma ng mga simbolo ro'n.
"T-tay!" Doon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob na sumigaw at humingi sana ng tulong kay Tatay ngunit wala akong marinig na boses na lumalabas sa aking bibig.
"Tatay!" sigaw kong muli, nababalisa, ngunit wala pa rin.
Tinignan kong muli ang aking likod at nando'n parin ang mga tinta na gumagalaw at mas lalo silang kumakalat
YOU ARE READING
Archiltelle Institute Of Magic
ФэнтезиShe knew. She's different. She's special. She's someone. She is Lilianna Glorie Salvera. Isang teenager na mula sa pinakasimple ngunit magulong pamumuhay. Paano niya haharapin ang isang normal na buhay kung alam niya na naiiba siya? Paa...