Chapter 2: Caught

57 5 8
                                    

LILIANNA's POV•

Pagkatapos ng pag-uusap namin ni Tatay na iyon ay dumiretso na ako sa pwesto ko sa palengke. Nakikipagtinda ako ng mga isda at karne kay Aling Gidang do'n. Mabait si Aling Gidang, wala siyang anak at kamag-anak dito sa lugar namin kaya wala rin siyang masiyadong katulong sa pagtitinda. Buti nga ay napilit ko siya no'n na makipagtinda ako sa kan'ya. Ubod talaga kasi ng sungit si Aling Gidang kapag una mo siyang makikita, ang taray kasi ng mukha niya at talagang mahilig sumigaw. Pero sabi ko nga, mabait siya sa mga taong pinagkakatiwalaan niya at na-aappreciate siya. Madalas naman kasi na gano'n, hindi ba? Nagiging mabangis tayo sa mga taong akala natin ay magdudulot ng masama sa atin.

"Isda kayo r'yan! Mga suke! Bili na kayo ng isda rito sa tindahan ni Aling Gidang! Bagong deliver lang at fresh na fresh pa!" masiglang pagtatawag ko ng mga parokyano.

Ito ang mahirap sa pakikipagkalakan sa palengke, madaming kakumpitensya. Kung sino nalang ang suki nilang tindera, do'n nalang sila bumibili.

Minsan talaga ay nakakainis kapag gano'n, kaya naman!

Pasimple kong kinuha ang locket na suot ko at inihinto ang oras gamit 'yon. Oo, kaya kong ihinto at ibalik muli ang oras. Kaya kong paglaruan ang oras ng dahil sa locket na ito, pero hindi lang iyon ag kaya kong gawin.

Napangiti ako nang huminto sa paggalaw ang paligid, nawala ang ingay ng mga taong natitinda at bumibili, maging paghuni ng mga ibon ay hindi mo maririnig. Tanging ako lang ang nakakakilos. Kaagad kong kinuha ang bote ng isang potion, isang fascination potion. Oo, marunong din akong gumawa ng mga potion pero hindi sila gano'n masiyadong gumagana. Itong potion lang talaga na ito ang nagwo-work ng maayos sa mga inimbento ko.

Ang laman ng bote ay pink pixie dust, isa itong potion na kayang mang-akit. So far, wala pa naman akong nakikitang side effect sa tao simula ng gamitin ko ito.

Kumuha ako ng kaunti at ibinubod iyon sa aking mga paninda. Ngumiti ako ng nakakaloko at pagkatapos ay muling pinagana ang oras. Hindi kasi maaaring makita ng mga normal na tao ang aking abilidad.

Napatigil ako bigla sa aking naisip, hindi maaaring makita ng normal na tao? Hindi ba ako normal?

Inalis ko muna sa aking isip ang bagay na iyon. Hindi iyon makakatulong sa oras na iyon.

Nagbalik ang ingay sa paligid, mga tindera na nagtatawag ng mga bibili sa kan'yang paninda, ang mga sasakyan na pumaparito't pumaparo'n; mga bagay na normal na tao lang ang nakakaranas. At oo, normal na tao ka lang Lianna. Hindi ko dapat iniisip na kakaiba ako. Hindi ko na dapat isipin ang bagay na iyon. Biyaya ang kakayahan na meron ako, biyaya na kailangan kong gamitin para mabuhay ng isang normal na buhay.

"Suki! Bili na kayo rito! Bagong deliver 'to, suki. Fresh na fresh pa!" nakangiting tawag ko.

Nagsimula naman magsilapitan ang mga tao sa aking p'westo, kahit na 'yong mga nasa ibang tindahan ay lumapit sa akin paninda.

"Dalawang kilo ng lapu-lapu, suki."

"Isa't kalahati sa akin, Lianna."

"Magkano kilo sa buto-buto, hija?"

Nakangiting inabutan ko silang lahat ng mga order nila. Ganito. Ganito ang isang normal na buhay para sa mga taong walang kayamanan ngunit may natatagong kakayahan.

Archiltelle Institute Of MagicWhere stories live. Discover now