• LILIANNA's POV •
Kamatayan. Bakit napaka-simple lang nilang ipinataw sa akin ang gano'n parusa? Para saan? Sa paggamit ko ng gayuma at pagnakaw ko raw sa locket ng isang diyosa? Aaminin ko naman na gumagamit ako ng gayuma, pero hindi ko ninakaw ang locket na 'to! Nasa akin na ito simula pa ng bata ako! Regalo sa akin ito ni Tatay. Hindi ko ito ninakaw.
Naiyak na lang ako habang naka-upo sa malamig at madilim na rehas na ito. Na tanging ang liwanag na nagmumula lang sa buwan ang tanglaw ko. Ganito pala ang mag-isa. Nakakalungkot.
Nagtuloy-tuloy ang pagpatak ng mga luha ko, hindi ko na rin napigilan na umiyak ng malakas. Ang sakit kasi sa puso. Naghalo-halo ang lahat ng masasamang pakiramdam ko at tanging sa pag-iyak ko na lang sila kayang ilabas.
Naalala ko bigla si Ravy. Kamusta na kaya siya? Nagwala kasi siya bigla sa loob ng bulwagan nang sabihin ng reyna ang parusa sa akin. Para siyang nawala sa sarili at galit na galit. Nagulat din ako sa inasta niya, para bang kilalang-kilala niya ako at parang nasasaktan siya habang tinitignan ako. Hindi ko rin alam pero ang sakit ng bawat patak ng luha ko kanina habang nakatingin sa kan'ya habang kinakaladkad siya palayo sa akin nila Keiko at Iva. Parang nangyari na iyon sa akin pero hindi ko alam kung paano at kailan. Parang de javu, ika nga nila. Pero bakit gano'n? Hindi ko maintindihan.
Pero bukod do'n ay nagagalit ako. Hindi man lang nila ako hinayaang magpaliwanag, basta-basta lang niyang binitawan ang parusang iyon ng wala masiyadong sapat na kaalaman tungkol sa akin.
Tinignan ko ang locket na hanggang ngayo'y nakasuot sa akin. Pilit nila itong inaalis kanina ngunit tila may sariling isip ang locket at pilit silang pinipigilan makalapit dito. Bawat kawal kasi na sumubok kuhanin sa akin iyon ay tumatalsik kapag hinahawakan na nila ang locket.
11:45pm na pala. Labing-limang minuto na lang ay kaarawan ko na. Hindi ko inaasahan na magiging ganito katrahedya ang 18th birthday ko. Ang plano ko pa naman sana ay magkaroon ng simpleng celebration kasama sina Tatay at Nanay. Pero hindi ko naman inakalang magkakagnito ng dahil sa paggamit ko ng kakayahan ko. Ginawa ko lang naman iyon para rin naman sa kanila, para may maitulong ako't hindi na ako masabihan ng walang kwenta ni Nanay. Para rin sana hindi na masyadong sumbatan ni Nanay si Tatay dahil maliit lang ang naiuuwi niyang kita para sa amin. Ginawa ko lang naman iyon para sana panatilihan na normal ang buhay na meron kami. Pero mas lalo lang palang nakasama, at heto nga ako ngayon, hinatulan ng kamatayan. Mamatay ako sa mismong kaarawan ko. Nakakatawa, hindi ba?
"Lianna..."
Tumigil ako sa pag-iyak nang marinig na may tumawag sa akin. Hindi ito katulad ng boses na palagi kong naririnig. Parang pamilyar ang boses ng lalaking tumatawag.
Tumayo ako at pilit na hinanap kung saan nanggagaling ang boses.
Narinig ko ang mahinang pagtawa ng lalaki. "You can just hear me. Huwag mo nga akong hanapin, natatawa ako sa 'yo." anito at tila alam ko na kung kanino ang boses na iyon.
"Ravy." wala sa sariling usal ko at mas lalong naiyak.
"Shushed. Pasensiya na at hindi kita natulungan kanina," malungkot na aniya.
YOU ARE READING
Archiltelle Institute Of Magic
FantasiShe knew. She's different. She's special. She's someone. She is Lilianna Glorie Salvera. Isang teenager na mula sa pinakasimple ngunit magulong pamumuhay. Paano niya haharapin ang isang normal na buhay kung alam niya na naiiba siya? Paa...