• LIANNA's POV •
Pinagmamasdan ko ang paligid habang naglalakad kami palabas ng ospital, kasama ko sina Ravy, Keiko, at Iva.
Kanina pa nakakunot ang noo ko dahil pakiramdam ko'y kanina pa kami paikot-ikot dito sa loob. Pare-pareho ang itsura ng mga kwarto, bawat pasukan namin na hall ay gano'n pa rin. Ni wala akong makitang elevator o hagdanan, puro puting bricks at mga kung anu-anong lumulutang na bagay lang ang nakikita ko. May katapusan ba 'tong paglalakad namin? O may balak ba talaga na pauwiin ako ng tatlong ito?
"Sandali lang!" sabay higit sa kamay ko ni Ravy at ngumisi.
Nakita ko naman na tumapat silang tatlo sa isang hugis pabilog na tiles. Ang mga tiles sa ospital na ito ay parisukat, napapansin ko rin ang mailang malaking pabilog na hugis na akala ko'y desenyo lang.
Tumabi na lang ako sa kanila, pero sampung segundo na yata kaming nakatayo ro'n at mukha kaming mga tanga na hindi kumikilos.
"Anong ginagawa natin--"
Hindi pa natatapos ang sinasabi ko ng biglang umikot ng napakabilis ang tiles na tinutungtungan namin. Sa sobrang bilis ay napakapit ako kay Iva na nakapirming nakatayo ro'n at tila hindi iniinda ang nangyayari.
"Don't make unnecessary movements, bitch! Mahihilo ka talaga. Bitaw nga!" Bigla ay sinamaan niya ako ng tingin at niyapos ang kamay ko na nakahawak sa kan'ya.
"Sorry," nahihiya akong napabitaw sa kamay niya.
Sinunod ko na lang ang sinabi niya at sinikap na hindi sumabay sa bilis ng pag-ikot ng tiles na kinanalagyan namin.
"Just watch the loop, you'll miss the fascinating part of riding a spiravator." biglang sabi ni Iva.
"Spiravator?" takang tanong ko.
"Elevator ito kung tawagin sa mundo ng mga tao, Lianna." Nakangiting sagot ni Ravy.
"As you can see, we're moving down on a spiral way." dagdag pa niya.
Tumango na lang ako at tinignan ang loop na sinasabi ni Iva kanina.
Pinakatitigan ko ang pabilog na dinadaanan ng tiles o spiravator na sinasakyan namin.
Bawat daanan namin na loop ay nag-iiwan ng kung anong klaseng liwanag, iba-iba ang kulay. Ang ganda.
Nang tumagal ang pagtitig ko ro'n ay napansin ko na may nabubuong mga imahe. Napakalawak na berdeng damuhan, mga bulaklak na nagsasayawan sa saliw ng ihip ng hangin, isang asul na bundok na may dalawang perpektong hugis, may isa ring ilog na may kumikinang at napakalinaw na tubig, at isang pulutong ng mga ibon na iba-iba ang kulay na malayang lumilipad sa kalangitan.
Nakaramdam ako ng isang pamilyar na pakiramdam, isang pakiramdam na hindi ko maalala kung saan o kailan ko naramdaman. Napakagaan nito sa pakiramdam, sumasabay din ang kabog ng dibdib ko at parang ayaw ko nang alisin ang paningin ko ro'n. Napangiti ako sa 'di malamang dahilan.
Nang maglaon ay biglang may isang imahe ng isang lalaking nakatalikod ang lumitaw. Nakaupo ito malapit sa ilog at nakatingin sa berdeng kapatagan. Mas bumilis ang tibok ng puso ko habang nakatitig sa likuran ng lalaking iyon.
Dahan-dahan itong tumayo, pinagpag ang kan'yang kasuotan at muling yumuko upang pitasin ang isang bulaklak na iba-iba ang kulay ng mga petals. Napangiti muli ako sa aktong iyon at hinihintay na mapagawi ang tingin ng lalaki sa akin. Tumayo na ito ng tuwid at gumawi sa aking direksyon.
"Bitch, we're here. Stop smiling idiotically already."
Napabaling ang tingin ko kay Iva at pagkatapos pabalik sa loop, ngunit bigla ay naglaho na lahat ng mga imaheng nakikita ko at bumalik na ang puro puting kapaligiran sa paningin ko.
Bigla ay nakaramdam ako ng kung anong pagkadismaya sa kaloob-looban ko.
"N-nakita niyo rin ba 'yon?" nauutal na tanong ko.
Tumango naman si Ravy habang nakangiti, si Keiko ay hindi sumagot at diretso lang ang tingin sa dinadaanan namin, napatingin naman ako kay Iva at tinaasan lang ako nito ng kilay.
"Of course, bitch. Lahat ng sumasakay sa spiravator ay nakikita ang pinaka-masayang ala-ala na nangyari sa kanila." sagot nito.
"Hindi tayo pare-pareho ng nakikita, Lianna. The memory that the spiravator will show depends on the person who looks at it." Ani naman ni Ravy.
"So, tell me what you saw?" Umakbay bigla sa akin si Ravy at nangungulit na tumingin sa akin.
Sa wakas ay nakita ko na rin ang totoong pintuan at hindi na puro kanto-kanto sa ospital na ito. Siguro ay 'yon na ang pintuan palabas.
"H-ha?" nahihiyang sabi ko. Naiilang din kasi ako sa pagkaka-akbay niya.
"Just give her the privacy of her thought, Ravy." bigla ay sumingit si Keiko na kanina pa nanahimik. "It seems that she doesn't want to share it with you." dagdag nito.
Napanguso naman bigla si Ravy at inalis ang pagkaka-akbay sa akin.
"Sa totoo lang, hindi ko maintindihan ang nakita ko."
Napatingin naman sila sa aking tatlo.
"What do you mean, bitch?" tanong ni Iva na napansin kong hindi mawala-wala ang pagtawag ng bitch sa akin pero hindi ko nalang pinansin.
"Hindi ko maalala na nangyari sa akin ng mga iyon," sabi ko. "Sa 18 years ko sa mundo namin ay wala pa akong nakitang ganoon kagandang lugar at wala pa akong lalalaking nagustuhan ng gano'n katindi." mahinang dagdag ko.
Sa ala-alang iyon na pinakita ng spiravator ay alam ko at naramdaman ko na may kakaiba sa lalaking iyon. Hindi ko man maintindihan, pero ng mga oras na iyon ay parang kilalang-kilala siya ng puso ko at sinasabi nitong iyon ang lalaking minamahal niya ng higit pa sa buhay niya.
"Are you sure, bitch? Maybe you had an accident that led you to forget?"
Umiling ako sa tanong na iyon ni Iva.
"Siguradong-sigurado ako, walang nangyaring aksidente sa akin magmula no'ng bata pa ako at walang gano'ng pangyayari ang naganap."
Natahimik kaming lahat bigla. Siguro ay hindi rin nila alam kung ano ang isasagot sa akin.
Yumuko na lang ako at sinundan sila habang naglalakad sa daan.
Hindi ko napansin kanina na parang katulad lang pala sa aming mundo ang Kingdomia. May mga nagtitinda rin ng kung anu-ano, pero alam kong hindi lang basta-basta ang mga iyon. Malinis ang bawat kanto ng Kingdomia, wala kang makikitang basurahan o kahit na anong kalat. Para ngang walang alikabok dito sa mundong ito dahil kahit sa singit ng mga bricks na dinadaanan namin ay wala kang makikitang alikabok.
Mayamaya pa ay nakarating din kami sa isang parte ng Kingdomia na walang masiyadong tao na makikita, puro matatayog at naglalakihan na mga puno na lang ang makikita mo. Isa siguro ito sa kagubatan ng Kingdomia.
"Nandito na tayo," sabi ni Ravy.
Nasa harap kami isang mataba at sa tingin ko ay ang pinakamalaking puno na nadaanan namin. Kumikinang ito at pinapalibutan ng mga maliliit na nilalang. Mas maliit pa sila kay Tinker Bell.
"Akala ko ba ay ihahatid niyo ako sa aming mundo?" tanong ko.
"That's a magical portal, it will send you directly to where your heart desires." sagot ni Keiko.
Napatango na lang ako. Ang galing naman pala. Pero sabagay, lahat ng nasa mundong ito ay kamangha-mangha, katulad na lang spiravator na iyon.
"We'll wait for you, Lianna. Tatlong araw ka lang sa inyo, okay?" paalala ni Ravy.
"Don't make us drag you again here, bitch." Dagdag ni Iva na sa tingin ko ay sinabi lang iyon para hindi na sila maabala pang sunduin ako sa mundo ng mga tao.
Nag-umpisa ng mag-chant ng kung anong magic spell si Iva habang ang dalawang lalaki ay nanunuod lang.
"Hop in, bitch!" sabi ni Iva.
Tumango na lang ako at tumalon sa portal.
YOU ARE READING
Archiltelle Institute Of Magic
FantasyShe knew. She's different. She's special. She's someone. She is Lilianna Glorie Salvera. Isang teenager na mula sa pinakasimple ngunit magulong pamumuhay. Paano niya haharapin ang isang normal na buhay kung alam niya na naiiba siya? Paa...