Chapter 6: Eyes of Red and Blue

69 2 3
                                    

LIANNA's POV •

"Lianna..."

"Lianna..."

Napaangat ako ng ulo mula sa pagkakadukmo ng may marinig akong tumawag sa akin.

Pilit kong inaaninag kung saan nanggagaling ang boses, ngunit dahil sa sobrang dilim ay wala pa rin akong makita.

Mas hinigpitan ko na lang ang yakap sa aking mga tuhod at muling nagdukmo. Napakalamig sa lugar na 'to at napakadilim. Ngunit gayo'n pa man, hindi ako makaramdam ng kaba, lungkot, saya o kahit na ano pang pakiramdam maliban sa lamig at kawalan.

Ganito rin ba ang pakiramdam ng mga namatay na? Magiging mag-isa na lang sila sa kawalan pagkatapos ng lahat?

"Lianna..."

Muling dinig ko sa tinig na 'yon. Grabe, hanggang sa kabilang buhay sinusundan ako ng tinig na 'yan. Lianna ng Lianna.

"Anong kailangan mo?" tanong ko sabay buga ng hangin. Wala rin naman akong mapapala kung pakikinggan ko lang siya. Nababaliw na rin ako't naririndi kapag naririnig kong tinatawag niya ako.

"Palayain mo ako." sagot nito.

"Tsk." singhal ko. "Sino ka ba? Bakit kita palalayain at mula saan?"

Bigla ay nakaramdam ako ng mainit na hangin na nagmumula sa harap ko. Napaangat muli ako ng ulo at tinignan kung ano 'yon.

Sa harap ko'y may isang batang babae, mga nasa walong taong gulang. Nakangiti siya sa akin at nakahawak ang isa niyang kamay sa braso ko. Pula ang kulay ng mga mata niya at gano'n din ang kan'yang buhok na lumulutang ng banayad sa hangin. Pahaba ang kan'yang taenga at mayroon siyang tatlong pulang hikaw do'n. Nagliliwanag ang kan'yang kabuuan. Pamilyar. Parang ganito rin ang nakita ko sa aking mga panaginip na naging hitsura ko, 'yon nga lang ay kulay mint blue ang sa akin.

"Lianna," nakangiting tawag niya sa akin, "kailangan mo akong pakawalan sa lalong madaling panahon."

"Hindi ko maintindihan." sagot ko.

"Nasa 'yo ang susi. Ikaw ang susi upang ako'y makalaya. Kailangan mo na akong palayain, Lianna." lumuluhang aniya.

Napatitig ako sa kan'ya habang nakatingin lang siya ng diretso sa aking mga mata habang lumuluha.

"Anong kailangan kong gawin?"

Biglay ay umakyat pabalik sa kan'yang mga mata ang mga tumulong luha niya at ngumiti ng napakatamis.

"Ang wand ni Limos. Kailangan mo munang manakaw ang magic wand ni Limos."

Nakawin? At sino si Limos? Saan ko makukuha ang bagay na iyon?

"Sa Archiltelle Institute, Lianna. Ang eskwelahang ipinundar ni Limos, do'n nakatago ang magic wand niya. Kailangan mapasayo 'yon." paliwanag niya na tila nabasa ang nasa isip ko.

"Kayang baguhin ng wand na iyon ang iyong buhay. Palayain mo lang ako at gagawin kong normal ang buhay mo." pang-uudyok niya. "Normal at masagana, malayo sa buhay na mayroon ka ngayon."

Napaisip ako bigla. Normal na buhay? Mula noon ay pinapangarap ko ang buhay na katulad ng isang simpleng tao. 'Yong hindi ako kakaiba dahil may kapangyarihan ako, nakakapag-aral ako kagaya ng mga ka-edad ko at maranasan makahanap ng isang taong magmamahal sa akin.

"Kaya kong ibigay ang ninanais ng puso mo, Lianna. Ang kailangan mo lang ay ang palayain ako." nakangiting usal niya.

"Pero patay na ako, hindi ko na magagawa ang bagay na gusto mo."

"Bubuhayin kitang muli," aniya, "ngunit kailangan mong ibigay sa akin ang magic wand ni Limos."

RAVY's POV •

Archiltelle Institute Of MagicWhere stories live. Discover now