1--- BANGUNGOT

168 5 0
                                    

........

hila hila ni gabriel ang kamay ni Amarah. magkasabay silang tumatakbo. habol ang hininga nila ng sabay silang mapa subsob sa putikan. alas dos na ng madaling araw, madilim at umuulan.

"amarah iwan mo na ako dito"

sabay ubo ni gabriel.

"hindi kita iiwan gabriel"

naiyak na sagot ni amarah. niyakap naman sya ni gabriel ng mahigpit at di inalintala ang mga putik at dugo sa katawan nila.

"kung sabihin kong takbo tumakbo ka, naiintindihan mo ba?"

umiling si amarah habang walang tigil ang kanyang mga luha

"hindi gabriel, hindi kita iiwan"

nag yakapan ang dalawa at tila hinihintay nalang ang kung ano man ang hahantungan nila ng oras na iyon.

"lumabas ka gabriel, ibalik mo si amarah"

rinig nila na sigaw ng isang lalaki. palapit ng palapit ang yapak ng lalaki sa pinagtaguan nila.

"Alam kong na andito ka lang gabriel. Ilabas mo si amarah"

pa sigaw ng lalaki nanaman.

nasa likod ng malaking bato sila amarah  at gabriel. dalawa lang ang pwedeng puntahan nila. at sa dalawang eto ay kamatayan ang pwede nilang haharapin. ang daan papunta kung nasaan ang tinig ng nag sisigaw na lalaki na may hawak na baril at ang isang daan ay papunta naman sa bangin.

"ibigay mo lang si amarah gabriel at papalayain kita."

tumingin si amarah ky gabriel. ayaw nyang mamatay si gabriel ng dahil sa kanya.

"gabriel ayaw kong may mang yari sa iyong masama. Kailangan ka pa ni victoria"

Tumayo si amarah at lumayo kay gabriel.

"amarah"

sabay sunod naman ni gabriel sa likuran ni amarah.

"mabuti at lumabas ka rin amarah"

Madiin na sabi ng lalaki.

"amarah...amarah...huwag..."

pakiusap naman ni gabriel ngunit tila ayaw dinggin ni amarah ang kanyang pakiusap at tuloyan paring lumapit sa kinatatayuan ng lalaki. buo na ang desiyon nya.

"palayain mo na sya ferdenand, pangako sasama na ako sa iyo"

Hahablutin na sana ni gabriel si amarah ngunit mas mabilis ang galaw ni ferdenand at bago paman makalapit ng tuluyan si amarah sa kanya ay nabaril nya na si gabriel sa may tagiliran nito.

Tila naging estatuwa si amarah. dahan dahan syang lumingon at nakita nyang nakahandusay na si gabriel sa putikan.

Hindi nya namalayan kong pano sya napa takbo sa tabi nito dahil tila namanhid na ang kalamnan nya.

"gabriel...gabriel sumagot ka"

hagulgol ni amarah.

"amarah... si victoria... patawarin mo ako"

sabay ng pagsalita ni gabriel ay ang pag ubo naman nya ng dugo.

"gabriel..."

hawak hawak ni amarah si gabriel. at kasabay ng pag tulo ng mga luha nya ay ang mga bagsak naman ng ulan.

ramdam ni amarah na hindi na tatagal si gabriel. maputla na eto tila na ubusan na nga dugo ang kanyang ma among mukha.

"hahanapin ko si victoria... pangako gabriel"

bulong ni amarah sa tenga ni gabriel at dinampian eto ng halik sa pisngi.

bigla namang lumapit si ferdenand kay amarah at hinila eto.

"Sumama ka na sa akin amarah"

"hindi... kailangan kong hanapin si victoria"

sabay alis naman ni amarah  sa kamay ni ferdenand at tumakbo patungo sa dulo ng bangin.

"Amarah bumalik ka dito. Pakiusap"

Sigaw ni ferdenand na dahan dahan namang lumalapit kay amarah. Si amarah naman na naguguluhan ay unti unti namamg umuusog sa likuran na di alam ang magiging kahantungan nya.

wala ng boses na lumalabas sa bibig ni gabriel at dahil sa maraming dugo na rin ang nabawas aa kanya ay nanghina na ang kanyang katawan at kasabay naman sa pag pikit ng kanyang mga mata ay ang pagkahulog naman ni amarah sa bangin.

"Amarah... amarah"

Naluluhang sigaw ni ferdenand.

........

pawisan ng magising nanaman sa isang bangungot si Uriel.

ilang ulit naba etong  nangyari? gabi gabi? at ang nilalaman ng kanyang panaginip o bangungot kung tawagin nya.

"sino naman si Amarah?"

napahilamos si Uriel sa mukha nya at sabay tumayo sa kanyang kama. mag aalas tres na ng madaling araw.

palaging ganitong oras sya ginigising ng mga bangungot nya at dahil ay naputol na naman ang kanyang tulog ay napag pasyahan nalang nyang pumunta sa art room nya.

isang pintor si Uriel at dito sa kwarto nyang eto ginagawa ang kanyang mga obra.

"Amarah"

Bulong nya sa kawalan. sinimulan nyang ipinta ang mukha ni Amarah. at lumipas ang ilang oras makikita sa kinalabasan nito ay ang isang babae na may naghihinagpis na mukha.

........

AMARAH...lust & love (vampire chronicles)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon