........mahimbing ng natutulog si ferdenand sa silid nito ng dumating si amarah.
sobra ang pagsisi ni amarah ng naisipan nyang paghigantihan si ferdenand. ang kaligtasan lang naman nya ang iniisip ni ferdenand. pero nangyari na ang nangyari at hindi na eto maibabalik pa.
nagising naman si ferdenand ng maramdaman ang malamig nya na palad sa pisngi nito.
"nagising ka tuloy ferdenand"
"kanina pa kita hinihintay amarah. nagaalala kasi ako sa'yo"
"may pinagusapan lang kami ni victor"
hinila naman sya ni ferdenand para makatabi sa kanya sa kama.
"tungkol ba eto sa halimaw na pumapatay sa mga kalalakihan dito?"
tumango naman si amarah at sinimulang sabihin lahat kay ferdenand ang napag usapan nila ni victor.
"kung ganun ay komplikado nga eto amarah"
"oo ferdenand. gusto kong matiyak ang kaligtasan mo kaya pwede ka naman dun sa bahay nina victor muna mamalagi"
"salamat sa pag alala mo amarah. pero hindi naman ako takot mamatay"
"pero ayaw ko paring mapahamak ka ferdenand. magisa ka lang dito sa bahay mo. hindi mo kaya ang mga halimaw na iyon ferdenand dahil tao ka lang"
"sige sasama na ako sa iyo para hindi kana mag isip pa"
ngumiti naman si amarah.
"matulog ka na ulit ferdenand. babantayan kita"
"ako nga ang dapat mag bantay sayo amarah. at isa pa kailangan mo ding matulog"
"hindi na ako natutulog ferdenand"
"hindi na? anong ginagawa mo nung mga panahong tulog ako sa tabi mo?"
"pinag masdan ka lang at pinapakingan ko lang ang tibuk ng puso mo at ang daloy ng dugo mo"
napangiti naman si ferdenand sa narinig nya.
"matulog ka na ferdenand"umusog si ferdenand at pinapag ang espasyo sa tabi nya.
"tabihan mo ako amarah, mas mabilis akong makatulog pag katabi ka"
sumunod naman si amarah sa sinabi ni ferdedand. Ng naka pwesto na si amarah ay mabilis namang pumaibabaw sa kanya si ferdenand.
"Ferdenand"
"Mas mabilis akong maka tulog pag ganito"
Sabay halik naman nito kay amarah. At sinuklian naman ni amarah ang halik na iyon ni ferdenand.
.........
tanghali na ng dinala ni amarah si ferdenand sa bahay ni fausto.
namangha naman si ferdenand sa nakita nya. malaki ang bahay at nasa tatlong palapag eto. sa kay tagal tagal nya sa bayan nila ay hindi man lang nya nalaman na may bahay pala na ganito kalaki sa kanilang lugar. Siguro ngat hindi napapansin nila eto sa sobrang layo ba naman ng bahay sa kalye.
"na andito na pala kayo amarah"
salubong naman ni victor sa kanila. sabay halik kay amarah sa mga labi nito.
tila na sanay na rin si ferdenand kay victor kaya hindi na sya na iilang sa tuwing hinahalikan ni victor si amarah ng ganito.
nasa salas sila. naka upo sina ferdenand at amarah sa sofa habang nakatayo naman si victor sa pinakababa ng hagdanan.
"ah may magandang balita nga pala ako amarah"
"ano naman iyan victor?"
tanong ni amarah.
"nakita ko na sya"
ngumiti naman si victor.
"kung ganin ay nasaan na sya?"
tumayo na din si amarah at hinarap si victor.
lumingon naman si victor sa itaas.
"victoria buti at nagbalik ka na"
nanlaki ang mga mata ni ferdenand sa nakita nya. mabagal na bumaba si victoria sa hagdanan. mahaba ang suot na damit nito na kulay itim. bagsak ang mga mangas ng damit ng babae kaya naka labas rin ang malulusog na dibdib nito na natabunan lang ng mahabang at amaitim na buhok nito.
"amarah... nag kita ulit tayo kaibigan ko"
lumapit naman eto kay amarah at humalik sa mga labi ni amarah. at pagkatapos ay dahan dahang lumapit naman sa kina upoan ni ferdenand.
nakatayo si victoria sa likuran ni ferdenand at yumuko eto kaya nasa may leeg na ni ferdenand ang mukha ni victoria.
"mmmm ferdenand"
sabay dila sa leeg ng lalaki at gumapang naman ang isang kamay nito sa dibdib ni ferdenand.
"victoria wag mong paglaruan ang hindi sa iyo"
suway naman ni victor dito. kaya umayos naman ng tayo si victoria at ilang segundo lang ay nasa harapan na sya ni victor.
"gusto mo ikaw na lang ang paglaruan ko victor?"
sabay dila naman nito sa pisngi ni victor.
na upo naman si amarah sa tabi ni ferdenand.
"wag mo ng pansinin ferdenand ganyan lang talaga... sila"
at ngumiti naman si ferdenand at tumango lang. nakikita naman ni ferdenand na madiing hinalikan ni victoria si victor at bigla nalang nawala ang dalawa sa harapan nila.
.......
BINABASA MO ANG
AMARAH...lust & love (vampire chronicles)
VampirosFerdenand kailan ko maririnig sa kanya ang matagal ko ng inaasam. Amarah mahal kita... mahal mo din ba ako? Amarah bakit tumibok muli ang nahihimlay kong puso? wala ng rason para gumising akong muli. pero pa ano? bakit ganito ang nararamdaman ko? il...