Our Game; Starting

1.2K 27 0
                                    

PROLOGUE:

"KYAAAAAHHH!!!" yan ang sigaw ng mga malalanding girlalu dito sa classroom namin. Bakit? Kasi dumating na siya.

Ang heartthrob ng campus.

The one and only, Do Kyungsoo.

"Grabe!! Ang gwapo ni Kyungieeee!!" Sigaw ng isa sa mga haliparot dito.

Edi siya na ang gwapo! Mga malalandi talaga. Tsk.

"Ang kinis pa ng balat at sobrang puteee! Grabe!" Malandi #2

Makinis balat? Ha! Pasalamat kayo sa Gluta at BB Cream at nagawang gwapo yang kwago na yan.

"I know right! Galing pa magluto!" Malandi #3

Okay... No comment. Tama kasi sila diyan eh.

"Mabait paaaa!" Singit ni malandi #1.

Mabait? Teka.... Naglinis naman ako ng tenga pero bat parang di tama ang naririnig ko?

"Gentleman rin!" Sigaw ni malandi #4. Aba nakarecruit sila ng bagong malanders.

Gentleman? MGA BULAG! Yan lang ang masasabi ko sa inyo! Mga bulag kayooooo!!!! Hay! Mga uto uto kasi kayo eh! Porket gwapo pinaniniwalaan niyo na!

"Diba? Tapos may galang pa! Lahat na ng good characteristics nasa kanya!" Malanders #3

NESEYE NE ENG LEHET~ Ikaw na Kwago! May galang? NADUDUWAL AKOOO!!!! Yuck!! Kelan nagkaroon ng galang yang ugok na yan eh ke sungit at walang sinasanto yan?! PARA NGANG LAGING PMS EH!

Puro magaganda ang sinasabi nila kay kwago no? Bakit? Kasi diyan siya kilala. Sa pagiging sikat at mabait. The perfect man, ika nga nila. Pero di ako naniniwala. Bakit? Kasi kilala ko ang tunay na siya.

Ang tunay na Do Kyungsoo.

Ang kyungsoo na masungit, walang galang, at maarte. Mas maarte pa yan sa babae!

Paano ko siya kilala?

"Jagi~" isang malambing na boses ang narinig ko. Yan. Yan ang pet name sa isa't isa.

Taka kayo kung sino?

"Oh... Kyungsoo." Sagot ko sa tawag niya.

Yup. Ang heartthrob na ito ay boyfriend ng isang nerd.

Oo. May relasyon kami...

Sa harap ng maraming tao.

May tawag ako sa kanya eh.. Ano nga yun?

Ah.

The Great Liar. The Flawless Actor.

Bakit?

"Ay. Kyungsoo tawag mo sakin? Diba sabi ko sayo Jagi na tawagan natin~?" Ika niya. Pilitin mong ngumiti. Kailangan. Maraming nanonood sa inyo.

"Ay.. Sorry Jagi~" sagot ko. Ang galing ko no? Nakikiride lang ako eh.

"Okay lang Jagi~ Nga pala.. Nandito ako para sabihin sayo na hindi kita masasabayan umuwi mamaya~" pagpapaliwanag niya. Kasi ano? Pupunta ka nanaman sa bar at makikipaglandian sa mga ma-ala hipon na babae?

"Ah.. Ganun ba? Okay lang jagi~" sagot ko at ngumiti.

"Salamat jagi." Sabi niya at ngumiti. "I love you." Dagdag niya at hinalikan ako sa labi. Umalis na siya pagkatapos non.

Masaya na sana eh.

Ang heartthrob na to ay boyfriend ko.

Ang kaso... Mas malala pa sa panaginip ang mga pangyayari.

Dahil wala naman talagang kami.

Everything is just an act.

Pero kahit nagkukunwari lang kami...

Mahal ko siyang tunay.

--------------------------------------------

Panibagong fanfic, ayt? Hehe. Ginawa ko to kasi para sa kaibigan ko. Ay.. Di pala kaibigan, kay Mamii pala. Hihi. Kaway kaway sayo Mamii. Sana magustuhan mo tong storyang to.

Wag po sana kayong magulat kung sa una mukha siyang fluff tas biglang naging angst. Isa po akong nakakalitong at litong otor kaya nangyari yun.

Neways, enjoy reading po! ^^ Hihi~

Our Game [ Kyungsoo ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon