Chapter 2: People abusing; Love wandering
~Louise’s POV~
Napaupo ako nang may nakabangga ako. Hindi nakita yung mukha niya kasi nakayuko ako. Tumingala ako para Makita yung nabangga ko at…
O______O
“What the heck nerd! Hindi ka ba tumitingin sa daanan?!” sigaw ng malditang bruhilda na si Jane. Siya yung leader ng fanclub ni Kyungsoo at siya ang isa sa mga tao na sobra ang galit sakin. Abot sa galaxy.
“Ah.. Sorry po…” pagpapasensya ko. Kaya dapat umalis na Chen kanina eh! Di ko kasi gusto na Makita niya kong nabu-bully. Bakit?
Kasi tutulungan niya ko.
Hindi ko gugustuhin na masira ang imahe niya ng dahil sakin.
“Sorry? Sa tingin mo papaalisin kita ng isang sorry lang?” mataray niyang tanong. Kinagat ko lang labi ko. Baka kasi may masabi pa kong katangahan sa kanya eh.
Inggit ka lang kasi sakin si Kyungsoo.
“Hey Minzy! Akin na yang inumin mo!” utos niya. Binigay naman ni Minzy aka bruhilda #2 ang inumin niya kay Jane. Dahan dahan na binuhos ni Jane yung orange juice sa ulo ko. Lahat rin ng tao nakatingin na samin.
“Maglalakad kasi di tumitingin sa daanan eh! Yan ang napapala mo! Nerd! Walang kwenta!” sigaw niya at ibinato sa ulo ko yung bote ng orange juice.
“Sum---“ papatol na sana si Chen ng hinawakan ko yung kamay niya at tinignan siya.
“Wag na.” bulong ko pero binasa niya yung labi ko. Kumalma naman siya.
“Paumanhin po. Hindi na po mauulit.” Sagot ko kay Jane at tumayo. Naglakad na papaalis ang mga bruhilda sakin pero binangga ako ni Minzy kaya napatumba ako.
Buti nalang nasalo ako ni Unggoy.
“Uy.” Wika niya. Tumayo ako ng maayos.
“Sorry Chen, next time nalang kita ililibre ha? Sabay ka muna sa mga kabarkada mo. Ge, alis muna ako.” Mabilis kong sinabi at aalis n asana pero hinawakan ni Chen ang kamay ko.
“Sasamahan na kita.”
“Wag na. Kaya ko na to.” Sabi ko at ngumiti. Onti onti kong hinila ang kamay ko sa hawak niya at tumakbo na papaalis.
//Rooftop
Aish! Bwisit na mga babae yun!! ARRGHHHH!!!!!
“AHHHHH!! NAKAKABANAS KAYONG MGA BABAE KAYOOOO!!!! MGA MATATARAY NA BRUHA! LOLLIPOP KAYO! WALANG KWENTA!! ARGGHHH!!” Sigaw ko. Ganito ginagawa ko kapag gusto kong maglabas ng galit. Pumunta ako dito sa rooftop para magpahangin at magpakalma.
“ANO BANG GINAWA KO SA INYO PARA GAWIN NIYO SAKIN TO?!! WALA NAMAN DIBA?!!!” sigaw ko ulit. “Hanggang kelan ba ko magtitiis na ganito ang buhay ko…?” tanong ko at pumatak ang mga luha na kanina pa gusto lumabas.
BINABASA MO ANG
Our Game [ Kyungsoo ]
FanfictionWhere a simple-sappy love story doesn't exist. -thatuncertaingirl //Taglish.