Chapter 8: Tables turning; Trouble making
~Louise’s POV~
Pagkatapos kong ipakita dun sa haliparot ni Kyungsoo kung sino ang nagmamayari sa kanya, tumakbo siya palabas. Tch, she’s nothing but a hoe. She didn’t even fight back. All she did was retort back. Walang kwenta ang mga salita, kahit ano pang itawag mo sakin…
I’ll gladly accept it.
Ngumisi ako nung nakita kong tumakbo siya palabas at mas lalo akong napangisi nang Makita ko ang gulat na ekspresyon sa mukha ni Kyungsoo. Nakakatawa siyang tignan. Di mo alam kung natatakot ba siya o nagugustuhan niya ang ginagawa ko sa kanya.
Marahas kong binitawan ang pagkahawak ko sa buhok niya at tinignan siyang nakaupo sa couch na tulala lang sakin. Mukhang… Nagpalit tayo ng pwesto ah? Dati, ako yung ginaganito mo ng tingin, nang asal. Wag kang mag-alala, ako naman ang susuyo at gagawin ko rin ang mga ginawa mo sakin.
“Sino may sabing gawin mo yun?” inis na tanong ni Kyungsoo. Ngumisi ulit ako sa kanya at tinignan siya na parang nang-aakit.
“Ako.” Sagot ko.
“Tandaan mo, ako ang---“ tumayo siya at lumapit sa mukha ko. Natigil siya ng ilagay ko ang index finger ko sa labi niya.
“Tandaan ko na ikaw ang masusunod?” napangisi ako. Oh how I love smirking, especially when it makes him quiver. “Kyungsoo… Simula ngayon…” tumigil ako para tignan ng mabuti ang kaniyang mga mata para malaman niya na seryoso ako at wala na kong kinakatakutan.
“Wala na akong sinasanto.” Dagdag ko at tinulak siya para mapaupo siya. Iniwan ko siyang nalilito sa sala.
Yan ang bagay sayo.
Pumasok ako sa kwarto ko. Binato ko nalang kung saan yung bag at hinubad ko yung coat ko. Ang init, peste. Umupo ako sa harapan ng table mirror ko at tinignan ng mabuti ang mata ko.
Ang mga nanaliksik kong mata.
Kyungsoo… Dahil sa ginawa mo, I’ve reached my limit.
Dumating na ko sa punto na hindi ko na kayang itago pa ang sakit at hinanakit na pinaparamdam mo sakin.
May rason ka kung bakit mo ko ginaganito, alam ko.
Pero para sabihin ko lang sayo…
Hindi ako ang babaeng sumira ng buhay mo dati.
Iba ako sa kanya, hindi ako kasing tanga nung hinayupak nay un para saktan ka at iwan ka ng walang imik.
Sa tingin mo gagawin ko sayo yun, Kyungsoo?
Sa sobrang pagmamahal ko sayo… Hindi kita kayang iwan.
Sa sobrang pagmamahal ko sayo… Pwede na kong mamatay… Pwede na kong pumatay…
Kyungsoo, binaon ko na sa limot ang ugali kong to. Kinalimutan ko na ang pagiging ganito ko.
Para kanino?
Para sayo. Naging mabait ako sayo, para naman maging proud ang parents mo na isang matinong babae ang papakasalan mo.
Kaso, nagising nanaman eh.
Innocent image?
Wala na yan. Yan naman ang ibabaon ko sa limot.
Ipapakita ko na ulit sa mga tao ang tunay kong ugali, ang tunay na Louise Elana Caparas.
Hindi ako isang nerd lamang na ang alam lang ay mag-aral at magpabully sa ibang tao.
Hindi ako yun.
BINABASA MO ANG
Our Game [ Kyungsoo ]
FanfictionWhere a simple-sappy love story doesn't exist. -thatuncertaingirl //Taglish.