Chapter 9: Skin trembling; Truth revealing
~Louise’s POV~
“Good morning Dyo.” Bati ko sa kanya habang nakangiti na pang inosente. Yung tingin niya sakin, parang di siya makapaniwala sa tawag ko sa kanya. That look… Continue it.
“Diba sabi ko sayo wag mo kong tawagin sa pangalan nay an?” inis niyang wika at pumunta na ng kusina. Sumunod naman ako. Kukunin ko kasi yung paketa ng sigarilyo sa cupboard.
Yup. Cigarettes. I used to smoke, and I will smoke again.
“Paano kung gusto ko?” pangaasar ko sa kanya at lumapit dun sa cupboard.
“Are you testing my patience?” galit na sagot nito at pinalo ng malakas yung kalan.
“Oohh~ I’m scared~” I teased. I can see his face fuming with anger. Haha, continue showing me that face Dyo. I feel ecstatic.
“You’re really a---“
“Btch? I know.” Pinutol ko siya. Haha. Kinuha ko na yung paketa ng sigarilyo pati narin yung lighter. “I’ve known that since before, Dyo.” Wika ko habang lumalapit sa mukha. “Isip ka naman ng bago, laos nay an eh.” Ngisi ko at iniwan siya dun.
Tables turning; Trouble making~
Mukhang nagpalit na tayo ng pwesto ah, Dyo.
Ooh~ I’m starting to like this sweet revenge; this sweet sensation. This might turn to an addiction soon.
Umupo ako sa couch at kinuha yung phone ko sa bulsa ng palda ko. Dinial ko yung number ni Namjoon.
Sino siya?
Mas kilala siya sa pangalang Rap Monster, underground rapper kasi siya and he used to be one of my flings. Siya ang all time favourite fling ko.
“Namjooniee~?” tawag ko sa kanya nang sinagot niya.
{Angel? Is this you?} sagot niya. Yung boses niya parang di siya makapaniwala na tumawag ako sa kanya.
“Of course Namjooniee~ Sino pa ba ang tumatawag sayo ng ganung pangalan diba?” malandi kong wika. Kahit di ko man nakikita siya ngayon, alam kong nakangisi siya na parang nanalo ng lotto.
{Bakit ka napatawag?} tanong niya.
“I need someone to transport me to school. Alam mo naman na ayaw kong naglalakad, diba?” sambit ko. Naghum naman siya.
{After leaving me~? You’re now asking for my help~?} pangaasar niya. Psh. Pa hard to get pa, papayag rin naman.
“I miss you~” sambit ko at alam kong sobrang ngisi na nitong lalaking to. Nakita ko rin si Dyo na nakatingin sakin na parang gusto na niyang pumatay at mang murder.
Aba kung gusto mo kong patayin, feel free. Kung ikaw sadista, ako.. Masokista.
{Okay fine, Angel. I’ll be there in a few minutes.} sagot niya at binaba ko na yung tawag. Tumayo ako sa pagkakaupo ko at kumuha ng isang sigarilyo sa paketa at sinindihan to. Wala rin akong pake kung nakatayo lang doon si Dyo at nakatingin sakin.
Baka matunaw na ko niyan, Dyo.
~I’ll keep being in front of you so you won’t forget me~
“Stop smoking.” Malamig na sambit ni Dyo at lumapit sakin.
“I’ll do whatever I want, Dyo.” Sagot ko. “You’re not the boss of me.” Dagdag ko at kinuha na yung bag ko para lumabas.
“Why are you like this, Louise?” tanong niya sakin.
Napatingin ako sa kanya. Did he just call me by my name?
BINABASA MO ANG
Our Game [ Kyungsoo ]
Fiksi PenggemarWhere a simple-sappy love story doesn't exist. -thatuncertaingirl //Taglish.