Five

118 4 0
                                    

Si Sam-----^

*Kitt*

Loko talaga tong mga tao na to palagi nalang kaming inaasar ni Troy. Kaya si Troy nakisabay nalang. Sana si Jakob siya siguro kikiligin ako ng sobra sobra.

Ilang weeks na kaming magkakaksama nila Troy at Jakob pati si beshhy at boyfie niya. Gagala kami minsan, minsan naman mag foodtrip sa bahay ni Jakob. Sa isang  linggo pa kasi uuwi ang parents niya kaya sinulit na niya ang araw.

Nasa bahay niya ako dahil nga tutor niya ako. Minsan di ko iniisip na crush ko siya. Ang mas iniisip ko ay maging kaibigan kami. Alam ko naman eh na hanggang doon lang kami di na pwede lalampasin yon.

Nakatitig lang ako sa kanya habang sinasagot yong mga equations na ibinigay ko sa kanya. Napakagwapo niya nilalang lalo nat titigan mo ang mapupungay niyang mga mata maliligaw ka talaga nito.

Kailan kaya ako makakahanap ng ganyan ka gwapo. Sana ako nalang mahalin mo Jakob hindi si Alice. Nalaman ko ang pangalan ng liligawan niya dahil sinabi niya sakin noong isang araw. Masakit man pero wala akong magawa dahil gusto niya to. Hindi naman ako kasing sexy at kasing ganda niya at kasing puti kaya wala akong laban.

Lagi niya ikukuwento sakin si Alice  kahit masakit sa tinga at makati sa balat. Pinapakinggan ko na lang siya at ngiti dito ngiti doon. Masaya naman siya kaya okay lang sakin basta dala nitoy ligaya. Di ba sabi nila basta mahal mo ang isang tao masaya lang sila okay na kahit yung kaligayahan na yon ay hindi ka kasama.

"Kitt,.. Ahm pwede pahingi ng favor?" ngumunot ang noo ko sa tanong niya. Ano kayang pabor yan? Sana ang mahalin siya.

"Ano yon Jake?" sabi ko sa short cut ng name niya.

"Tulungan mo naman ako sa panliligaw kay Alice. I mean give me some ideas sa date namin.Gusto ko kasi siya mapasaya, isayaw siya, kaso di ako marunong sumayaw eh." galak na galak pa niya sabi.

Di maka form ng kahit ano sa lalamunan ko. Di ako makapagsalita sa narinig ko. Sinasaktan talaga ako kg tadhana,ano? Nahihirapan akong lumunok.

"O-k sige. Kailan natin simulan." nauutal na ako. Kahit masakit sa kalooban basta para sa kanya.

"Sa sabado na kasi ang date namin kaya lunes ngayon, bukas tayo mag prepare." tumango ako sabay ngiti. Napakalaki talaga ng gamit ang ngiti.

Nagpaalam na ako kay Jakob na umuwi na ako. Baka kung nagtagal pa ako bubuhos na ang mga luha ko. Alam niyo ang feeling na ikaw mismo ang makakarinig na mag kwento ang mahal mo sa harapan. Yong masakit pakinggan pero nagawa mong mag balat kayo.  Sana ako nalang yong pinag eeffortan. Hanggang sana nalang ako...

Pagdating ko ng bahay medyo tahimik si manang lang ang nakita ko. Nilapitan ko siya at tinanong.

"Yaya, nasan sila?" nakita ko ang sympathy sa mukha niya.

"Sir maaga silang lumabas ng bahay. Doon nalang daw sila mag dinner sa restaurant."
Ang kaninang emsyon ko lalong bumigat ng nahaluan ngayon sa nalaman ko.

"Ah, sige salamat po." tumano tango lang si yaya.

"Gusto mo ipaghahanda kita ng hapunan?" anyaya ni manang.

"Hindi na po. Salamat." binigyan ko na lang siya ng ngiti.
Lahat ng katulong dito alam ang story ko. Bata pa kami nandyan na sila. Witness sila sa lahat ng panggyayari sa buhay ko.

Umakyat nalang ako sa kwarto at nagkulong. Lord, ano bang pagkakamali kong nagawa? Nahihirapan na po ako sitwasyong ito. Kung wala si beshhy di na siguro ako mabubuhay. Gaya ng dati,  kinuha ko ang pink diary ko at doon ko uli binuhos ang lahat lahat. Una kong sinulat about kay Jakob, na sana ako nalang yong minahal niya. Pero gusto ko siya na maging masaya kaya tutulunganko siya... Mahal ko siya eh. At pangalawa sa lahat sa parents ko na inabandona na nila ako,pinabayaan at... Unti unting itinakwil.

Pagkatapos kong maligo at nagsuot ng pajama. Humiga na ako ng kama at pilit na ipinikit ang namamaga kong mata. Sa dami ng luha ang nailabas ko di ko akalain na mababasa ko ang notebook ko. Maya maya may narinig akong busena ng sasakyan sa labas. Sila na siguro yan, may naririnig akong tawanan sa labas..... Nakalimutan na talaga nila ako. Muling tumulo ang luha ko at naramdaman ang pagod kaya napapikit nalang ako at nakatulog.

The Love We Think We Deserve (BxB)Where stories live. Discover now