Fourteen

106 4 0
                                    

A warm feeling in my forehead woke me up. Pagdilat ko ng mga mata ko, di ko makapaniwala sa taong nakita ko. Namumula ang mga mata niya na may mga luha dumadaloy sa pisngi niya. Kirot sa puso ang naramdaman ko ng makita siyang ganito. Kahit napakalaking kasalanan ang ginawa niya ay ako rin may kasalanan din..ang mag assume.

Kinuha niya ang isa kong kamay at hinalikan niya ito. Di ko mapigilang umiyak sa ginawa niya. Ano bang nangyari sa kanya at nagkaganito siya.

"Ano ba ginawa mo rito Jakob.?"

"Kitt, mapapatawad mo ba ako sa kasalanan ko?"

"di ko alam Jakob. Di ko kayang kalimutan ang mga sinabi mo noon."

"Kitt sana maibabalik pa natin ang dati. Nadala lang talaga ako sa katangahan ko noon. Alam mo tama ka nga Kitt, si Alice ay di dapat pagkatiwalaan."

"Yan kasi and problema sayo Jakob, di ka marunong makinig sakin. Sinabi ko sayo noon na wag mong pansinin ang feelings ko pero hindi parin eh. Ikinahihiya mo pa ako at pinangdidirian mo pa."

Natahimik siya sa sinabi ko.

"Yan sugat na yan kasama ba ako niyan?"
May namumuong luha sa mga mata ko nang hiwakan niya ang kamay ko. Malapit na din maghilom ang sugat ko sa pulso ko.

"Oo, kasama ka nito, isa ka sa mga dahilan ng mga sugat ko." lalo siyang umiyak ng umiyak habang nasa bibig parin niya ang kamay ko.
Bigla siyang tumayo at napasuntok sa pader. Napaiyak ako lalo dahil naramdaman ko ang pagsisisi niya. Pareho kaming umiiyak, kitang kita ko sa mga knuckles niya na may dugo. Pero di dapat ako maging sensitive this time. Gusto ko iparamdam muna sa kanya gaano kasakit ang naramdaman ko noon.
"Ang tanga ko Kitt. Ang sama ko. Noon ay di koman lang pinansin na nandyan ka sa tabi ko. Wala akong utang na loob. Di ko alam na malapit ka nang mawala sakin."

Anong ibig niyang sabihin? Mawala sa kanya? Di ko pinasin yon at pinakalma ko na siya. Grabe ang iyak niya keysa sa mga magulang ko. Gusto ko siyang bigyan ng chance pero di pa ngayon. Paparamdam ko sa kanya.

"Tahan ka na dyan. Bigyan mo ako ng oras para makapag isip upang patawarin ka.  Masakit pa kasi dito eh." tinuro ko ang puso ko. Tumango siya at ngumiti,yong ngiti na nagpapagaling sakin unti unti.

"Alis na ako ha, may klase pa ako. Di ako pumasok first period kasi gusto kong dumalaw sayo. Ahm Kitt...pwede ba akong dumalaw ulit?" tila libo libong anghel ang nagkakantahan ang narinig ko.

"Oo, kung di ka busy." sabi ko sa kanya. Ngumiti siya ulit ag hinalikan ako bigla sa noo. HINDI lang anghel ang nagkakantahan pati narin ang mga maliliit na fairies. Kung saan saan na napunta ang isip ko.
Nag goodbye na siya sakin at lumabs na ng pintuan.

Kahit masakit man na gawin ko to sayo Jakob dapat kong tanggapin. Bigyan kita ng chance magbago. Ipapadama ko ang sakit at rejections na naramdaman ko. Mahal parin kita eh, kahit e deny ko pa sa lahat, alam ko dito sa puso ko na mahal kita.

***//****

"Kumusta na po siya doc?" tanong ng mama ko.

"Ok na si Kitt, magaling na din ang mga sugat niya at kailangan lang niya na kumain ng mga prutas at gulay para bumalik ang lakas niya at healthy rin." sabi ni doctor. Kanina pa ako di kumikibo. Di kasi ako sanay na naging mabait na sila sa akin. I still doubt them.

Mayamaya dumating sina Troy at beshy at siyempre si Sam. Kahit ganooy di ako na bobored kapag nandito sila. Napansin guro nila mama na sa kaibigan lang ako nagbigay atensyon kaya umalis muna sila.

"Besh, di mo parin sila pinapatawad?" biglang tanong ni Jessie. Lumilingo ako sa kanya.

"Di pa siguro. Ang laking damage ang ginawa nila sa akin. Mahal ko parin sila pero kailangan ko muna mapag isa. Nasanay na ako. Noon ninanais kong makapiling sila pero nagbago na ngayon ang ihip eh." mahaba kong tugon.

"Sabagay di kita masisisi besh. Mahirap kaya ang pinagdaanan mo." kaibigan ko talaga siya at naiintindihan Niya ako.

"Wag kang magalala Kitt nandito kami sa side mo always.. " sabi ni Troy.
Masaya ako na nandito pa si Troy kahit besfriend niya si Jakob ay pinaglaban parin niya ako.

"Salamat.. Salamat sa inyo beshy. Destiny na siguro na di ako namatay dahil nandyan pa kayo." hinampas ako sa braso ni beshy.

"Loko ka talaga. Wag na wag muna kaya uulitin yan ha. Kundi tutuktukan kita sa noo mo kahiy nasa kabaong ka pa." tumawa kaming lahat.

Hayyyy. Namiss ko to ng sobra ang tumawa.

Paglingon ko sa table ay nakita ko uli ang isang pink rose at napakasarap na chocolate. Si Jakob kaya ang nagdala nito? Siya kaya ang araw araw na nagpapadala ng mga rosas? Hindi siguro baka yong admirer lang siguro ko. Hehe

*********

Biglang pumasok si daddy at mommy kasam si Kuya. Sumunod naman sa kanila ang doctor  at cheneck kung okay na ba ako.

"Makakauwi kana sa susunod na araw Kitt. Magaling ka na, di mo muna kailangan magbuhat ng mabibigat dahil fresh pa ajg sugat sa ilalim." tumango ako kahit wala sa mood.

The Love We Think We Deserve (BxB)Where stories live. Discover now