Two

167 5 0
                                    


Kitt :*

Nagising ako ng biglang mag ring ang alarm clock ko. Napahwak ako sa ulo ko dahil sa sakit. Medyo natamaan na ako kagabi ah. Di na nga ako nakapagpalit ng suot kagabi.

Naku ala siyete na ng umaga, eight thirty ang first period ko ngayon, kailangan kong magmadali. Agad na ako nag shower at nagbihis ng damit.

Papasok na ako ng school at kumaliwa papuntang room ko. Pagtingin ko sa relo ko, alas otso na so may thirty minutes pa ako. Thanks naman. Pagpasok ko ng room nandoon na si Jessie nakaupo sa usual seat namin.
Masakit parin ang ulo ko pero di gaya kanina na sobra ang sakit. Paglibgon ko kay beshy parang nag bobloom ah. Iba talaga pag in love ang isang tao, gumaganda, naiinspired.

Napalingon ako kay Jakob na nakatingin pala sakin. Ngumiti siya sakin kaya di ko mapigilan ang mapangiti. Nginitian kaba naman ng crush mo noh, syempre abot langot ang ngisi mo.

...

Nag iisa lang ako ngayon sa canteen kasi si Jessie may inasikaso na dance choreography niya. Siya kasi ang president sa dance group nila kaya heto. Ako naman mamaya pa ang rehearsal sa music club. May napili na kasi si Jessie para sakin na kanta. "All I ask" ni  Adele. Nong napakinggan ko ang kanta, na touch talaga ako. Napakalalim at fit para sa akin.

"Kitt, hihintayin kita mamaya ha?" nabigla ako ng magsalita si Jakob. Nakatayo siya sa harapan ko na may kasama oang ngiti. Tumango ako sa kanya , pumunta na siya sa usual seat niya at pinagpatuloy ang pagkain ko.

***

Suminyas na ang guitarist at piyanista namin na kapwa ko rin estudyante rito sa school na start na akong kumanta. Pumikit ako dinama ang bawat lyrics ng song na to. Ang galing talaga pumili ni besty ng kanta.

Patuloy lang ang sa pagkanta hawak ng dalawang kamay ko ang mahabang stand ng microphone. Ika limang beses na ata ang rehearsal na to. Gusto kasi ni Mr. Lee na pakinggan ang boses ko kasi nakatatanggal  raw ng pagod. Medyo na fluttered ako sa sinabi niyang iyon.

Pagmulat ko ng aking mata mukha agad ni Jakob ang nakita ko. Di ko maipaliwanag ang naramdaman ko. Feeling ko namumula na ako at paputok na. Malapit ng nag strain ang voice ko dahil sa mix feelings kaya. Pinapahinga na kami ni sir. Bukas ulit ang practice.

"Jakob, di ko alam na pupunta ka dito?" sumabay lang siya sakin lumakad.

"Baka kasi matagalan ka kaya ako nalang ang pumunta." lumakad kami papuntang library kasi don namin napili dahil tahimik at makapag concentrate kami.

Umupo na kami sa vacant table at inilapag niya ang math book niya.
Tinanong ko siya kung ano ang nahirapan siya. Tinuro niya kung saan pero para sa akin yakang yaka ko yon. Intinuro ko sa kanya ang steps kung paano makuha ang tamang sagot. Itinuro ko rin kung paano at ano ang mga formulas na gagamitin. Sana maituro ko rin paano niya ako mamahalin. :(

Marami akong na discuss sa kanya na steps at ano ang tamang solution. Nakinig naman siya sa akin. Tapos tinanong niya rin ako kung bakit raw ang bait ko at ang tahimik na tao. Dahil raw iba ako sa mga sikat ng school. Sikat rin naman siya lalo na sa mga chicks. Hindi ko sinabi sa kanya ang totoo. Iniba ko ang sagot ko sa kanya.

Minsan napatawa ako sa kacornihan ng jokes niya. Mapang aasar narin minsan. Amoy baby powder raw ako kahit na nasa college kami. Napatawa talaga ako noon. Bakit raw Juicy ang pabango ko eh ang cheap raw. Oy, kahit cheap ang Juicy matagal kaya mawala ang bango niya.

Pagkatapos naming sa library ay niyaya niya akong mag meryenda. Pumayag na rin ako, nakakapagod kayang magturo. Kaya agad na siyang bumili ng lasagna at spaghetti at dalawang orange juice. Kumain lang kaming dalawa na tahimik.

"Kitt since bukas is Saturday, wala tayong pasok pwede mo ba akong puntahan para mag tutor. Hanggat hindi pa ako nakakabawi sa grades ko sa Math turuan mo muna ako. Don't worry I'll pay you naman."mahabang litanya niya. Sobrang saya ko at ako ang napili niya. Excited yata ako.

"Sige Jakob, ok lang ba mga ten na ako makapunta. Pupunta pa kasi ako dito para mag praktis." tumango siya sakin at may kinuha sa wallet niya. Isang card ang ibinigay niya sa akin.

"Number ko yan. Text mo ako, pahingi rin ng sayo para may contact ako." wala akong masabi grabi. Ibinigay ko agab number ko sa kanya. Napanganga tuloy ako. Syempre sinurado ko agad. Nakakahiya noh.

Nagpaalam na kami sa isat isa. Nagpasalamt siya sakin dahil marami raw siyang natutunan sakin.
Kaya umuwi sko na may ngiti sa mukha ko.

Papasok na ako nga nakita ko ang kotse nila mom at dad sa garahe. Bakit di ko alam na uuwi sila? Ayaw lang talaga nila ipaalam sakin. Pagpasok ko masayang naguusap ang tatlo. Di nila napansin ang pagdating ko kung hindi ako lumakad papuntang kwarto di ako mapapansin nila mom at dad pati si kuya.

"Kitt, nandyan kana pala." sabi ni mom na walang galak sa kanyang pagsabi. Nag nod lang ako at tunakbo papuntang kwarto. Masikip sa dibdib ang nasaksihan ko kanina. Parang hindi na ako parte ng pamilya nila. Sina mom at dad pati si kuya cold na cold na ang trato sa akin. Di ko mapigilan ang luha ko na dumaloy sa dalawa kong pisngi. Kinuha ko ang pinkna diary sa loob ng maliit na drawer katabi ng kama ko. Kapag kasi nasasaktan at nalulungkot ako dito ko ibinubuhos lahat ng sama ng loob ko.
Pagakatapos ko ng isulat nag shower na ako at bumaba para maghapunan. Tapos na pala silang kumain sabi kasi sakin ni manang. Kaya kumain nalang ako. Hindi ko na ini on ang ilaw. May konting liwanag pa naman galing sa sala eh di masyadong madilim sa kusina. Pagtaposko kumain bumalik na ako agad sa kwarto ko.  Agad na akong humiga sa kama at nagkumot.  Ipinikit ang aking mata at nawala na ako sa realidad. ...

The Love We Think We Deserve (BxB)Where stories live. Discover now