Come back

103 3 0
                                    

It's been days since nakalabas na ako ng ospital. Naghanda noon sila pero di ako sumabay sa kanilang kumain. Nagpahatid nalang ako ng pagkain sa kwarto ko. Wala silang magawa kundi tanggapin nalang. Alam kong nalulungkot sila dahil sa inasta ko ngunit kailangan kong gawin yon para maipadama sa kanila kung paano nawalan.

Di muna ako pumasok ng school naisipan kong bukas na lang dahil gusto ko pang magpahinga. At tsaka di ko pa kayang harapin ang buong school.

----*----

Sinabay ako ni Kuya papuntang school ngayon. Medyo nanibago ako dahil palagi akong nagcocomute noon. Kahit sino sa amin walang nagsalita sa loob ng ilang minutong drive. Agad akong bumaba ng kotse niya na neregalo noon ni daddy at nagpasalamat sa paghatid niya.

Kanina pa pala ako dito sa canteen nag abang kina Jessie at Troy. Nakatanggap ako ng welcome back ng ilan sa mga estudyante at may ilan rin na ngumiti na tamis sa akin. Salamat naman at bumalik sa dati ang buhay ko bilang normal na estudyante. Di ko na alalahanin kung ano ang iisipin nila.

"Kitt!"nabigla ako ng umupo si Jakob sa harap ko. Isang malaking ngiti sa mukha niya ang humarap sa akin.

"Jakob. Anong ginawa mo rito?" matamlay na tanong ko sa kanya.

"Bakit ayaw mo ba?" parang na dismaya siya sa tono ng boses niya.

"Hindi naman. Nagtataka lang ako." hindi siya nagasalita at tumango lang siya.

Tahimik lang kami habang binabasa ko ang binigay na mga works na naiwan ko sana sa school. Napatingin ako sa kanya habang tinitingnan niya pala  ako kanina pa.

"What?" napakunot noo kung sabi sa kanya.

"Miss lang kita." di ko alam kung kikiligin ako or what. Pero alam ko lang ang sweet ng sinabi niya.

"Tumigil ka Jakob." irita kung sabi sa kanya. Ngumiti lang siya sakin.

Nah ring yong phone ko at napatingin ako sa tumawag.

Troy.

"Hello, Troy asa kana? Kanina pa ako dito sa canteen. Bored na ako masyado eh."

"Malapit na ako..hintayin mo ako sabay na tayo mag cocoffee."

"Sige. Dalian mo. Bye."

"Bye."

Pag off ko ng phone di mapintura ang mukha ni Jakob. Nag abot ang kilay niya at inis sa mga mata niya.

"Ah.. Sige Kitt. Alis na muna ako ha. Pasensya sa abala." mahina tono niya sinabi sakin. I know na nasaktan ko ang loob niya dahil sa sinabi ko kay Troy kanina. Di na siya nagpapapigil at umalis na siya. Kitang kita ko ang disappointment sa mukha niya kanina.

Ano bang ginawa ko.. :(

"Kitt!" sigaw ni Troy. Tumayo ako at niyakap siya. Ilang araw na di ko na sila nakikita.

"Wala pa yata si Jessie ah?" tanong ko sa kanya.

"Oo, malilate daw siya ng konti." tumango ako at umupo kami sa usual table namin.

Nag uusap kami tungkol sa pamilya ko at ngayon, kumusta na ako. Masaya namn ako ngayon pero nakonsesya sa ginawa ko kay Jakob.

"Kitt, may problema ba?" natanong niya bigla.
Nahalata niya siguro sa mukha ko

"Ahm. Feeling ko nasaktan ko ang loob ni Jakob ngayon."

"Ha? Bakit naman?"

"Di ko kasi siya pinansin kanina."matipid kong sagot.

Natahimik siya bigla.  Nagseselos kaya siya? Alam kung iba rin ang treatment ni Troy sakin. Kahit di niya sabihin nararamdaman ko yon.

"Ah-h Kitt. Kung manligaw ako sayo may chance ba ako?" nanlaki ang mata ko sa tanong niya na hinawakan ang free kung kamay na nakapatong lang sa lamesa.

The Love We Think We Deserve (BxB)Where stories live. Discover now