Sixteen

102 4 0
                                    

Ilang araw na ang nakalipas mula nong nagkita kami ni Jakob sa kasal.  Di ko na siya nakikita sa school pati sa classroom namin. Sabi ng teacher namin di daw siya muna papasok ng ilang araw.

Nagi guilt talaga ako sa sarili ko. Namimiss ko na siya pati ang presensiya niya. Gusto ko na siyang patawarin. Nag aalala na ako sa kanya bawat oras oras.

Ano Kitt masaya kana sa sinapit ni Jakob? Tama na siguro yon. Baka dumating ang panahon na mapapagod na siya sayo? Magsisi pa ako. Sabi ko sa konsensya ko.

Nasa may bintana ako ngayon nakaupo at nakatanaw sa labas. Kay lamig ng gabi habang pinagmamasdan ko ang kalangitan na may mga bituing nagniningning sa ganda.

Sorry Jakob, ngayon ko lang na realize na di mo kailangan maranasan ang sakit na nararamdaman ko. Masyado na akong nabulag sa sakit at galit. Ni hindi ako masaya sa ginawa ko. Di nga ako na satisfied sa ginawa ko.

Siguro oras na para patawarin ko na lahat, silang lahat. Dapat kalimutan ko na lahat nang nangyari. Di ako dapat magalit sa kanila kahit sinaktan man nila ako.

Ring.. Ring... ring...

May tumawag, sino kaya to?.

Jakob? Gabi na ah. Bakit kaya siya napatawag. Pero iba ang kutob ang naramdaman ko. Kinakabahan ako ngayon.

"Hello, Jakob?"

"Kitt, si Cassandra to mommy ni Jakob. Please pumunta ka dito Kitt, kailangan ko abg tulong mo."

Lumakas lalo ang kaba ng dibdib ko. Halos di ako mapakali sa kinatatayuan ko. Parang gusto ko nang lumipad.

"Ano po bang nangyari sa kanya tita?"

"Tsaka ko na ikukwento sa yo Kitt. Please bago pa huli ang lahat."

Di na ako nagpapatumpik pa kaya agad na akong nagbihis ng damit at bumaba na ako ng kwarto. Sumakay na ako ng taxi good timing naman dahil paglabas ko ay may dumaan.

Si Jakob lagi ang nasa isip ko. Ano kaya ang ibig sabihin ni tita na bago pa huli ang lahat. Di ko siguro mapaaptawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama sa kanya dahil sa pride ko.

Bumaba na ako sa tapat ng gate nila at nag doorbell. May mga narinig akong nabasag na mga bagay at sigaw ni tita. Nag doorbell uli ako at agad bumukas ang pintuan.

"Thanks God, Kitt. Sa wakas nandyan kana." binuksan niya ang gate at pinapsok sa loob.

"Tita ano po ang nangyari bakit ang ingay niyo sa loob?" huminto kami at napaiyak siya.

"Si Jakob,kitt. Gabi gabi na siya umiinom at di na halos kumakain. Nagawawala siya kapag umuuwi. Alam mo ba na gabi gabi niya pinagsisihan ang nangyari sa inyo?"

Di ako makapagsalita sa nalaman ko. Sumikip ang dibdib ko at may namumuong luha sa mga mata ko.

"Kitt, mahal na mahal ka ng anak ko. Balak niyang tapusin ang buhay niya ngayon pero napigilan siya nga papa niya. Pangalan mo ang lagi niyang binibigkas,anak. Patawarin mo na siya Kitt."

Bumagsak na ang mga luha ko. Ano itong nagawa ko sa taong mahal ko? Tama na siguro na e fix ko na ang lahat.

"Tara na po tita, pasok na po tayo at kausapin ko siya."

Pumasok na kami at binuksan ni tita. Nasa sofa si Jakob habang humihikbi. Nakayuko siya at hawak ng dalawang kamay  ang ulo niya.

Nasaktan ako sa nakita ko nagyon. Pilit siyang pinapatahan ng kanyang ama.

"Anak, pahinga ka na. Lasing ka na oh." maraming bote ng beer ang nakakalat sa  glass table. Yong iba basag na basag, napakalat ng sala nila.

"No! Hayaan niyo na ako sa buhay ko. Wala na akong kwenta. Di na niya ako mahal ma, wala nang saysay ang buhay ko! So stop!!"

"Jakob...nandito na ako." lumingon siya sakin at tinititigan ako sa mata.

Jakob's POV <3

"No! Hayaan niyo na ako sa buhay ko. Wala na akong kwenta. Di na niya ako mahal ma, wala nang saysay ang buhay ko! So stop!!"

Wala na akong pakialam sa sarili ko. Wala na akong pag asa sa kanya.

"Jakob... Nandito na ako." sabi ng isang boses gusto kong marinig araw araw, gabi gabi. Agad akong tumingin sa kanya at sa wakas nakita ko ang taong nagpapalakas sa akin. Ang nagbibigay PAGASA sa akin. May mag luha sa mga mata niya na kahit kailan di ko kayang makita.

I rush into him at niyakap siyang mahigpit. Yakap na ayaw ko na siyang pakawalan pa. Nilubos ko na ang lahat lahat, yong amoy niya at lambot niya.

"Iwan na muna namin kayo para makapag usap kayo." sabi ni mommy. Si Kitt na ang tumango.
Yakap yakap ko parin siya at inamoy amoy ang pabango niya at amoy niya na miss na miss ko noon na kasama ko pa siya.

"Jakob di ako makahinga."sabi niya na hirap na ngang huminga. Kaya niluagan ko ang pagyakap ko. Umupo kami sa sofa yakap parin siya.

"Salamat at pumunta ka dito Kitt. Miss na kita sobra."

"Sorry sa lahat Jakob di ko akalain na magiging ganito ka."

"Ako ang may malaking kasalanan sayo. So, it means pinapatawad mo na ako?"

Ngumiti at tumango siya.. Kahit alam kong lasing ako ng kaunti at amoy beer  amoy gwapo parin ako no.

Napangiti ako at tinitingnan siya. Buong mukha niya mga mata niya, ilong at mga labi niya. Tiningnan ko ang mga mata niya ulit.

Di ko na pinipigilan pa ang paghalik ko sa mga labi niya. Napakalambot ng mga labi kiya. Na feel ko at tingles at Sparks ba sa kanya ko lang naramdaman. Lumaban na rin siya ng halikan sakin. Naging wild ang  halikan naming dalawa habang nakasuklay ang mga daliri niya sa buhok ko at kamay ko na nasa kaliwang leeg niya.

Biunhat ko siya papuntang kwarto ko para walang makakita sa amin. Masyado kayang PDA yon.

Inihiga ko siya sa kama ko habang nakapatong ako sa kanya. We're still kissing fighting for dominance. Pareho kaming uhaw sa isat isa kaya pareho naming pinagsaluhan ang halik namin.

Hinihingal kami ni Kitt after that amazing kiss. Nalapat ang mga noon namin habang ang thumb ko nasa mga labi niya.

Di ko akalain na magmamahal ako kagaya niya. Tama nga ang sabi nila, di kayang turuan ang puso kung saan ito titibok.

"Kitt, mahal mo ba si Troy?" tumingin siya sakin.

"Kaya di ko siya sinagot dahil ikaw parin ang laman ng puso ko Jakob." natuwa ako sa nalaman ko.

"Ikaw? Para saan ang mga halik na yon?" tanong naman kiya sakin.

"Kaya kita hinalikan dahil mahak kita Kitt. Higit pa sa nalalaman mo."

"Pwede ba wag ka nang maglalasing at kumain ka na ng tama."

Tumango ako at hinalikan siya sa labi.

"Promise. Para sayo. Ahmm. May tanong pa ako sa yo Kitt." nag abot ang mga kilay niya.

"Ano naman yon?"

"Can you be my boyfriend?"

Nanlaki ang mga mata niya at nag mo moist.  Hinawakan niya ang pisngi ko at inayos ang magulo kong buhok.

"Yes, Jakob. I want to be you." lumakas ang tibok ng puso ko. This time hinalakan ko siya, wala nang makapagpigil sakin ngayon. Boyfriend ko na siya. May karapatan na ako. Sa wakas akin ang ang mahal ko.

Umayos na kami nga pagkahiga. Inunan niya ang mga braso ko at nakayakap sa dibdib ko ganun din ako sa kanya. Ayaw kong may inch apart kaming dalawa.

"I love you Kitt, mahal ko." bulong ko sa kanya.


"I love you more Jakob..." sagot niya.

The Love We Think We Deserve (BxB)Where stories live. Discover now