"Missing YOU"

112 4 0
                                    

-Jakob's POV-

Ilang linggo na ang nakalilipas noong kumalap sa buong school ang nangyari. Di maaalis sa isipan ko si Kitt. Napakalaki na ng kasalanan ko sa kanya. Ako pa ang may kayang i bully siya. Tinanong ko si Troy  at Jessie pero di ako pinansin o di kayay sagutin man lang.
Nagpapraktis kami ngayon dahil may game gami sa susunod na araw. Susubukan ko ulit tanungin si Troy kung okay lang ba si Kitt. Ayaw ko siyang tawagan at mag text man lang dahil na giguilty ako sa ginawa ko. Masyado yata ako nabulag kay Alice at di ko na pinansin si Kitt. Sa totoo lang mula nong nag confess siya sakin na fluttered ako at parang iba na ang pakiramdam ko.

Ilang araw di ako makatulog ng maayos dahil mukha ni Kitt ang nasa utak ko kapag nakapikit ako. Malaki ang impluwensyang idinulot ni Kitt sakin. Naging magaling ako sa Math dahil sa kanya. Nililigpit ko na ang mga gamit ko sa bag at nagmadaling sinundan si Troy.

"Troy.. Wait!" habol ko sa kanya. Huminto siya pero di niya ako hinarap.

"May balita kaba kay Kitt? Ok lang ba siya?"

"Bakit mo naman siya ikumusta Jakob? Di ba ikaw na mismo ang nagsabi na layuan mo siya dahil nandidiri ka sa kanya.  Palibhasa di mo alam!"

"Ano ba ang dapat kong malaman bro?!!"

"Tsk, dyan ka na nga!!" iniwan lang akong hanging doon.

--***---

Ang boring ng klase ngayon. Napalingon ako sa upuan ni Kitt umaasang nandon siya sa nakaupo. Pero bakanteng bakante,  si Jessie lang ang naka upo sa tabi niya na malalim ang iniisip. Ano kaya ang nangyari sa kanya? Pareho sila ni Troy ni distracted.

Papalabas na ako ng room ng nakita ko sa unahan si Kitt na kausap si Mr Lee kasama si Jessie. Dahan dahan akong lumapit sa kanila ang nagtago sa sa isang corner.

"Matagal pa po siya magigising sir. Bukod sa muntik na siyang ma overdose sa sleeping pills ay malalim din po ang sugat niya." wika ni Troy.

Nagabot ang kilay ko sa sinabi ni Troy.

"Bakit naman nagawa ni Kitt yon? Ang bata talagang yon."

Lumakas ang kabog kg dibdib ko sa nalamang muntik na magpakamatay ni Kitt.

"Siguro depress na po siya sir. Marami na siyang pinagdadaanan ng ilang taon. Tapos dumating patong isyu na to." wika ni Jessie.

Di ko alam kung anong naramdaman ko sa loob. Naaawa ako kay Kitt, ang alam kung mabait siya pero nagpadala ako sa galit at
Upset ko.

****

Pagkatapos naming magpractise ay agad akong sumakay ng kotse ko at hinitay si Troy at Jessie na papasok pa lamang sa kanilang sasakyan. Alam kong bibisita sila kay Kitt kaya susundan ko sila.

Patuloy lang akong nagmamasid kung saan sila liliko, dumistansya ako ng konti para di halata na sinusundan ko sila.

Di muna ako huminto ng nag park na sila. Hinintay ko muna silang lumabas at tsaka na ako lumabas din.

Nasa room number sixteen si Kitt . Ngayon alam ko na kung saan siya naka confine. Pwede ko na siyang bisitahin. Kahit gusto kong pumasok alam kong nandon lang naman sila na ayaw akong papasukin. Kaya uuwi lang muna ako at magpapalamig ng konti.


Nasa veranda ako ng bahay namin at nakaupo sa isang metal chair at may alak sa table ko. Marami talaga amg gumugulo sa isip ko ngayon. Maraming tanong at pagtataka ang nasa isip ko. Hindi na napaparamdaman si Alice ngayong araw na to. Pero di naman ako nakaramdam nang miss at ...Sparks sa kanya.
Sa simula oo pero nong mga huling araw tila naglaho na lahat. Siya naman ay walang pakialam sa realsyon namin.

Napaisip ako kung tama ba ang sinabi ni Kitt na hindi si Alice ang inaasahan kong siya. Ininom ko ang alak na kanina pa sa kamay ko. Hindi ako umiinom ng alak kung wala akong seryosong problema.

Napakasama kong tao dahil ginawa ko yon kay Kitt. Alam kung hindi totoo ang kumalat sa school. Alam kung may dahilan yon at aalamin ko yon...

The Love We Think We Deserve (BxB)Where stories live. Discover now