Eleven

98 5 0
                                    


Jakob:*pov

Di ko akalain na masasabi ko yon kay Kitt kahapon. Di ko laman na nasakatan ko siya ng ganun. Hindi naman kasi pagsalitaan niya so Alice ng ganun. Syempre gf ko siya masasaktan ako.

Sa totoo lang naaawa ako sa kanya. Pero di ko pa siya pagkakatiwalaan sa ngayon. Actually nakuha ko na ang grades ko sa Math. Di ko inaasahan na ganito kalaki ang improvement ko sa ngayon.

Nakita ko si Kitt na naglalakad papuntang canteen. Gusto kong magpasalamat sa kanya dahil sa tulong niya.

"Kitt!" lumingon siya sakin. Pero huminto lang siya at tiningnan ako. Hindi lang siya sumagot sa akin. Alam kong dahil ito kahapon sa naging alitan namin at pag confess ng feelings niya para sa akin. Pero imbis na mahiya siya parang wala lang sa kanya ang pagharap sakin.

"Nakuha ko na pala ang grades ko sa Math. At nag improved ako kaysa sa noon. Salamat.." sabay kamot ko ng batok ko.

"Okay." tumango lang siya. Wala na siyang ibang sinabi at lumakad na papalayo. Di ko alam pero nasaktan ako sa bagong treatment niya sakin.

Kasalanan ko din naman eh. Sinigawan ko siya kahapon at pinagsalitaan ng masama. Napa face palm ako ng natandaan ko na sinabihan ko siya ng bakla. Di ko dapat ginawa yun!


Kitt :! Pov

Success! Nagawa ko nang iwasan si Jakob. Di na mababago ang pasya ko. Tama na ang minsan ay minahal at nagpakatanga sa kanya. Pagod na ako kahit mahal ko pa siya...

Last praktis ko na to dahil bukas ay presentation na ng lahat ng clubs. Last ako sa lahat ng presentations dahil sabi nila save the best for last.
So far naging fucos naman ako sa kantang to. Kaya ko naman e fake ang pagiging emotional ko sa bawat pagkakataon. Ngayon wala na akong aasahan kay Jakob dahil kahit di paman buo ang friendship namin pinutol ko na.

Nakasalubong ko si kuya kanina at nag ismid lang sakin. Naalala ko kung gaano ako kamahal ng kuya Kurt ko.  Pero ngayon malabo na ang pagiging magkapatid namin.

.....

Umuwi ako ng maaga ngayon dahil gusto kong magpahinga para sa boses ko. Kinakabahan lalo tuloy ako kapag iniisip ko ang event bukas.
Mula nong muntikan akong ma rape ay naging buntot ko na si Troy. In fact inihatid niya pa ako sa amin ngayon. Sana ganun si Jakob. Pero iba si Jakob. Di niya ako pinakinggan paano pa kaya ipaglaban.

Kinuha ko ang diary ko at isinulat ko ang nangyari past days pati ngayon. Isinulat ko ang pag amin ko kay Jakob kahit napakasakit na ni reject niya ako. Pano hindi niya ako pinaniwalaan at pinagkatiwalaan. Pagkatapos ko ng isulat lahat itiniklop ko na at inilagay sa maliit na kabinet katabi ng kama ko.

When tomorrow comes
I'll on my own
Feeling frightened of the things that I dont know
When tomorrow comes
Tomorrow comes...

Bigla tumunog ang phone ko at naka register ang number ni Troy.

"Hello Troy?" sagotko sa kabilang linya.

"Kitt, tulog ka na?"tanong nito.

"Hindi pa nakahiga lang ako sa kama ko. "

"Pwede ba tumabi sayo?" napatawa ako bigla sa tanong niya.

"Loko ka talaga Troy. Teka, napatawag ka ata?"

"Wala kasi akong magawa ngayon eh. Tsaka gusto ko ang unang mag good luck sayo para  bukas." di ko inaasahan na napangiti ako.

"Salamat Troy. Ano bang ginagawa mo ngayon?" malambing na sabi ko.

"Nakahiga rin sa kama ko habang kausap ka."

"Wala ka bang ka text na mg chicks dyan o kayay gf mo?" tumawa siya sa kabilang linya.

"Anong chiks at gf. Single ako ngayon noh. Naghahanap nga ako eh. Pwede ka ba?" nanlaki ang mata ko.

"Loko ka talaga noh, wag mo nga akong pagtripan. Maraming mga magaganda dyan noh." tumawa lang ito at natahimik sandali.

"Laro ko bukas, pupunta ka ba?" biglang tanong niya after a minute of silence.

"Oo, namn noh syempre. Ako ang unang susupport sayo." cheer ko sa kanya. Alam kong naka ngiti siya ngayon. Feel ko lang.

"Salamat Kitt ha aasahan ko yan. Hahanapin kita doon sa court."

"Promise yan Troy. Manood ka rin sakin ha?" tumawa siya.

"Of course I'll be there. After ng game namin deretso na ako don." napangiti ako kahit papano nandyan si Troy.

"Sige na Kitt, sleep ka na para sa boses mo."

"OK Troy, ikaw rin para may energy ka bukas sa laro niyo."

"goodnight Kitt.."

"goodnight Troy..." binaba na niya.

Napahinga ako ng malalim pagktapor namin magusap. Ganun pa man masaya parin ako. May kutob akong may kapalit ang kasiyahan nato. Sana nga lang wala...

The Love We Think We Deserve (BxB)Where stories live. Discover now