45.2. INAKI'S MUTYA.

145 5 28
                                    

45.2. INAKI'S MUTYA.

.....Inaki's POV.....

"Diamond, ayos ka lang ba?"nag-aalalang tanong ko kay Diamond mula sa table namin nila Vaughn at Daddy.

"Ayos lang ako.."sabi ni Diamond na halatang may dinaraing.

"Baka kailangang dalhin ka sa ospital?"tanong ko pa sa kanya.

"Hindi na kailangan may mga doctor dito oh"masungit na sabi ni Aine.

"Hindi na kailangan Doctors parents ni Aine plus doctor din dalawa niyang kuya."sabi ni Belle.

"Ah okey.."sabi ko kay Belle pero nakatingin ako kay Diamond.

"Inaki, Wag ka na mag-alala kay Diamond ayos lang siya.. Kung hindi niya talaga kaya siya na mismo magpapadala sa hospital."sabi ni Yanna.

"Kayang-kaya yan ni Diamond yan pa napakatapang niyang babaeng yan e."sabi ni Zandro.

"Oo okey lang ako wag kayo mag-alala sa akin matibay to noh"sabi ni Diamond.

"Baliw talaga.."mahinang anas ni Maki halatang badtrip ito malamang nag-aalala kay Diamond.

Napatingin ako kay Aine tumayo ito at nagtungo sa restroom.

"Naks.. Nakaw tingin"sabi ni Ylac dahilan para tingnan ko ito nakatingin ito sa akin gayundin sila Yce.

Pumikit ako at ngumiti.

"Ang lakas talaga ng tama ko eh"sabi ko kay Ylac.

"Alam ko yun.. Alam namin yun matagal na.. Ikaw, ngayon mo lang nalaman?"sabi ni Ylac.

"Matagal na nga kaso wala eh dakilang torpe." sabi ko at tumayo para lumapit sa table nila Ylac."Ahm Hello po.."

Malugod din akong binati ng mga kasama nila Ylac sa table nila na mga parents nila at kapatid. Ngayon na ang tamang panahon para kumilos ako para makuha ang puso ng babaeng matagal ko ng minamahal.

"Ahm Ako nga po pala si Inaki Fortalezza matagal na po akong may gusto kay Aine gusto ko lang po sanang hingin ang permiso niyo Tita's, Tito's, Ate, Kuya's, at kayo na rin Diamond, Avril, Yce, Belle, Yanna at Ylac para po ligawan si Aine. Mahal na mahal ko siya alam ko pong marami akong kasalanan sa kanya nasaktan ko siya ng maraming beses gusto ko po sanang bumawi sa kanya, gusto ko po sanang patunayan na sa kanya, iparamdan at ipakita sa kanya yung pagmamahal ko.. Hayaan niyo po sana akong gawin yun.. Ipinapangako ko po sa harap ng mga taong importante at nagmamahal sa kanya pati na rin sa harap ng mga taong mahalaga sa akin at nagmamahal sa akin na mamahalin ko ng tapat at totoo si Aine hinding hindi ko siya sasaktan at paiiyakin gagawin ko po lahat pasaya ko lang siya at makuha ko lang ang puso niya.. Please po payagan niyo akong patunayan ko ang pagmamahal ko sa kanya."mahabang litanya ko habang nakaluhod sa harap ng mesa nila Yce.

"Oh my god ang sweet naman."kinikilig na anas ni Belle.

"Finally kumilos ka rin.. Yes naman pumapayag akong ligawan mo ang anak ko dapat nga dati pa e matagal ka ng hinihintay ng baby girl ko."nakangiting anas ng Mami ni Aine.

"Payag din akong ligawan mo ang unica hija ko basta huwag na huwag mo siyang papaiyakin ha kasi ayaw na ayaw naming umiiyak yun" sabi naman ng Dadi ni Aine.

"Payag na sila Mami at Dadi kaya payag na rin kaming mga kuya ni Aine na ligawan mo siya pero siguraduhin mo lang na hinding hindi mo siya sasaktan ha kundi ikaw ang masasaktan sa amin."sabi ng Kuya Almond ni Aine.

Pumayag din ang ibang parents nila Ylac na ligawan ko si Aine.

"Nakita ko na itong eksenang ito ah parang kahapon lang may nangyareng ganitong eksena.. Anyways ingatan mo at alagaan si Mutya yari ka sa mga kaibigan niya at mga kuya niya kapag sinaktan mo siya"sabi ng Mami ni Yce.

Teens Love War: Asaran+Inisan+Bangayan=KiligTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon