36.2. THE PLAYGIRL AND THE PLAYBOY.

680 18 10
                                    

36.2. THE PLAYGIRL AND THE PLAYBOY.

.....Jayvee's POV.....

Hay! salamat at breaktime na ang sakit sa ulo ng midterm exam namin isang subject pa lang yun may dalawa pa mamaya.

Nasan na kaya yung mga kabarkada ko nahuli lang ako natapos sa exam iniwan na ako.

Papunta na akong cafeteria nung mahagip ng mata ko ang pamilyar na mukha ni Sydnie huling beses ko siyang nakita last friday pagkagaling ko sa Mall nakita ko siyang nagpapakabasa sa ulan nainis nga ako parang tanga kasi alam na nga niyang napakasakitin niya nagpaulan pa.

Napangiti ako ng mapansin ko ang suot na damit ni Sydnie she's not wearing her signature daring/seductive/sexy outfit napakasimple ng suot nitong black and white stripe above the knee dress at pati ang make up nito simple lang, ang balita ko nagbabago na daw si Sydnie at tingin ko nga rin nagbabago na ito mukha ngang pati ang pag-ibig nito para sa akin nagbago na napansin ko ang pag-iwas at pandededma nito sa akin nung mga nakaraang araw.

Dati alam kong si Akiko ang tinitibok ng puso ko pero isang araw nakita ko si Akiko na nakatingin kay Zandro wala akong naramdamang ni katiting na selos o galit ni hindi rin ako nasaktan duon ko napatunayang hindi kasing lalim ng iniisip kong nararamdaman kong pagmamahal para sa kanya ang tunay na nararamdaman ko.

Minahal ko si Akiko at mahal ko siya pero hindi sapat ang pagmamahal na nararamdaman ko sa kanya para ipaglaban ko at ipagtapat siguro akala ko mahal ko siya ng higit pa sa kaibigan pero ang totoo mahal ko siya bilang kaibigan lang mas angat lang siguro ng konti sa pagmamahal ko kina Yasmin, Georgia at Thine para bang bilang espesyal na Kaibigan mas close kasi siya sa akin kumpara sa tatlo.

Ngayong alam ko nang hindi ko naman talaga mahal si Akiko napagtanto ko kung sino talaga ang tinitibok ng puso ko medyo matagal-tagal ko na rin naman itong napagtanto yun nga lang pati ako hindi makapaniwala sa nararamdaman ko hindi ako makapaniwalang ang babaeng yun ay may puwang na sa puso ko.

Dati lumapit lang ako sa kanya at nakipagmabutihan para iganti si Akiko pero mukhang gumawa rin siya ng paraan para makapasok sa puso ko ipinagtabuyan ko siya ng maraming beses, binalewala ko rin siya ng maraming beses, pinagsalitaan ko siya ng masasakit ng maraming beses, sinaktan ko siya ng maraming beses pero siya wala siyang ibang ginawa kundi ang gustuhin at mahalin ako, wala siyang ibang ginawa kundi bigyan ako ng espesyal na atensyon, wala siyang ibang ginawa kundi ang pakitaan ako ng maganda stupid of me pinagtatabuyan ko siya tinutulak palayo sa akin pero pinagbigyan ko siyang makapasok sa puso ko.

Sa bawat araw na dumaan na ipinaramdam at ipinakita sa akin ni Sydnie na espesyal ako sa puso niya natutuwa ako bukod sa nakakadagdag sa kagwapuhan ko yun may kakaibang hatid din yun sa puso ko ipinagtatabuyan ko man siya deep inside my heart i really appreciate it hindi ko lang maipakita dahil nalilito pa ako.

Ngayon mukhang gusto na nga akong tuluyang ibaon sa limot nung Sydnie na yun ayos lang na iwasan at layuan niya ako maraming beses na siya ang lumapit sa akin at siya ang nanuyo ngayong alam ko ng mahal ko talaga siya ako naman ang gagawa ng paraan.

Napakunot-noo ako nung makita ko ang panget na Carlo na yun yung lalaking narinig kong pinagpupustahan si Sydnie ang tarantado mukhang kina-career ang pustahan hindi ako makakapayag na paglaruan lang nila si Sydnie.

"Sydnie!"tawag ko kay Sydnie nung makalapit ako dito.

Tumingin lang sa akin si Sydnie mukhang nagtataka pa ito na nilapitan ko siya.

"so, Sydnie... pwede ka ba mamayang uwian? watch movie?"pagpapacute nung Carlo.

"Hindi siya pwede mamaya may lakad siya"wika ko dun sa Carlo.

Teens Love War: Asaran+Inisan+Bangayan=KiligTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon