45.3. INAKI'S MUTYA.

150 8 65
                                    

45.3. INAKI'S MUTYA.

.....Aine's POV.....

Masaya kaming nagkukwentuhan ni Diamond sa classroom namin nung pumasok ang grupo nila Brake na sobrang iingay kasunod naman ng mga ito ang grupo nila Maki.

"Hi sa inyo Diamond at Aine, Nasan si Avril?"tanong ni Keeno sa amin ni Diamond.

"Hindi pa namin nakikita e.."sabi ko tapos ay tumingin ulit kay Diamond.

"Ayan na pala oh!"sabi ni Inaki sabay turo sa pinto ng room kung saan papasok si Avril.

"Gandang umaga naman oh.. Hi, Diwata ng buhay ko.."sabi ni Keeno kay Avril.

"Hi... Mukhang good mood hah!"sabi ni Avril kay Keeno at nginitian sila Brake at sila Yasmin.

"Syempre naman nakita na kita e.."sabi ni Keeno kay Avril na sobrang ngiting-ngiti.

"Psh.. Baduy.."mahinang sabi ko saka humarap kay Diamond.

"Bitter hah!... Hi sa magaganda kong bessie"sabi ni Avril at yumakap pa sa amin ni Diamond.

"Diwata, Bakit ngayon ka lang pala?"tanong ni Keeno kay Avril.

Natigilan bigla si Avril sumeryoso siya at napabitaw sa yakap sa amin ni Diamond. Parang biglang nangamba.

"Ahm!.. Kasi may pumunta sa bahay namin na unexpected visitor."sabi ni Avril at naupo sa upuan niya nag-aalangan sa sasabihin.

"Sino? Bakit parang nawala ka sa mood nung maalala mo?"kunot noong tanong ni Keeno na napatingin pa sa amin ni Diamond.

"Sino nga ba? Bakit ganyan itsura mo?"sabi ni Diamond kay Avril.

"Ahmmm.. Hindi ko alam kung matutuwa kayo e.."baling sa amin ni Avril napayuko pa ito.

"Sino nga? Daming arte ha!"sabi ko kay Avril.

"Ok.. Sila Brent at Harvey.. Hinahanap nga kayong dalawa e.."sabi ni Avril na binabasa ang reaction namin ni Diamond.

Hindi agad nagrehistro sa utak ko yung sinabi ni Avril.

Tama ba rinig ko?

Sila Brent at Harvey?

Hinahanap kami ni Diamond?

Bakit?

Bakit?

At Bakit?

"Brent at Harvey?"patanong na anas ni Ericko.

"Nasa Pilipinas sila?"patanong na anas naman ni Brake.

"Gosh.."anas ko at bumugtong hininga pa.

"Galit na galit nga sila Yce nung makita e lalo na nung tinanong kayo. Si Harvey ok pa e. Pero si Brent ang makapal ng mukha.."sabi ni Avril.

"Sino yung mga yun?"tanong ni Keeno kay Avril nagkibit balikat lang ito.

"Si Harvey kakambal ni Hansel.. Si Brent pinsan nila na Ex suitor ni Aine."narinig kong sabi ni Ericko kina Yasmin.

"Ipagkalat mo pa talaga."sabi ko kay Ericko at nanlulumong tumingin kay Diamond na nakatingin rin sa akin.

"Sabi niya dati na babalik siya at ipagpapatuloy niya ang panliligaw sayo.. At gagawin niya lahat lahat para lang sa matamis mong oo.. Nasaktan ka nun kaya kinalimutan mo siya sobrang nahirapan kang magmove on sa kanya kaya kayo lumipat dito sa university na ito... Matagal tayong nawalan ng balita sa kanya. Ngayong nakabalik na siya hinahanap ka niya bakit kaya?"sabi ni Diamond dahilan para mas mawindang ako.

"Sabihin daw namin sayong ipagpapatuloy na niya ang naudlot niyong lovestory."sabi ni Avril.

"What the hell?"sabi ko.

Teens Love War: Asaran+Inisan+Bangayan=KiligTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon